Chapter 1

446 3 0
                                    

"Charmaine!!"

Pang 100 times na yan na tawag ng best friend kong loko loko sakin.

Well, Same compound lang naman kami ang lapit lang diba? Yun nga lang nakakainis lang siya.

I'm Charmaine Analeigh Sustento. 17 years old taking BS Architecture. And secretly in love with my best friend.

"Ayan na nga eh!" Sigaw ko pabalik sa kanya sa bintana. Na sa baba kasi siya sa labas ng bahay sa harap ng kwarto ko.

Sinamangutan lang niya ako at pumasok sa bahay.

Ni lock ko naman agad yung pinto ko dito.

"Hala sige lock pa more!"

Napangiti na lang ako.

"Hahaha! Patience is a virtue Isaiah!" Asar ko sa kanya.

He's Isaiah Art Nepomuceno. 18 years old na last last month. Ako? Next month pa. He's taking BS Civil Engineering.

Nagmamadali siya kasi Foundation Week ng school ngayon. Wala naman kasing gagawin dun eh kaya eto ako nag papagong-pagongan.

"Patience is a virtue ka pa diyan! Paano kung ubos na yung patience ko!?" Seryosong sigaw niya.

"Edi mabuti!" Pang aasar ko pa rin.

Binuksan ko na lang yung pinto. Kinuha ko yung bag ko at lumabas na. Nakatayo lang siya sa gilid ng pinto sumasandal siya sa wall habang nakapikit ang mga mata niya.

Napangiti naman ako tinitingnan ko siya ang pogi pogi pogi pogi niya talaga.

"Baka matunaw ako niyan best friend" Nakapikit na sabi pa rin niya.

"Feeler" Sabi ko at kinuha yung bag na hinahawakan ko at tinapon sa kanya.

Siya nag dadala niyan. Gusto niya eh. Gentleman daw kasi siya.

Oh diba? Ano na lang kaya kapag naging kami diba? Mwahahaha.

Yun nga lang. One-sided love lang po ako. Since 1st year high school best friends na kami niyan. Nakakailang girlfriend na nga yan tapos sa akin hindi man lang nag tapat na mahal niya ako? Psh!

Alam ba niya na hinding-hindi ko sinasagot yung mga nanliligaw sa akin dahil gusto ko siya lahat yung maging first ko!

Ang sarap ngang higitin minsan at sabihan na "hoy gago ilang years na ako naghihintay sa'yo na sabihan mo na mahal mo ako"

Bumuntong hininga na lang ako sa naisip ko.

"Ang lalim ha?"

Sabay akbay pa niya sakin. Kinuha ko naman kaagad yung kamay niya "Ang bigat" At tinawanan lang niya ako sabay sabing "Ang arte arte akala mo kung sinong maganda! Hahaha"

Oh diba? Ang lakas mang asar. Sus! Siya lang naman ang hindi nakakapansin ng kagandahan ko eh!

"Ang sweet mo talaga best friend!!" Sabay sapak ko sa kanya sa braso lang naman.

Sayang yung mukha ni best friend kapag sa mukha diba? Pero okay na rin yun para wala ng babaeng aaligid aligid sa kanya.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Sumakay naman ako sa likod hindi sa front seat katabi niya.

Papasok pa lang sana ako ng "Ano akala mo sakin? Driver mo? Hoy dito ka baka pagkamalan akong driver. Sa pogi kong to? Hah!"

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon