Chapter 33

149 2 0
                                    

Pagdating namin ni Tina sa Café , nagtatawanan ang tatlong lalaki. Ng flashback kaagad sa akin yung mga ara na, apat sila ang nandiyan, apat sila ang nagtatawanan, apat sila ang naghihintay kung sino ang unang pumansin sa kanila na mga babae, apat sila na ng gugulo at yung isa sa kanila ay yung mahal ko, na wala dito.

Lumapit naman kami ni Tina sa kanila, umupo si Tina sa tabi ni Ashton ako naman sa gitna ni Luke at Austin.

‘Anong sa inyo?’ –Ashton.

‘Mamaya na lang ako’ Sabi ko. Si Tina ng order. Natawa ako bigla, tiningnan nila ako ng weird na look.

‘What? Bawal ba tumawa?’

‘Para sa’yo? Oo’ –Ashton with some questions in his look.

‘Nope, maganda nga kapag tumatawa ka’ –Austin.

Binatokan naman ni Luke kaagad si Austin ‘Grabe ang mga hirit mo!!!’

Nagkwnetuhan kami at nag tawanan. Ngayon na lang ulit ako naging ganito hindi dahil moved on na pero dahil siguro napagod lang muna.

Kinuha ni Ashton yung phone niya at meron siyang tinatawagan…

Nag uusap sila ng kung sino man yan, pinariringgan nga ni Tina, pero nung nalaaman niya na lalaki. She whispers to the three of us na lalaki pala, hindi ako niloloko

Nagtawanan naman kaming tatlo, ang weird and the same time and cute ni Kristina.

Habang na sa phone pa si Ashton. I sigh..

‘From now on, I will forget Isaiah’ Deri-deritsong lumabas yan sa mga bibig ko. I’ll try, kapag kaya ko pero pag hindi ko makaya, edi mahal ko talaga siya!!

Nabulunan si Luke, napalaki yung mata ni Austin, patuloy lang sa pagkain si Tina at si Ashton na na sa telepono pa ay parang na shock, open-mouth at hindi nakasagot sa tinawagan niya.

‘Hahahaha! Ano ba kayo? Priceless!!’ Sabay tawa ko pa.

‘Wh-why?’ –Ashton. Habang binababa yung phone niya. Talaga bang tatanongin niya ako na why? What’s happening guys?

‘Wala lang? I want to try, he’s happy now’ And I shrug. Tinap naman ni Austin yung balikat ko.

‘Wag mong sabihin, gawin mo’ –Austin.

‘Wushu! Para maka score ka?’ –Luke sabay batok ky Austin. Nagtawanan naman kami except Ashton.

**ON THE WAY HOME**

5pm ng pauwi na ako, ng order pa ako ng makakain along the way. Paliko na ako ng makakita ako sa park na babaeng nakaupo at umiiyak.

Bigla namang kumulog at natakot siya, umiyak siya ng umiyak. Bumaba ako ng sasakyan at nilapitan siya. I kneel down.

‘Hi.. Are you okay?’ I ask.

‘O-okay *sobs* lang po *sobs*’ Sabi niya. Umupo ako sa tabi niya, tiningnan niya ako. Grabe na yung iyak na, sabog na yung buhok niya, pulang pula na yung mata ang ilong niya.

‘I’m Charmaine, and you are?’ Sabay lahad ko ng kamay sa kanya.

‘Lia po’ Sabay shake hands niya. Basa yung kamay niya dahil sa kakapunas ng kanyang mga luha. ‘Sorry po, hehe’ Sabay tawa niya na pilit lang. Inayos ko yung buhok niya na nakakalat sa kanyang mukha/

‘Bakit ka naman umiiyak? Inaway ka ba?’ I ask again, umiling lang siya. Binigay ko sa kanya ang handkerchief na hawak hawak ko pero hindi niya tinanggap. Ako na lang ng punas ng kanyang mga luha.

‘Tell me, I can be your ate, diyan lang ako nakatira oh’ Sabay turo ko sa bahay namin na makikita dahil sa laki at taas.

