***
Paulit ulit akong huminga ng malalim, haist! Parang gusto kong himatayin dahil sa kaba. Hindi naman bago sakin ang pagkanta sa harap ng maraming tao dahil sa ginagawa ko ito sa mga kasal kasal. Pero ngayon lang ako manghaharana ng babae.
"Ok ka lang ba?" tanong naman sakin ni Vincent/V saka inabutan ako ng tubig.
"Kinakabahan ako. Pano kung iturn down nya?" nag-aalala kong sabi
Napangiti naman dun si V "Wow! Nasan na yong walang hiya hiyang kumanta sa madaming taong si Jesusa? Unang beses te?"
"Gago! First time itong mangharana, ika---" inis kong sabi, kinakabahan na nga ako nangbubwisit pa eh.
"Jisoo? Handa ka na?" sabat naman ng kakarating lang na si Clark kaya naputol ang sasabihin ko "galingan mo ah?" dagdag nya saka nakangiting sinabi ito "Punta ka na don"
Tumango naman ako saka tumayo na pero pinigilan naman ako ni V.
"Teka! Wala kang salwal. Ganyan ka na kakanta?"Siguro hindi nya nakita kanina na nakaganito ako dahil sa nakaupo ako at pinatungan ko ng jacket ang legs ko.
Tumawa naman ako. Exxage sa walang salawal. Meron naman akong salawal, maikli lang at dahil mahaba yong damit ko ay para wala. OA talaga amput. Hindi ko na sana papansinin at pupunta na sa stage ng higitin nya ako.
"Seryoso ka? Ganyan ka na kakanta? Tapos magtataka ka na pati mga lalake nagugustuhan ka kahit alam nilang wala kang interes. Magpantalon ka!"
"May short yan!" sabi ko sabay taas ng damit ko para makita nya yong short, nakikiuso nga ako pipigilan nya. "Sige na. May haharanahin pa ako" sabi ko at pumunta na sa stage.
Huminga muna ako ng malalim saka hinanap ang babaeng dahilan kung bakit ako nandito at gagawin ko ito.
Ng makita ko sya ay napangiti ako. No question. She's indeed beautiful sabi ko sa isip ko
Medyo kinakabahan ako dahil sa ang daming tao. Sport feast lang naman ng campus namin at nasa harap ako ng halos lahat ng nag aaral dito para gawin ito.
Huminga ako ng malalim para humugot ng hangin saka tumingin sa mga tao ulit at napangiti ng Makita ko si V na nakangiti saka tinaas yong papel na hawak nya na may lagay 'No.1 Fan here".
Napayuko ako at ngumiti saka tumingin sa banda sa likod bilang hudyat na magsimula na sa pagtugtog.
Bago magsimula tinignan ko ulit ang magandang binibining walang kaalam alam na para sa kanya ito.
Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo
Magmula ng makita ka'y naakit ako
Simple lang na tulad mo ang
Pinapangarap ko ang pangarap ko
(Song: Simpleng Tulad mo by Tj
Panimula kong kanta na hindi inaalis ang tingin sa kanya, ganun din naman sya sakin. Sa totoo lang para sakin hindi sya 'simple lang' dahil ang kagandahan nya ay tulad ng ganda ng iba. Isa sya sa mga taong may natatanging ganda.
Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa sakin nya lang tinuon ang atensyon Nya. Kahit parang sasabog na ang puso ko dahil sa kaba at dahil sa tuwa na ginagawa ko ito para sa kanya ay pinagpatuloy ko ang pagkanta hanggang matapos ito.
"Thank you. Mukhang naenjoy nyo naman yong ginawa ko. Pero..." sabi ko saka tumingin at huminga ng malalim para makakuha ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang sasabihin ko "para sa kanya yong kanta talaga" sabi ko saka tinuro sya.
Parang gulat naman sya, pati yong mga nanonood ay nagulat. Ngumiti ako "Yes, Ms. Jennifer Arias, ang kantang yon ay inaaalay para sayo ng tao tulad ko na humahanga ng lubos sayo" halatang halata sa mukha nya ang gulat at hindi makapagsalita habang nagsimulang umingay ang paligid
"Pwede ko bang ituloy ang sasabihin ko mga manonood?" nakangiti kong sabi kaya naman medyo humina ang ingay saka tumingin ulit kay Jennifer.
"Alam kong ika'y nagulat at hindi alam ang gagawin pero sana'y iyong dinggin ang aking sasabihin. Ikaw ang nag iisang dalagang nakabihag ng aking damdamin. Mula ng una kitang makita hindi ka na mawala sa aking isipan at araw araw aking inaabangan. Kung sayo ay sasabihin ang lahat ng nararamdaman baka kulangin ang araw na ito para dyan. Sana ako'y pagbigyan na magpakilala ng lubos at hindi lang sabihin kundi ipakita at ipadama na ika'y lubos na sinisinta. Magandang binibini pwede bang ako'y iyong tignan, hindi sa iyong harapan kundi sayong likuran" sabi ko kaya naman nagtaka sya pati ang mga tao sa paligid.
"Please. Yong totoong may gustong haranahin ka at ligawan ay nasa iyong likuran" dagdag ko kaya naman ang nagtataka nyang mga mata ay ibinaling sa may likod nya saka nya nakita si Clark, ang may gusto sa kanya at nagplano ng pang haharana.
Sya ang nagpupumulit sakin na gawin ito. Hindi ko sya personally kilala pero nakilala nya ako dahil sa nakita nya akong kumanta sa isang kasal, kaya naman ay linapitan nya ako para dito at handa naman syang magbayad kaya agad agad kong tinaggap kahit first time ko mangharana para sa ibang tao.
Ako si Jesusa Dela Rosa o Jisoo na lang para maikli at mas maganda pakinggan. Isa akong istudyanteng rumaraket raket gamit ang aking boses. Kumakanta kanta ako sa mga events para may pagkakitaan at may maitulong naman sa pamilya ni V, na umaruga sakin mula ng mawala ng sabay ang mga magulang ko dahil sa aksidente.
At dito magsisimula ang aking kwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/220705725-288-k421047.jpg)
BINABASA MO ANG
Why Can't It Be?
FanfictionHindi ba sapat ang mahal natin ang isa't isa para hindi maghiwalay? Hindi pa ba sapat na mahal kita at mahal mo ako para ako naman ang piliin mo? - Jisoo I love you but I just can't choose you. I'm sorry kahit gaano ko kagustong ipagpatuloy mo ang m...