Chapter 7

105 3 0
                                    

‘Oh kain na!’ Sigaw ni Yaya Bethy galing sa bahay nila ni Isaiah.

At yung mga loko tumakbo naman kaagad. Kami na lang ang lumakad ni Isaiah.

‘Ang sakit nga sa part ni Ashton yun’ Pag oopen ko. Wala lang. Baka kasi ma realize niya na dapat niya na rin pala umamin!

Hahaha. Feeler ko na.           

‘Oo nga eh, kaya ayaw na ayaw kong umamin sa babae kapag na in love ako! Gusto ko siya ang aamin! Sa pogi kong to?’

‘Wow! Hangin!’

‘Hahahaha’ At tinawanan lang niya ako. Kanina kung sinong mysterious/Zayn Malik ba. Tapos ngayon kung sinong Louis! Char! Fan lang talaga ako.

*HABANG KUMAKAIN*

‘Charap nhaman nyeto mga Yhayhash!’ Halos puno pa yung bibig ni Luke na paghanga sa luto nina Yaya.

‘Ambastos mo naman Luke!’ Saway ni Isaiah sa kanya.

Napangiti na lang ako. Ganyan kasi si Isaiah eh. Nagagalit kapag mali ang ginagawa. Parang nakikita ko na nga yung future ko sa kanya! Chos lang!

Mukhang bagay na nga kami eh! Chos ulit!

‘Psh! Siguro mag papastor ka no!? Ambait!!’ Sabay tap pa ni Luke ng balikat niya.

‘Kung wala ka na ngang masabi. Tumahimik ka na nga lang diyan’ –Isaiah.

‘Gandang ganda talaga kayo sa damit niyo no? Walang planong magpalit’ Pang aasar ni Francine.

‘Nako Bi! Wag mo na ngang pakialaman ang mga  yan. Wala rin tayo makukuha diyan. Magkakampihan lang silang dalawa!’ –Marielle.

‘I know, right?’ –Francine.

Matapos na kaming kumain ng naglaro yung mga lalaki ng basketball sa ps4 ni Isaiah. Kami namang mga babae lumabas ng bahay. Pumunta malapit sa pool.

Mamaya na lang daw kasi sila uuwi eh.

‘Oh ano Bi? Hindi pa rin maamin?’ –Francine.

Umiling lang ako. Kinakabahan lang kasi talaga ako. Paano kaya kung yun rin ang gawin ni Isaiah sa akin katulad ng ginawa ni Tina ky Ashton?

‘Wag ka ngang nega Bi! Walang mawawala kapag itry mo!’ Sabay sip sa juice na sabi ni Marielle.

50 50 naman kasi yung desisyon eh!

‘Ano ba kayo? Ang hirap kaya e amin sa kanya! Paano kung----‘

‘Paano kung e reject niya lang? Ano ba yan Charmaine. Wag ka ngang sabing nega! Who knows baka feelings mutual lang din pala’ –Marielle.

Hindi pa nga ako tapos eh. Paano kaya kung yung sinabi ko na Paano kung mahal rin niya ako? Nega pa rin ba yun? Ha. Ha. Nag joke ako tawa kayo.

‘No one knows Bi! Dahil ang isang Isaiah Art Nepomuceno ay hindi nagsasalita tungkol sa personal niya’

Nagkibit balikat na lang rin sila. Alam naman nila ang patutunguhan ng mga ito eh. Wala rin naman. At wala pa akong lakas para sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.

Ang hirap ma reject ng taong hinintay ay mahal mo.

**3rd Day Of F.W**

Sabay pa rin kaming pumunta ni Isaiah sa school. Palagi naman eh. Pero ako bumalik kaagad ng Café Supreme. Remember? Meron pa akong kakausapin.

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon