"Sasa!"
Kinabahan si Pierre nang bumukas ang gate ng bahay nila Sasa at makita ito. Napansin nyang pumayat ito, at parang maga ang mga mata. Lumapit sya rito at tulad ng laging nangyayari, umatras ito. Magnetic reaction, sabi nga ni Arman.
"Bakit ka nandito, Pierre?"
"You are not answering my calls and texts. You are ignoring me at school. I am so worried about you. What's wrong?" Sinubukan nyang abutin ang mukha nito pero umiwas ito.
"Tama na, Pierre. Tama na ang pakikipaglaro nyo sa akin. Nakakapagod kayo."
"What? Teka, ano bang sinasabi mo? Anong pakikipaglaro?"
Tumawa si Sasa ng mapakla. "Syempre, idedeny mo. Pero sorry, kasi huli ko na kayo kaya tama na. Umalis ka na, Pierre."
Akmang papasok na ulit sa loob si Sasa pero hinila sya ni Pierre.
"Sasa, wait! Talk to me, I don't understand you."
"Bitiwan mo ako, Pierre. Tama na to." Nagulat si Pierre nang tumulo ang luha ni Sasa.
"Why are you crying?" Nahuli nya ang mukha nito at mabilis na pinalis ang mga luha nito.
"Ayoko na, ayoko na kayong makita. Akala ko kaibigan ko kayo pero pinaglaruan nyo lang ako. Bakit ako? Bakit? Hindi nyo ba alam na napakasakit? Pinagpustahan nyo pa ako pero hindi ko maintindihan kung para saan? Bakit? Bakit.." sabi ni Sasa sa pagitan ng pag iyak.
"What?? Anong pinagpustahan? Anong.."
"Sana..sana hindi ka katulad ni Patrick at Den. Sana..sana mali lang ang iniisip ko. Sana..sana hindi ka katulad nila. Pero natatakot ako. Natatakot ako kapag sinabi mong kasali ka.."
"Hell no! Are you saying na pinagpustahan ka ni Patrick at Den?" Sigaw ni Pierre at damang dama ang galit sa boses at itsura nito habang hawak ang mga balikat nya.
Yumuko sya dahil nanlalambot na sya kakaiyak.
"Sasa, answer me." Galit ang boses nito.
"Oo."
"Damn!"
Nagulat si Sasa sa pagsigaw nito. Kung gaano ito katahimik ay ganoon naman pala itong nakakatakot kapag galit ito.
"And you think I joined that fucking dare? Sasa, ganoon ba ang pagkakakilala mo sa akin? Ha? Ganon ba?"
Takot na takot si Sasa sa pagsigaw ni Pierre. Lalo syang naiiyak dahil ramdam na ramdam nya ang galit nito.
"Listen. Ni hindi ko alam ang dare nilang yun, and I swear to God hindi ako kasali sa pustahang yun. Hindi ko kayang gawin sayo yun. Please Sasa, stop crying. Please." Pagmamakaawa ni Pierre sa kanya.
"Sasa!"
Mabilis na pinahid ni Sasa ang mga luha at patakbong nilapitan ang ama na nasa kabilang parte ng kalsada.
"Sasa, look out!" Sigaw ni Pierre dahil nakita nyang may paparating na truck.
"Sasa, anak balik!" Nakita nyang huli na para bumalik si Sasa sa pinanggalingan kayat patakbo syang sinalubong ito at malakas na itinulak ang anak.
"Oh my God!"
Nagimbal ang buong sistema ni Pierre nang makita nyang nabundol ng truck ang papa ni Sasa at ito naman ay bumagsak ang katawan sa poste sa harap ng bahay nito.
Hindi na nya napansing matuling tumakas ang truck na iyon dahil nataranta sya at hindi malaman kung sino ang unang dadaluhan sa mag ama. Nagsabog din ang prutas na dala kanina ng papa ni Sasa sa kalsada. Naglapitan ang mga kapitbahay sa kanila at una nyang nilapitan ang papa ni Sasa.
BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomanceAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)