39 : Anemic

18 1 0
                                    

Kabang kaba si Pierre habang nasa byahe. Katabi nya si Francine na ngayon ay nakasiksik sa leeg nya. Hawak nya ang mukha nito at ayaw nitong dumilat.

"Love, please wake up." Bulong nya na puno ng pag aalala.

Kaagad naman silang dinaluhan sa emergency room ng ospital at sakto namang nakasalubong ni Pierre si France.

"Dude! What happened? Si Francine ba yun?" Tanong ni France kay Pierre. Nagtuloy si France sa pagdodoktor nang nakagraduate at ngayon nga ay isa sya sa mga nakaduty na doktor doon.

"Dude! I'm glad you are on duty! And yes, si Francine yun, sobrang init nya, dude. Kinakabahan ako. Please assist her."

"Kalma, dude. Okay, papasok ako sa loob ako na mismo ang mag aassist sa kanya."

"Salamat, dude."

Lakad ng lakad si Pierre sa labas ng emergency room. Inip na inip sya at gustung gusto nyang pasukin na sa loob si Francine na ngayon ay chinecheck ni France.

Napatakbo pa si Pierre paglabas ni France sa pinto ng emergency room.

"Dude, how's Francine?"

"Dude, we need to confine her. Below average ang hemoglobin counts ni Francine that's why she lost consciousness and got high fever. Anemic sya dude and I think over fatigue na rin that's why she is experiencing dizziness. Madalas ba syang mahilo or dumaing na masakit ang ulo nya?"

"Oo dude, actually palaging sumasakit ang ulo nya lately. Unti unti na kasing bumabalik ang alaala nya kaso hindi pa rin buo, kaya ayan naistress. Plus the fact that she traveled from here to Australia and then went back here the following day. Hindi na sya makapaghintay na gumaling, dude. She can't help but to freak out everytime her head aches. Mayroon syang iniinom na meds for her migraine. Please check on it na rin kung tamang dosage pa rin or kailangan ng palitan."

"Dude, I told you to relax. Healing from amnesia is a long way process, and just think positive na gagaling sya. Paano kapag manganganak na si Francine sa first baby nyo? Baka mauna ka pang himatayin sa nerbyos? Hahaha!"

"Dude naman! I am worried to death!"

"Oo na, alam ko yun. Relax, ako na ang bahala. I will instruct the nurses to give Francine the best care for her at baka magwala ka pa rito sa hospital. We will transfer her to her private room, just follow, okay?"

"Okay, dude. Salamat."

~~~~~~~~~~

"Pierre! Tulog pa rin sya?" Tanong ni Karen pagdating nang umagang yun kasama si Pam at Elise.

"Oo, Karen. Mabuti na yun, para makapagpahinga sya. Pagod na pagod na ang isip kakapwersa na makaalala."

Hawak nya ang kamay ni Francine mula nang ilipat ito sa private room. Naiglip lang sya habang nakadukdok at hawak pa rin ang kamay ni Francine para kapag nagising ito ay nandoon sya.

"Kawawa naman ni Francine, ni Sasa..hay! Nakakaloka, confirmed na ba?" Tanong ni Elise habang inaayos sa side table ang mga dala nilang pagkain para kay Francine at Pierre.

"Yes. Kaya nga itong isa, hindi na mapakali. Gustung gusto nang maalala lahat. Sabi ko huwag pwersahin, kaso hindi siguro mapigilan. Lagi na syang inaatake ng migraine nya, anemic din sya kaya ayan nadextrose tuloy. She needs to rest."

"Kulang sa tulog, bakit pinuyat mo hanoh?" Natatawang tanong ni Pam.

"Pam! Napaka mo!" Bawal naman ni Karen pero halata namang naging interesado rin sa isasagot nya. Napapakamot na lang sya ng ulo at napapailing dahil sa mga kaibigan.

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon