Chapter 13

105 2 1
                                    

‘Bakit mo naman na tanong best friend?’ Napa angat yung ulo ko sa sinabi niya. Umiling lang ako at binigyan siya ng isang ngiti. Isang ngiti na ng sasabi na masakit pero kelangan ko magpakatatag para hindi lang masira yung pagkakaibigan natin.

‘Gusto mo siyang makilala?’ Mabilis pa sa alas kwatro na umiling ako.

‘Why?’ Kumunot naman kaagad yung noo niya. Dahil noon atat na atat ako na makilala yung girlfriend niya pero iba yung noon sa ngayon. Noon hindi pa ako inlove sa kanya pero ngayon? Sobrang mahal ko na siya.

‘I mean, wag na muna gusto ko lang makilala kapag naging girlfriend mo na siya’ Pero ang totoo naman eh ayaw ko talagang makilala.

‘If you say so malapit na lang best friend makikilala mo na siya’

‘So malapit ka na niyang sasagutin?’

Ng nod lang kaagad siya at binalot naman kami kaagad ng katahimikan. Pero siya panay yung text niya.

*bzzzt*

Kinuha ko naman kaagad yung phone ko sa bulsa ko.

From : Kristina Palermo.

Nasabi mo na Charm? Just text or call me if you need something okay? Pupunta at pupunta kaagad ako diyan. Tell him now Charm. Just do it.

Ng reply naman ako kaagad sa text niya. Kahit hindi pa yan tinext ni Tina sasabihin at sasabihin ko naman talaga ky Isaiah yan eh.

Ganyan daw yan eh hindi ka gagalaw habang wala pang gumalaw. Pero kapag meron ng gumalaw diyan ka gagalaw.

‘Isaiah I really need to tell you something important’ Sabay tago kong phone ko ng kibit balikat rin siya at tinago yung phone niya.

‘What is it?’

‘Dito ka para mas maramdam mo’ Sabay tap ko ng upuan sa tabi ko. Umupo naman kaagad siya dun.

‘What?’ Nakakunot na noo na sabi niya.

‘Sai..’

‘Hmm? Your eyes are so teary. Meron ka bang problema? Tell me. Sino ang nagpaiyak sa’yo? Sino yung umaaway sa’yo? Just! Fuck!! Just fucking tell me Charmaine!’ Sabay hug niya sa akin. Parang na estatwa ako sa ginawa niya.

At hindi ko napigilan napaiyak na lang ako ng todo.

I really fuckin’ going to sieze the moment!

‘Just… Urghh! Sino ba kasi umaaway sa’yo!? Ngayon lang kita nakita na ganyan best friend!’ Sabay pahid niya ng mga luha ko.

I calm myself. Baka hindi ko masabi sa kanya. He really need to know this. Kelangan niya malaman to. Kahit layuan niya ako atleast alam na niya.

Ewan ko saan ko ba nakukuha itong lakas na to. Siguro desperada na ako. It’s been 3 years.

‘Isaiah…. I.. am… I am…. Inlove with…. Y-y-you’ Sabay hagulhol ko at tinakpan ko ng mga kamay ko at mukha ko.

Naiinis, nasasaktan at nahihiya at nararamdaman ko. Pity me.

‘What?’ Naramdaman ko na lumayo si Isaiah ng konti sa akin.

Umiiyak at umiiyak pa rin ako. But, this is the consequence dba? Ganyan ba ang love? Masakit? Merong consequences? Pero ba’t ang iba hindi natatakot sumugal?

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon