Chapter 6

124 3 1
                                    

1 hour passed. Nandito pa rin kami sa field. Nagkwekwentuhan at tawanan. Hindi sumali si Isaiah sa oras na yun. Tulog kasi siya.

‘Total tulog naman yang Isaiah na yan tapos nakikinig ng musika. Prangkahan na nga tayo dito. Talaga bang mahal na mahal mo na yung kaibigan namin, Charm?’ Out of the blue na tanong ni Luke.

Tiningnan ko muna si Isaiah. ‘Maghihintay ba ako ng ganito katagal kapag hindi ko siya mahal? Imagine, babae ako. Pagtungtong at pagtungtog ko ng college wala ng lalaki nanliligaw sa akin at hindi ko alam kong ano ang nangyayari. Kung meron man lalapit and after that day hanggang sa malayo na lang siya o sila’

‘Ano ka ba Charm minsan ang talino mo minsan ang slow mo naman. Hindi pa ba obvious na nilalayuan ka nila dahil akala nila boyfriend mo si Isaiah? Girl! Isang Isaiah Art Nepomuceno yang best friend mo. Isang ultimate heartthrob dito sa University, palagi pa kayong magkasama at ang sweet niyo pa. Now tell us sino ang hindi mag aakala niyan?’ Atleast na sagot na yung tanong ko sa sinabi ni Marielle.

Meron naman siyang point eh pero para naman ang unfair niyan.

Why unfair? Because I want to forget Isaiah and my feelings for him. Hinintay ko nga na merong lalaking manliligaw sa akin tapos ipapadama sa akin na sobrang mahal niya ako.

Hello. 2nd year college na ako tapos ganito pa rin? Wala akong boyfriend? Pero okay na rin yan. Atleast meron naman akong best friend.

‘Alam mo kasi Charm hindi lahat ng mag best friends nahuhulog sa isa’t isa eh. Minsan yung isa lang tapos kapag nalaman ng isa lalayo at lalayo naman ito. Alam niyo yun? Ang complicated’ –Ashton.

‘Tol! Based on experience yan ah. Kaya nga ang hirap mag ka best friend eh! Especially when opposite sex. Mag best friend ka rin kaya ng babae lang tapos kung lalaki ka lalaki lang. Ganyan rin naman eh’ –Austin.

Merong point si Ashton. And I really feel him. Ang sobrang sakit kapag ‘best friend’ ka lang. To the rescue kapag meron lang siyang problema.

‘Ibang istorya naman yan Austin eh’ Francine defend. ‘Not all person needs a best friend. Minsan mas masarap magka best friend na hindi katulad ng kaanyuan mo. Dahil maraming similarities. Look at this situation. Paano kung umiiyak si Charmaine dahil inaway siya ng boyfriend niya tapos kami lang ni Marielle ang best friends niya wala siyang lalaking best friend. Sa tingin mo ba masasapak namin ang nagpaiyak sa kanya?’ Francine added.

‘Meron namang sampal diba?’ –Austin.

Ngumisi nama si Francine ‘Exactly, that’s what I’m saying here. Hindi naming mga babae masaktan yung nagpaiyak sa best friend namin dahil sa walang bisa yang sampal na yan compare sa suntok niyong mga lalaki. Pareho kaming babae. Paano kung lumakad kami late na ng gabi tapos merong nag rape sa amin? Sa tingin mo ba makakayanan yan namin? Diba hindi? Tatakbo at tatakbo lang niyan at hihingi ng tulong sa iba’ Parang nakikita ko yung gustong sabihin ni Francine.

‘Tapos kaming mga lalaki to the rescue kaagad? Ganyan ba yan Francine?’ –Luke.

‘Absolutely yes’

‘I got the point’ Sabi naman ni Austin at ngumiti pa.

I also got the point. Not all best friends are still best friends sometimes they can also be your own hero.

‘Tara na nga at pumunta na sa tambayan! Nakakagutom na’ Aya ni Austin.

‘Sige. Gigisingin ko lang. Hintayin niyo na lang kami sa labas’

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon