Chapter 2

194 4 1
                                    

"Ano yung order mo best friend?" Tanong ni Isaiah sakin. Kakaupo lang namin sa mga upuan dito. Ang sarap ng feeling kapag...

Kapag foundation week, wala kang binibilisan na oras, kumain ka kapag gusto mo.

Wag puro Isaiah okay? Ahihihi.

"Kahit ano lang best friend'" kapag na sa mood ako tinatawag niya akong best friend.

Alam niya yan eh. Tapos kapag galit na ako Art yung tinatawag ko sa kanya.

"Meron bang menu na kahit ano?" Kunot noon a tanong pa niya sakin.

"Ha ha ha ang corny mo best friend. Bilis na nga! Bumili ka na" Then I shooed him. Tumawa naman siya at pumunta na doon para bumili.

Umiling na lang ako at ngumisi habang tinitingnan siyang umalis.

Haaay. Hanggang best friend na lang ba ako? Wag naman sana. Kawawa naman yung kagandahan ko kapag ganyan ang mangyrai diba? Kawawa naman yung kapogian niya kapag sa mali siya mapunta. Mwahaha.

"Oy! Andito lang pala kayo! Nasaan si Isaiah?" Mga panira ng date namin ni Isaiah nandito na.

Sino pa ba? Francine, Marielle, Ashton, Luke and Austin lang naman.

"Umalis nga kayo dito!" Inis na sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako at ganun naman ang pag dating ni Isaiah.

"Oh andtito pala kayo!" Sabay manly shake nila sa isa't isa sa mga boys lang ha. Yung dalawang babae kasi umupo na sa tabi ko.

" just want to tell you Isaiah that sa last day ng foundation week natin tutugtog tayo! Wohoo!!" Sabay taas kamay pa na sabi ni Austin sa ky Isaiah.

At ang saya saya nilang apat. Ng group hug pa habang tumatalon talon.

At ng matapos yung moment nilang apat. Umupo na sila sa harap namin.

Kumain naman kami. Ng order naman kasi sila pagkatapos. So sabay sabay na lang kami. Hinitay na lang namin sila.

"Kukuha lang ako ng hot sauce" Paalam ni Isaiah. Dahil nga sa pizza lover ako. Pizza yung indoder niya at alam niya na hindi ako kumakain ng pizza kapag walang hot sauce.

At pag kaalis na pagkaalis ni Isaiah. "Mga panira talaga kayo! Urghh!" Inis na bulyaw ko sa kanila. Pero ano ang ganti nila? Tawa na naman.

"Kung umamin ka na lang kaya Charmaine?" Sabi ni Luke habang kumakain ng carbonara. At sumangayun naman yung iba. Sarap pang untugin ang mga loko na to.

"Eh paano ako aamin kung kayong 5 buntot ng buntot?"

"Asus! Kulang na nga lang kami ang magsabi ky Isaiah dahil sa ka torpehan mo eh! Ikaw na lang kaya yung manligaw girl?" Sabay wiggle wiggle pa na kilay na sabi ni Francine sakin.

'Da hell girl' Yan na lang ang nasabi ko at sakto naman yung pagdating ng pogi pogi pogi pogi kong best friend.

'Isaiah! Meron nga akong tanong' Biglang sulpot ni Ashton.

At sa foundation week ngayong week. For sure ganito lang ang gagawin namin mg tropa. Kainan, kulitan, kwentuhan at mamasyal lang.

'Oh ano yun?' Sabay lagay ni Isaiah ng hot sauce sa pizza ko. Hehehe. Ang sweet niya diba? Best friend pa lang yan. Paano na lang kaya kung maging boyfriend ko na siya.

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon