Chapter 23

114 2 0
                                    

Kumain kami ng hindi nagiimikan. Sobrang nakakapanibago. Sobrang awkward.

Nagpapapansin nga ako, nilalag konga yung spoon ko pero tumayo lang siya at kinuha ako ng bago, tinabig ko yung coke ko pero binilhan niya ako ng bago tapos hindi nagsasalita and the worse? Binuksan ko ang ketchup at ilalagay sana sa tissue pero ang ginawa ko. Pinatutok ko sa akin yung butas at pinalabas ang ketchup para yung damit ko ang malagyan pero what!? Binigyan niya lang ako ng tissue!! Kainis! Kainis! Isang sorry lang niya okay na ako eh!

Umuwi kami ng hindi na naman nagsasalita. Nakakapanis na! Padabog akong lumabas ng sasakyan niya. Inis akong pumasok sa kwarto ko at dumapa at sumigaw.

Kainis ka talaga ISAIAH!!!

**THE NEXT DAY**

Ngayon na makikita kung sino yung nakapasok sa sayaw. Ako ang gumawa pero tinulungan ako ng mga kasama ko.

Pinost namin iyon sa board at dinagsa lahat ng mga estudyante na sumayaw.

For sure wala si Samuelle diyan. Maldita na kung maldita.

Hindi sumabay si Isaiah sa amin. Ni anino niya hindi namin nakita. Grabe naman ang influence ni Samuelle.

‘Punta muna tayo sa board. Kunin natin yung list para e meeting mamaya’ Aya ni Ate Maye sa amin. Yung treasurer ng D’Stars.

Kasama niya si Ate Rosie yung VP.

Maskasama kami ni Marielle, Francine, Ate Rosie at Ate Maye. Si Tina nga nakapasok pero bawal siyang sumayaw.

Hindi namna kami masyadong malapit at hindi masyadong malayo ng nakita ko kaagad si Samuelle na umiiyak habang kayakap yakap ni Isaiah.

Kahit nakatalikod si Isaiah kilalalang kilala ko siya. Lumapit ako ng konti. Nag tinginan naman silang apat.

‘Okay lang yan Sam. Ano ka ba. Ang sobrang galing mo hindi mo naman kelangan makapasok para masabi mo na magaling ka diba? Gusto mo maghanap tayo ng studio?’ Sabi ni Isaiah habang yakap yakap si Samuelle.

Parang pinipiga yung puso ko. Parang iiyak na ako.

‘Eh.. Kasi naman.. Alam mo naman… na… gustong gusto ko… Makapasok diba…’

‘Ano ka ba, madami pang audition. Malay mo sa pagkanta ka’ Sabay tawa ni Isaiah. Hinampas naman siya ni Samuelle.

Edi sila na. Tumalikod ako at tumakbo kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Masaya na siya, masaya na si Isaiah ky Samuelle. Ano pa ba magagawa ko? Hindi siya masaya sa akin dahil palagi ko siyang minamalditahan. Sumasama lang siya dahil best friends kami.

Umupo ako sa field. Kung saan kami palaging tumatambay. Meron klasi ang mga boys. My check up naman si Tina. Ako na ang loner.

Umupo ako habang nakapatong yung dalawang kamay ko sa tuhod ko. Yumuko ako at hindi na napigilang hindi umiyak.

Naramdaman ko naman na merong tumabi sa akin. Tiningnan ko.

‘Umiiiyak ka na naman. Palagi ka na lang nasasaktan’ Sabi ni Austin habang nakatingin sa langit.

‘Huh? Bakit.. bakit naman ako masasaktan?’ Sabi ko sabay wipe ng mga mata ko.

Oo nga, bakit nga ba ako masasaktan? Dahil na iinis ako? Dahil nagseselos ako? O dahil hindi ko matanggap na wala na talaga akong pagasa?

‘Bakit nga ba?’

‘Hi-hindi no’ Sabay tawa ko na pilit at hinampas siya sa braso.

Kapag wala na ako si Austin ang andiyan palagi, to the rescue kaagad siya.

‘Austin pag ikaw ba naging best friend ko at alam mo na mahal kita. Mamahalin mo rin ba ako?’ Ewan ko kung saan ko napulot yang tanong na yan.

