7 : Sweet bond

14 1 0
                                    

Mataman na tinititigan ng papa ni Sasa si Pierre habang magkasama sa sala. Magkaharap sila at pinag aaralan ang kaharap ngayon.

"Matagal mo ng kilala ang anak ko?"

"This school year lang po sir."

"Ano ka ba, Tito Arnel na lang."

Ngumiti si Pierre sa papa ni Sasa. "Sige po, Tito Arnel."

"Magmiryenda muna kayo."

Inilapag ni Sasa ang juice at egg sandwich sa lamesita.

"Magmiryenda ka muna bago ka bumyahe pauwi."

"Salamat po."

Nakagat ni Sasa ang labi dahil sa itinatagong kilig. Unang pagkakataon ito na may kasama syang lalaki sa bahay at nakaharap kaagad ito ng papa nya. Kaya natatawa na lang sya sa isip nya dahil sa mga tingin ng papa nya kay Pierre. Akala ata ay manliligaw nya ito.

Nilingon ni Pierre si Sasa nang matikman ang egg sandwich na dala nito.

"Masarap." At ngumiti pa ito sa kanya.

"Talaga? Si papa ang may gawa nyan."

"Is that so? Masarap po ang egg sandwich na gawa nyo, Tito Arnel."

Napataas ang kilay ni Sasa. Tito Arnel? Tiningnan nya ang papa nya at kinindatan pa sya nito kayat nanlaki ang mga mata nya.

"Pa.." bulong nya.

Uminom sya ng juice dahil parang natutuyo ang lalamunan nya sa mga eksenang nangyayari sa sala ng bahay nila.

"Nililigawan mo ba ang anak ko?"

Naibuga ni Sasa ang juice na iniinom dahil sa biglang tanong ng papa nya.

"Are you okay?" Bigla syang inabot ni Pierre at pareho silang nabigla nang hawakan nito ang balikat nya.

"Pa! Hindi po!"

"Eh bakit ganyan ang itsura mo anak?"

"Po? Wala po, papa. Kuya po sya ni Jean, yung estudyante ko."

"Eh bakit sya ang naghatid sayo? Iba ang kotse na sumundo sayo kanina."

Hindi naman nya maramdaman na galit ito. Parang mas ramdam pa nga nya ang paghaharot nito sa kanya dahil bahagya bahagya itong napapangiti habang nakikipag usap sa kanya. Samantalang sya naman ay nag aabnormal na naman ang tibok ng puso dahil sa mga tanong ng papa nya.

"Ah, Tito, umalis po kasi si mommy gamit ang kotse. Kaya ako na po ang naghatid kay Sasa."

"Ah, sige." Tiningnan sya ulit ng papa nya at napapailing nalang sya sa mga lihim na pagngisi nito sa kanya. Maya maya lang ay nagpaalam na si Pierre sa mag ama.

Pagpasok ni Sasa sa bahay nang makaalis ang kotse ni Pierre ay ang nakangiting mukha ng papa nya ang naabutan nya sa sala.

"Pa! Kanina ka pa nakangiti ng ganyan, ang creepy!"

"Hahaha! Bakit ba? Masaya lang ako, sa wakas, may ipinakilala na ring lalaki sa akin ang baby ko."

Tinabihan nya ito sa sofa.

"Pa naman! Mali po ang iniisip mo. Hindi ko po manliligaw si Pierre, okay? Pinakiusapan lang sya ni Jean dahil ayaw akong pauwiin ng hindi hinahatid dito."

"Eh bakit nagbablush ka? Anak, crush mo yung Pierre na yun hanoh?"

"Po??" Nahawakan nya ang pisngi at naramdaman nyang nag iinit nga iyon.

"Kita mo na yan, pero infairness anak, ang gwapo nung Pierre na yun ha? Bagay sa kanya yung buhok nya, kahit para syang babae. Matipuno rin ang pangangatawan, at mabait naman syang kausap, hindi sya mayabang."

My Fate is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon