Marahang bumalik ng taas si Francine. Nagkulong sya ng banyo at doon umiyak ng umiyak. Pakiramdam nya kasi ay kailangan na naman nyang tanungin ang iba kung sino ba talaga sya. Pakiramdam nya ay isang malaking istorya lang ang ginawa ni Tim at pinaniwala lang sya nito sa isang kasinungalingan. Pero kailangan nya munang makita ang folder na iyon. Bumuo sya ng plano sa isip.
Maya maya ay narinig nyang pumasok si Tim sa kwarto nila. Inayos nya ang sarili bago lumabas ng banyo.
"Babe! Akala ko magtutuloy tuloy na ang tulog mo eh, grabe pagod mo. Tara sa baba, nagluto ako ng paborito mong adobo."
"Talaga? Nagutom nga ako kaya ako nagising eh. Let's go." Sagot nya rito at masigla naman itong ipinaghanda sya ng pagkain.
Lagi namang ginagawa ni Tim iyon sa kanya. Nung una nga ay kinikilig kilig pa sya dahil sobrang thoughtful nito, pero nang mabuko nya ito nang minsang may sumugod sa kanya sa campus na nagpakilalang girlfriend nito ay lagi na lang nyang iniisip na inuuto na lang sya nito para pagtakpan ang kalokohan. Lalo na ngayon, gustung gusto nya itong komprontahin pero alam nyang magdadahilan na naman ito. Napakabait ni Tim kayat hindi nya akalain na hindi lang pala ang pambababae nito ang naitago sa kanya.
"How's it?" Tanong ni Tim sa kanya habang kumakain sya habang ito naman ay umiinom ng kape.
"Tastes delicious." Sagot nya habang nakangiti. Nakita naman nya itong ngumiti dahil alam nyang kahinaan nito ang pagngiti nya.
"I am glad you liked it."
"Uhm, Tim. Pwede mo ba akong ipagtimpla ng gatas? Baka kasi mahirapan na ulit akong makatulog mamaya, please?" Paglalambing nya sa asawa.
"Sure, babe. Ubusin mo muna yan tapos ipagtitimpla na kita ng gatas mo ha?"
"Okay, babe." Sagot nya.
Inubos nya ang pagkain at ipinagligpit naman sya ni Tim. Pagkatapos ay tumayo ito para ilagay ang pinagkainan sa sink at nakita nya itong kumuha ng baso at gatas. Sinulit nya ang pagkakataong iyon para lagyan ng sleeping pills ang kape nito na naiwan sa table. Nagstock sya ng ganoong gamot mula nang makaranas ng mga panaginip na hindi nya lubos na maintindihan.
Bahala na. Kausap nya sa sarili.
Nginitian nya ito pagbalik sa table.
"Come on, drink this para makapagpahinga na rin tayo." Masayang iniabot sa kanya ni Tim ang maligamgam na gatas.
"Ubusin mo na rin yung kape mo. Cheers?" Sabi pa nya sa asawa.
"Oh! Oo nga pala. Cheers."
Pinagmasdan nya ito habang inuubos ang kape habang sya naman ay ininom ang gatas na itinimpla nito para sa kanya.
"Akyat na tayo." Yaya nya rito.
Pagbalik nila ng kwarto ay nagpanggap syang inaalis sa luggages ang mga gamit nya at napangiti sya ng lihim nang makitang dumiretso si Tim sa kama.
"Babe, bukas na kaya yan? Tulog na tayo, inaantok na ako." Sabi nito sa kanya habang hinihilot pa ang sintido.
"Ah, sige babe tatapusin ko lang ito saka para magpaantok na rin. Tatabihan na lang kita dyan mamaya."
"Okay, babe. Inaantok na talaga ako. Good night, I love you."
"Good night, babe. I love you."
Gustung gusto nyang umiyak pagkatapos nyang sabihin iyon. Mahal nga ba nya talaga si Tim, o gusto lang nya itong bigyan ng pabor sa pag aalaga sa kanya nito?
Ipinagpatuloy pa nya saglit ang ginagawa bago lapitan ang asawa.
"Babe..babe..." tawag nya rito pero hindi na ito sumasagot. Nakatulog na ito at tinalaban kaagad ng sleeping pills na inilagay nya sa kape nito kanina.

BINABASA MO ANG
My Fate is You
RomansaAyessa Dela Rossa and Pierre Jeffrey Calvan A story of a pure, unending love that stays in memory..forever. (Revised April 10, 2020)