Palagi na lang ako na stuck ky Isaiah. Tapos siye meron ng mahal na iba. Bakit nga ba hindi ko magawa yan?

‘Oo naman. Pero paano ka niya mamahalin kung hindi mo naman sinabi?’

‘Sinabi ko naman ah’

‘Oo nga pero binawi mo’

‘Kasi nilalayuan niya ako. Ang hirap nun. Mas masakit pa yun. Bakit nga ba ang hirap ma in love sa best friend mo? Ang dali dali nga kina Ashton at Tina. Masaya na sila, hindi na sila maghihiwalay pa’

‘Edi magpabuntis ka rin ky Isaiah! Hahaha’ Binatokan ko naman kaagad siya. Pero kiniliti niya lang ako.

‘Hahahaha! Austin! Stop it!’ Pero hindi niya pinipigilan. Kinikiliti pa rin niya ako nakahiga na ako dahil sa kiliti niya pero tawa lang siya ng tawa.

Ang saya lang. Sana ganito rin dapat kami ng best friend ko, sana si Austin yung best friend ko.Sana nga si Austin na lang.

Francine’s POV

Tumakbo si Charmaine ng marinig yung usapan ni Samuelle at Isaiah. Tatakbo din sana ako para e comfort siya pero hinawakan ako ni Marielle. Umiling lang siya and alam ko na ang ibig sabihin niya.

‘Excuse me’ Sabi ko sa dalawang nagyayakapan at kinuha yung pinost ko sa board.

Tiningnan naman ako ni Isaiah, yumuko naman si Samuelle at pinunasan ang mga mata niya.

‘Ba’t niyo ba ginagawa yan?’ Biglang sabi ni Isaiah habang kinukuha ko yung list. Kinukuha rin nina Ate Rosie, Ate Maye at Marielle yung iba.

Hinarap ko naman si Isaiah. ‘Bakit nga ba Isaiah?’

‘You’re unbelievable!’ Sabay gulo niya ng buhok niya. Inirapan ko lang siya. Kung hindi ko lang malapit na kaibigan si Isaiah. Siguro kanina ko pa siya nasampal ng dahil sa paulit ulit na pananakit ky Charmaine.

‘Let’s go Francine, hayaan mo na lang’  Hinawakan ako ni Marielle at pinipilit na sumama sa kanya. Pero no! Isaiah should know this! Sorry Charmaine, para sa’yo to.

‘Hayaan? Really? No way!’ Sabay kuha ko ng kamay ko ky Marielle at tinuro si Isaiah.

‘Ano ba kailangan na gawin namin na kaibigan ni Charmaine para tigilan mo na ang pagpasakit sa kanya!? Huh!? Hindi mo ba alam na hindi niya na enjoy yung birthday niya ng dahil sa’yo! Si Austin ang naging escort ng wala sa oras! Alam mo ba Isaiah—‘

‘Wala kayong alam! Wala! Who are you guys to judge!?’ Tumaas yung boses ni Isaiah.

Sanay na ako diyan. Sobrang sanay na ako diyan.

‘Who are we? Well, kami lang naman ang kaibigan ni Charmaine at kaibigan mo rin!’

‘Really Francine? Kaibigan huh? Grabe! Napaaka supportive niyo!’ Sabi niya. Hihigitin na niya sana si Samuelle at tatalikod na..

‘Merong kang walang alam Isaiah’ Napahinto siya. Lumapit ako sa kanila. Tinaasan ko ng kilay si Samuelle. Umiwas naman kaagad siya ng tingin.

‘Alam mo ba na mahal ni Austin si Charmaine? Na sobrang mahal niya si Charm? Supportive? Yes, supportive kami. Sumu-support nga kami sa Charmaine and Austin love team eh’

Hindi maipinta yung reaction ni Isaiah. Pareho sila ng reaction ni Samuelle. Shock sila.

Sabi ko at lumakad sa gitna nila ni Samuelle at binangga sila.

Nakakainis lang! Sobra na! Ano akala niya ky Charmaine!? Bato!? Da hell.

----------

Sorry maikli lang:”> COMMENT NAMAN GUYS:”>

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon