Chapter 19

114 3 0
                                    

‘Gusto ko Miss yung sa akin longsleeves pero merong hugis heart na bukas sa likod’ –Marielle.

‘Tube na lang yung sa akin’ –Tina.

‘No!’ –Ashton.

‘Pwedeng long gown?’ Ashton added.

‘No! Mag co-cocktail kami!’ –Tina.

‘Excuse me Miss. Pwede ba yung sa akin parang dress lang tapos labas yung likod ko?’ –Francine.

‘Miss, pahingi ng number?’ –Luke.

‘Gago!’ Austin sabay batok ky Luke.

Nandito kami sa boutique na kukuhanan namin ng mga gagamitin para sa debut. Pabalik balik yung tingin namin ni Isaiah at Kuya Ivan sa kanila.

Ang daming ganito, ang daming ganyan.

Nag aaway pa si Tina at Ash dahil ayaw ni Ash na labas yung balikat o ano man diyan ni Tina.

And I find it sweet.

‘Guys! Guys! Nakakalito kayo’ Awat ni Kuya Ivan at tumayo para pang kunin yung mga brochure at cocktails sa kanila.

‘Isa isa pwede? Kanina pa tayo dito. Wala pa kahit isang nasukat’

Ng nod naman sila at umupo.

Nakakailang hikab na ako dito. Ang sobrang aga ko kasi nagising tapos namasyal kaagad kami.

Tiningnan ko naman si Tina na siya yung ng volunteer na unahin. Todo tingin naman si Ashton.

Ang cute talaga nila.

Ayan na naman. Humikab na naman ako.

‘Sleep’ Sabay tap ni Isaiah ng shoulder niya. ‘Okay lang. Mamaya na lang’ Sabi ko at tinakpan yung baba ko dahil humikab na naman ako.

‘Sige na nga!’ Sabi ko dahil hindi ko na kaya pa labanan yung antok ko. Humiga ako sa bilakat niya habang siya inaalis yung mga buhok ko na nakakalat sa mukha ko.

Nagising ako ng dahil sa malakas ng tawanan nila. Binuksan ko yung isang mata ko. Nandito pa rin pala kami.

‘Ba’t hindi pa kayo umalis?’ Mahinang tanong ko dahil kakagising ko pa.

‘Hindi ka pa kasi gumigising’ Sabay halik ni Isaiah sa ulo ko. Ang sweet niya diba? Bahala na nga! Wala ng move on move on to!

‘Tara na! 1 hour tayo dito na nagtitinginan lang. Gising naman yung mahal… mahal na Prinsesa’ Sabi ni Luke dahil tiningnan siya ng masama ni Isaiah at ng iba pa.

‘Kanina pa kayo tapos?’ –Me.

‘Yep, ayaw ni Sai na gisingin ka. Kaya nag pa deliver kami ng pizza sa kanto dahil alam namin sa sleepyhead ka’ Sabay belat ni Francine sa akin. Ngumiti lang ako then I roll my eyes. Oo nga, merong isang malaking box ng pizza sa harap tapos mga coke.

‘How about me? Wala man lang akong pizza? Andaya niyo naman!’ Nakapout na sabi ko.

‘Anong wala!? Halos nabitin nga kami!’ –Luke. Isang batok naman kaagad nakuha niya ky Marielle.

‘Eto para sa’yo’ Sabay bigay ni Isaiah sa akin ng isang box na hindi pa na buksan. Ngumiti naman ako. Same old Isaiah I knew.

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon