Chapter 30

131 2 0
                                    

‘Ashton! Stop it!!!’ Sigaw ni Tina ky Ashton na pinipigilan para suntukin si Isaiah. Na sa Malaya pa rin ako. Hindi pa nag sink in sa akin ang mga nangyayari.

‘Napakagag* mo Isaiah!!! Inintindi kita dahil sabi mo alam mo yang ginagawa mo!!!! Ang bastos mo pala! Sarili mong best friend!!! Hahayaan mo lang ng ganun!!!??’ And because of that napatakbo ako sa kanila. Hawak hawak ni Luke at ni Toby si Isaiah. Habang ako tumayo sa tabi ni Austin na nakatingin lang sa dalawa niyang kaibigan na nagsusuntukan.

‘So what!? Hayaan niyo nga kung ano gagawin ko!!! Please!! Get out of my life!!!’ Sabay turo niya sa akin at kinuha yung kamay niya na hawak hawak ni Luke at Toby.

‘Again?’ Sobrang hina na ako. Kahit boses ko hindi ko na mapalakas. Nasasaktan na ako. Sobra sobra. Pero bakit hindi ko magawang magalit? Hindi ako masokista noon, pero ngayon parang ganun na nga.

‘Stop. Ruining. My. Life.’ Isa isa niyang sabi and this time nasuntok siya ni Austin. Napahiga talaga siya sa grass. Hinawakan naman ni Francine at Marielle si Austin. Napatakip ako sa baba ko at umiyak na naman ng umiyak.

‘Pinalampas ko yung ginawa mo ky Charmaine na araw araw mo siyang sinasaktan, Sai! Pinalampas ko yung pagpalit mo sa kanya! Pinalampas ko yung iwan mo siya! Hinayaan kita dahil mahal ka niya!! Pero ang sabihin mo na she’s ruining your life? Really man!? Ni hindi sinira ni Charmaine yung relasyon niyo ni Samuelle kahit makaya niyang gawin!! Nagparaya nga siya eh!! Ewan ko ba kung sino yung tanga sa inyong dalawa eh!!! Ikaw ba na bulag sa pag ibig niya at hinahayaan lang mawala siya sa’yo o siya na andiyan pa rin sa’yo, mahal na mahal ka pa rin at hindi magawang magalit sa’yo kahit paulit ulit mo siyang sinasaktan!!!’ Pulag pula yung mukha ni Austin habang sinisigaw yan ky Isaiah. Si Isaiah naman nakatingin lang ky Austin. Mata sa mata. And I feel Tina hug me. And I also see the sadness in Sai’s eyes. I want to run to him and hug him but the pain I feel is a proof that not now.

‘Wala kayong alam sa mga nangyayari’ Sabi niya at tumalikod para umalis na.

‘Ako Isaiah, meron akong alam’ Simpleng sagot ni Ashton. ‘Pero hindi ko sasabihin dahil ang gago mo’ Ashton added. Tiningnan namin lahat si Isaiah na patuloy ang lakad papunta sa sasakyan niya. Pinaharurot niya kaagad ito paliko sa subdivision namin. Pag ka alis ni Isaiah lahat sila tiningnan ako.

‘Pagod na ako, Austin pahatid ha?’ At dumeritso na ako sa sasakyan ni Austin. Wala ng luha ang lumabas sa mga mata ko. Hey heart, are you tired? Quit now.

**AFTER 2 DAYS**

Hindi ako lumabas sa kwarto ko dalawang araw na. Hindi ako tumatayo para tingnan yung bintana niya. Wala talaga, ayaw ko ng masaktan pa. Pero hinahanap hanap ko pa rin siya.

Nalaman ko rin na nagkasagutan sila ni Kuya Ivan, pero hindi na ako nangialam pa. I don’t want his life to get ruined. I don’t want I’m the reason. I thought before I am making his life colorful, yun pala akala ko lang yun.

*bzzt bzzt*

From: Kristina Palermo.

Kelan ka papasok?

Hindi ako ng reply. Yan lang ang ginagawa nila, pinuntahan nila ako sa bahay pero nilock ko yung room ko. Nag fa-flashback sa isip ko yung sinabi ni Isaiah sa akin na ako daw yung nagsisira ng buhay niya.

*bzzt bzzt*

From: Luke Hautea.

Punta kami diyan?

*bzzt bzzt* Ilang vibrate ang natanggap ko pero hindi ko muna inopen. Kinuha ko yung laptop ko at ng facebook.

Pumunta ako sa profile ni Isaiah. Wala pa siyang na update 3 days ago na. Yung profile picture niya ay yung siya lang na naka hoodie siya at sa park siya. At ang caption ay.

He’s done with everything and now take him.

© Ivan Nepomuceno.

7443 likes iyon at madami ding comment.

Stalking him for 30 minutes, nakita ko rin yung mga pictures na nakatag sa kanya na kasama niya yung tropa ni Samuelle, yung pictures naming dalawa before, mga status niya na:

Sobrang baho ng utot mo Charmaine Analeigh Sustento.

Yung babaeng adik sa 1D eh hindi naman pinapansin. With-Charmaine Analeigh Sustento

Bonding with Charmaine pangit.

Ang sarap ng sunog na pancake ni Charmaine.

At ang mga status na yan nakapatawa sa akin. Imagine, ganyan pala kami noon pero ang hirap ibalik ngayon.

Sa mga status niya na nonsense madami ang ng like at comment. Napangiti ako ng nabasa ko yung comment ni Luke sa sunog na pancake na status ni Isaiah.

Luke Dominic Hautea : And so?

Isaiah Art Nepomuceno : Nothing, I just want to tell everyone even Charmaine not good in cooking I won’t leave her ;)

At sa comment niya na ganyan merong ng like at comment. I can’t imagine it now, sobrang sweet niyang best friend noon. Ano na ang nangyari ngayon? Mahirap ba akong mahalin? Kaya ever since wala ako naging boyfriend? O nakatuon lang talaga yung paningin at puso ko ky Isaiah na binabalewala rin naman ako?

I want to hate Isaiah as hell, but I can’t.

Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? Hindi ko magawang layuan talaga siya?

WHY ARE YOU DOING THIS TO ME ISAIAH!??????

*bzzzt bzzt*

From: Samuelle Dizon.

Charm we need to talk. The day after tomorrow.

-------------------

ETO NA GUYS, SOBRANG LAPIT NA NIYA TALAGA SA ENDING! HAHAHAHA. PLEASE GUYS, COMMENT KAYO HUHUHUHU. PROMISE KUNG SINO ANG MAG COMMENT SA KANYA KO E DEDICATE YUNG ENDING KUNG MAABUTAN PA. O DI KAYA YUNG FIRST CHAPTER OR PROLOGUE SA POV NI SAI:”>

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon