Chapter 31

151 2 0
                                    

Sunday morning rain is falling.

Nakatingin lang ako sa bintana habang umuulan. Tinitingnan ko ang bintana ni Isaiah, pero close ito. Wala yung sasakyan niya, ewan ko kung nasaan. Nakita ko naman na lumabas si Kuya Ivan sa bahay nila at pumasok sa sasakyan niya.

I sigh. Love changed me so much.

*bzzt bzzt*

From: Francine Zaldiriagga.

Plano mo bitch? Lalabas ka pa diyan o magtatago hanggang mamatay ka?

To: Francine Zaldiriagga.

Lalabas lang ako kapag wala na yung sakit at kapag mahal na niya ako.

Sent.

From: Francine Zaldiriagga.

Taraaay!!!!

Napangiti ako sa reply niya. Ewan ko ba kung bakit ako napangiti. Inimagine ko lang siguro yung pagsabi niya ng ganyan.

‘Sweetie, na sa baba yung friends mo. Magsisimba daw kayo?’ I sigh and napagdesisyonan na bumaba na lang rin. Pero hindi pa ako bumihis.

‘Grabe!! Ilang araw ka ba hindi naligo?’ –Luke joke.

‘Whatever’ Sabay upo ko sa single sofa. Tiningnan nila ako sabay sabay.

‘Ah… Bi… Magsimba tayo’ Sabay ngiti ni Marielle. Ng nod na lang ako at umakyat pabalik. Ngayon ko lang nalaman na. Nakakapagod pala yung bumaba ka at umakyat kesa sa nararamdaman ko ngayon. Hahaha.

Sumuot lang ako ng white dress and flats. Tapos brinaid ko half yung buhok ko yung sa itaas lang tapos meron bang tira na buhok sa likod. And plinatcha ko kaagad yung curl at kulay pink ko na buhok.

Nag selfie muna ako sa mirror, siyempre. Nahahawa na ako sa pagkavain ni Marielle.

Inupload ko naman ito sa fb at ig.

At ang caption ko ay.

I’m broken but FINE.

Hindi pa naka 5 minutes madami na kaagad yung mga naglike. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Still incomplete.

**AFTER THE MASS**

Isang sasakyan lang yung ginamit namin. Sasakyan ni Ashton lang. Palabas pa lang kami ng simbahan para kumain ng lunch ng magkasalubong kami ni Isaiah at Kuya Ivan.

‘Hey’ –Kuya Ivan. Umiwas lang ako ng tingin si Isaiah naman ganun din. Ang awkward sobra. Nag man to man shake naman ang mga boys ky Kuya Ivan at bumeso ang kami mga babae sa kanya.

‘Mauna na ako Kuya’ Napatingin kami lahat ky Isaiah. Ba’t ba nagiging ganyan si Isaiah? Hindi naman niya kami dapat kalimutan diba? Kung galit siya sa akin dapat sa akin lang. Hindi yung hanggang kaibigan niya, aawayin niya.

‘Sige, Kuya alis na kami ha? Mag la-lunch pa kami’ –Marielle.

‘Sure’ Nagpaalam naman kami at umalis na

Lumakad naman kami para makahanap ng pagkakainan namin. Sobrang lutang ako, ewan ko nga ba kung bakit. Yung wala talaga ako sa mood, yung kahit alam ko na kaya ko naman ngumiti o tawa hindi ko magawa dahil talaga ang kulang. I can’t imagine how hard life is now! How hard this situation now. I thought, maliit na bagay lang yung hindi namin pagpapansinan, akala ko nagsimula lang yun nung binastos ko si Samuelle, pero ba’t lumala?

Nabalik ako sa sarili ko ng naramdaman ko na inakbayan ako ni Austin. Tiningnan ko siya, ngumiti siya, ngumiti rin ako pero hindi totoong ngiti. Hindi ko magawang ngumiti ng totoo, pero noon kahit isipin ko lang si Isaiah, parang baliw na ako sa pagngiti at tawa.

‘Para-paraan’ Sabay sipol ni Luke.

‘Ako na lang yung walang love life’ Luke added. ‘Me too’ Sulpot naman ni Marielle.

‘Pareng Toby, wala ka bang kaibigan na. You know, seksi, matalino, maganda, yung grabe kung magmahal’ Sabay wink pa ni Luke.

‘Wala, hindi ako palakaibigan sa babae since I met Francine’ Sabay wink niya ky Francine, at yung loka loka ng blush.

‘Kyaaaah!!!! Wag nga sa harap ko!!!’ Sabi ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako.

‘BITTER!!’ Sabay sabay pa nilang sabi sa akin. Grabe naman sila!! Ganyan lang talaga ako. Mag ma-madre na lang ako.

I can still act like this, yung okay lang kahit hindi naman, yung sumabay sa usapan, sa trip o sa barkada kahit alam ko naman sa sarili ko na after the day masasaktan lang ako. Ako yung klaseng babae na, kahit nasasaktan ng sobra, go lang ng go. Malay mo sa pagpapakatanga ko dito rin mawala yung feelings ko sa kanya.

Sabi nga nila Don’t force your heart to move on, wait for your heart voluntarily quit.

And I’m still holding in that quote, tho.

Na sa gitna kami kainan ng mahagip ng mata ko si Samuelle at Isaiah na pumasok. Yumuko kaagad ako at kumain.

‘Nananadya ka ba?’ Na gulat ako sa pag tayo ni Austin at tinanong ng ganyan si Isaiah. Isaiah and Samuelle stop. Umiwas ng tingin si Samuelle at hinihigit si Isaiah paalis sa restaurant.

‘Tara na Sai, sa iba na lang’ Pero ng smirk lang si Isaiah at tiningnan ako. Parang 10 seconds kaming nag eye to eye.

*cough cough* pekeng ubo ni Luke. Sabay naman kami ni Isaiah na tingnan siya, binigyan lang ako ni Luke ng what-are-you-doing look. Yumuko na lang ulit ako at kumain na.

‘Austin, upo na’ –Ashton.

‘No, what do you want Isaiah?’ Aalis sana si Austin sa upuan niya para lapitan si Isaiah ng hinawakan siya ni Marielle at pinigilan.

‘Wala naman, the last time I checked this restaurant is for everyone’ Sabay ngisi niya at hinila ang upuan sa tabi namin at doon niya pinaupo si Samuelle, nahiya pa si Samuelle na umupo pero inunahan ni Isaiah umupo iyon at walang nagawa si Samuelle. Tiningnan pa ako ni Samuelle ng nod lang ako.

She’s asking permission if okay, siya yung girlfriend pero diba dapat wag na niya akong pansinin pa?

‘Calm down Aust, hayaan mo na siya. Aalis rin naman tayo’ –Luke.

Wala ng nagawa si Austin at umupo na lang. Merong time na napapatingin ako sa kanila, hindi sila nag uusap, kumakain lang sila. Parang iiyak ako pero pinipigilan ko. I’m so brave, huh?

‘Tara na nga lang’ Aya ko sa kanila at kinuha yung bag ko at dali daling lumabas ng restaurant. Hindi ko na mapigilan, I don’t want to breakdown in front of him, kahit nagawa ko na ayaw ko ng maulit pa sa harap niya.

Dahil the last time I did that wala lang siyang pakialam, at ayaw ko na ulit ma feel yung feeling na ganun, dahil ang sobrang sakit. Ang sakit sakit.

--------------------------------

Gusto ko na siya mapunta sa ending guys, pero hindi ko magawa parang merong pumipigil sa akin at nagsasabi na dagdagan ko pa. Echos! Hahahaha.

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon