Chapter 18

104 2 1
                                    

8am nagising na ako. Tulog pa yung tatlo.

Tumayo ako at pumunta sa banyo para maligo na. Dahil mamaya pabilisan na naman yan dahil meron kaming mga lakad.

Sumuot ako ng black spaghetti strap at whit high waist shorts.

Pumunta akong living room at nandito pa lang rinig ko na yung tawanan ng mga boys sa labas.

Super late na sila natapos. Tapos sobrang aga gumising.

Nakita ko kaagad si Isaiah na papasok sana sa bahay. Ngumiti siya at binate ako ng good morning with matching kiss sa noo.

Ngumiti rin ako sa kanya at ng good morning. Parang hindi lang ako nasaktan kagabi.

‘Aalis ka?’ Tanong niya at inakbayan ako at lumakad kami papunta sa kanila.

Si Ashton, Austin at Luke sabog pa yung buhok at naka boxers lang. Si Kuya Ivan nakabihis na at si Isaiah ganun rin.

‘Good morning’ Bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Isaiah. Score naman ito! Chos lang! Hahaha. Pero feeling ko talaga. Dito na lang ako makakabawi.

‘Ang ganda ng kulay pink na buhok mo’ Sabay tap ni Kuya Ivan sa likod ko pero sinimangutan ko lang siya. Dahil alam ko tinutukso niya ako.

‘Bakit iiba yung buhok nila pero yung sa’yo Sai ganyan pa rin?’ –Kuya added.

‘Wala kasi siya nung araw na nag make over kami Kuya’ –Luke.

‘Makeover. Psh. Gay’ Tiningnan lang ni Luke ng masama si Austin.

‘Asan sila, Charm?’ –Ash.

‘Tulog pa. Late na kasi natulog’

‘Sobrang OA nito! Hindi mawawala si Tina!’ Binatokan lang ni Ash si Luke.

‘Alis tayo best friend, samahan mo ako bumili ng mga damit’ Aya ko ky Isaiah.

Ganito kasi ako once a week. Bumibili ng mga damit, sapatos o ano ano pa diyan.

‘Sama kami!’ Sabay sabay na sabi nilang tatlo except Ash. Ky Tina lang naman kasi yan sumasama eh.

Tiningnan sila ng masama ni Isaiah.

‘Wag na pala’ Sabay naman nilang sabing tatlo.

Ang weird.

‘Akyatin namin sila. Tara’ Higit ni Ash ky Luke at Austin.

‘Kita mo to. Sobrang OA. Hindi mawawala si Tina!’ Isang batok kaagad nakuha niya ky Ash.

‘Sama ka Kuya?’ Tanong ko ky Kuya Ivan ng nakapasok na sa bahay yung tatlo na higit higit ni Ashton.

Ngumisi at umiling lang sa Kuya at tumayo tapos tinap yung shoulders ni Isaiah. ‘Pasok na ako. May pupuntahan pa tayo mamaya diba?’

Ng nod na lang ako at nagbeso sa kanya.

‘Tara na’ Sabay akbay ni Isaiah sa akin. Ba’t ba ang bango bango niya?

‘Best friend’ Siko niya sa akin. Tiningnan ko naman siya habang pinapaatras niya yung sasakyan niya.

‘Sinong mga lalaki invited sa debut mo?’

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon