Author’s Note.
Huhuhuhu. Nakaabot ng epilogue! Hahaha. Naks! Okay first of all I thank God for letting me show my skills. Echos! Hahaha. Pero thank God talaga. Basta guys, sa mga readers ko if nagandahan kayo sa story na to, comment naman kayo! Hahaha and kindly spread and share. Thank you! Hintayin niyo yung POV ni Isaiah na TDDUP: The Reason Why
------------------
December 31.
Days passed, pero ako tulala lang. hindi ako makakausap. Palaging na sa laptop at hinintay yung pag online niya sa facebook or skype.
Tinawagan ako nina Tina na pupunta daw sila dito mamaya kasama lahat ng tropa. Kahit si Lia pupunta dito.
Si Kuya Ivan, chinachat ko pero hindi siya nag re-reply. Ewan ko kung bakit. Tinatawagan ko pero hindi na pwede. Ba’t ba pinanguna ko pa yung pride ko diba? Pero no one attempted to tell me.
Paano kung huli na yung lahat, no no. Wag kang nega Charmaine.
Kahit pala sina Mommy at Daddy alam yung dinadanas ni Isaiah pero hindi nila pinaalam sa akin. Bakit ganon? Bakit past few days, palagi na lang akong naiiyak? Why God?
‘Honey, magbihis ka na diyan. Get ready to welcome the new year’ Sabay upo ni Daddy sa tabi ko ng makita niya ako na naka pangbahay lang at nakatingin lang sa laptop ko.
‘Please, Charmaine. Magagalit si Isaiah niyan kapag malaman niya na ganyan ang ginagawa mo’
‘Dad please tell me. How’s the operation?’ Yan lang ang naalala ko, yan lang ang palaging na sa isip ko. Ilang araw na ang lumipas pero kahit isang text na okay siya wala akong natanggap. Walang nagsabi sa akin.
‘Charmaine, not now. Please. Sige na. Magbihis ka na. Wala tayong magagawa dun’ Sabi ni Daddy at lumabas ng kwarto ko.
Hindi ko mapigiling na hindi umiyak. Eto na naman ako. Wala na ba talaga akong pagasa? Talaga bang mawawala na siya sa akin?
I sigh. I can’t express my feelings and emotions. But God knows how painful and hardest I am taking right now.
10 minutes passed hindi pa rin ako ng bihis. 7pm na. Merong kumatok sa kwarto ko, hindi naman yan lock. Pumasok sa kwarto ko yung stylist namin ni Mommy. Tiningnan ko yung reflection ko sa salamin.
Naka bun ang kulay pink na buhok, nakasuot ng malaking tshirt, pula ang mata at ilong at napaka laki ng eyebags ko.
Tiningnan ko ang stylist. Ngumiti siya, ng nod naman ako at umupo sa upuan na nasa harap ng salamin.
Kahit ilang taon pa yan, ilang dekada. Hihintayin at hihintayin kita Isaiah.
**10pm**
10 pm ng matapos ako lahat sa pag aayos ko. Bumihis ako ng simpleng polka dot dress at flats lang. Tumingin ako sa salamin. Better.But I can’t smile genuine.
Umikli yung buhok ko, yung kulot ko na buhok ay wala na. Hanggang shoulders na lang and blondie na ako pero meron pang pink sa ilalim at gilid. And I find it cool. Big curls rin siya pero temporary lang for this night. Kami kami nga lang mag pamilya, pero bakit dapat engrande? Bakit tumawag pa si Mommy ng stylist.
Bumaba ako sa hagdan. Sobrang tagal, yung parang lakad na naninibago ako sa lahat. Yung lakad na meron akong iniingatan.
‘My Princess’ Sabi ni Mommy and she hug me. I hug her back. Ng group hug kaming tatlo ni Daddy. Ngumingiti ako, tumatawa pero hindi mapapagkaila na nasasaktan pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Novela JuvenilNa inlove ka sa best friend mo kahit alam mo naman na meron siyang mahal na iba. Kahit sarili mo niloko mo na para manatili lang siya. Mahal mo nga siya pero mas mahalaga yung friendship niyo sa'yo dahil yan lang ang paraan para manatili siya sa'yo...