‘Grabe naman ate, nakakahiya. And yaman yaman mo pala. Nasayo na yung lahat’

‘Nope, hindi pa sa akin ang lahat’

‘Ba-bakit naman?’

‘Hindi pa akin yung taong mahal na mahal ko na sobra’ Uminit bigla yung mga mata ko, at merong luha na lumabas dito ‘Ayan tuloy, naiyak na rin kako’ Sabay punas ko ng luha ko gamit ang mga kamay ko.

‘Sorry po, uulan po Ate oh. Umuwi ka na. Diyan lang ako nakatira oh, sa tabi ng subdivision niyo, napadaan lang ako dito’

‘No, hindi kita hahayaan dito. Delikado’

‘Kaya ko po yung sarili ko’

‘Ako nga iniwan ako ng taong mahal ko sa lugar na madilim, walang tao at gabi na pero natakot ako. You’re brave’ Sabay tap ko ng ulo niya.

‘Grabe naman siya! Napakagag* po niya, katulad ng boyfriend ko I mean ex boyfriend ko. Ikaw yung brave ate! Nakuha mo pa ngang ngumiti at hindi umiyak kahit pinapabayaan ka niya’

Ginulo ko yung buhok niya, kaya pala siya umiiyak. Hindi lang pala ako nasasaktan ng dahil sa pag ibig.

‘By the way, ang bata mo pa my boyfriend ka na? I mean ex, Ilang taon ka na ba? Ako nga 18 years old na pero NBSB pa rin’

’16 years old nap o Ate’

‘Really!!?’ Pero tinawanan lang ako ni Lia. ‘Oh sorry, Ang exagge nun’ Sabay tawa ko rin.

‘Bakit ka naman NBSB ate?’

‘I was stuck with my best friend eh, siya yung mahal ko—‘

‘Resbakan natin Ate! Langya yun, sa ganda mong yan pinapabayaan ka?’

‘Hindi lahat na sa physical nakikita, Lia’ Ngumiti naman siya na halata ay pilit lang. Ano ba ang problema ng bata na to?

‘To be honest ate, kanina pa ako dito sa park na to eh. Umiyak ako ng dahil niloko ako ng boyfriend ko, pero mas naiyak ako ng dahil meron ding ng comfort sa akin dito at meron din siyang sinabi sa akin na love story din niya, at sobrang sakit nun. Sabi pa nga niya sa akin wag daw akong iiyak dahil baka paglaki ko pumangit ako katulad ng best friend niya’

Tumawa naman ako. ‘Talaga? Sabi niya yun? Sino naman siya? Hahaha!’

‘Siya po si----‘

Hindi natuloy ni Lia ang sasabihin niya ng dahil bumuhos ng malakas ang ulan, tumayo kaagad siya at ng wave sa akin at ng paalam.

‘Bukas na lang ulit Ate ha? Magkita tayo!! Add kita sa fb!’ At tumakbo naman siya na sobrang bilis. Ng nod na lang ako at tumakbo din papunta sa sasakyan ko. Ang basa ko na.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Lia sa akin na sabi rin ng tumulong sa kanya.

Wag daw akong iiyak dahil baka paglaki ko pumangit ako katulad ng best friend niya.

Sino naman kaya yun? Grabe, lahat ng best friend nila, sinasabihan nila ng pangit. Naalala ko naman tuloy si Isaiah, yan rin ang sinasabi niya sa akin kapag umiiyak ako, ang pangit ko daw o di kaya baka mas magiging pangit ako.

Ohhh. Hanggang flashback at reminisce na lang ako. I wish you were here, Best friend. I wish we’re still together until forever.

---------

Wohooo, so proud of myself dahil nakaabot ako ng Chapter 33, hahahaha. Kahit minsan lumalayo na siya sa plot talaga. Pero alam ko na naiintindihan niyo ang story at iniintindi talaga. Close to epilogue readers! Hope you guys read my other stories and up coming stories. Lots of love!

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon