Chapter 3

125 3 0
                                    

Dito na lang ako tumambay sa photobooth.

Marami pang films eh pero wala lang ayaw ko lang. Kainis. Kung sana okay lang naman pala sa kanya edi sana binayaran ko yung kanina pa sa marriage booth at pinahuli kami para kami yung kinasal. Psh!

‘Hoy!’

‘Hoy ka rin’ Sabay irap ko sa kanya.

‘Ba’t ka umalis?’

‘Feel ko lang bakit ba? At chaka walang tao dito no’ Excuse ko. Kainis lang kasi. Kainis. Wala akong rights magselos. Pero ba’t? Urghh!!

Okay Charmaine. Cool down. Maganda siya pero sobrang ganda mo Sabi ko sa sarili ko. Wag ka! Pampalakas ng loob  lang yan.

‘Eto naman’ Sabay pisil niya ng pisnge ko ‘Sana sinabi mo na hindi mo gusto edi sana pumalag pa ako. Ano ka ba best friend. Ang tampuhin mo naman’

Sabay hug niya sakin. Aww. Napangiti na lang ako. Kung alam niya lang na nag gaganito ako edi sana mas magiging masaya pa ako!

‘Sana sinabi mo na nagugutom ka edi sana hindi na lang ako nagpakasal kasalan dun. Mas mahala ka sakin no’ Sabay tap na niya ng ulo ko.

Huwaaat!? Ano!? Nagugutom!?

‘Huh? Nagugutom? Umalis ako dahil sa ganyan? Sino naman ang nagsabi niyan!?’

‘Sila’

What the hell!!

Okay na sana! Ang sweet na! Akala ko dahil sa nagseselos ako kaya ayun yun pala dahil sa meron nagsabi na nagugutom ako kaya!! Urgh!! Panira talaga yung mga yun ah!

‘Tara na nga at umuwi!’ Sabay kuha ko ng bag sa mesa at umalis na.

Pumunta muna ako sa marriage booth andun pa rin sina Francine, Marielle, Luke, Ashton at Austin. Nagkwekwentuhan. Meron ring bagong kinakasal dun.

‘Alis na ako. Kayo na lang bahala diyan’ Paalam ko sa kanila. Ng beso naman ako sa kanila. Yes, kahit sina Luke. Magkakaibigan kasi kami diba?

Ng manly shake naman si Isaiah sa mga lalaki at bumeso rin sa mga babae.

Umuna na akong umalis iniwan ko si Isaiah. Na iinis ako. Pramis! Kainis lang. psh!

‘Hoy best friend! Hintay!’ I stop. Why? Nagkasalubong kasi kami nina Samuelle. Naabutan naman kaagad ako ni Isaiah. Ng blush bigla si Samuelle.

‘Landee’ Pabulong na sabi ko. Ano to? Kapag kung sino lang yung merong karapatan mag selos siya lang dapat? Pwede ring magselos ang merong nararamdaman no!

‘Ahh.. Ehh.. Isaiah… Eto oh’ Sabay abot pa niya ng picture ky Isaiah. Picture nila kanina

‘Nag pa picture kayo?’ Takang tanong ko.

‘Ah sa phone niya lang yan best friend. Wala na kasi kayong film diba? Ah sige Sam salamat’ Sabay kuha ni Isaiah ng picture ky Samuelle.

‘Pinadevelop pa niya yan Kuya! Haha’ Tawang tawa na sabi ni Beth at tinutusok tusok pa yung tagiliran ni Samuelle.

Tss.

‘Tara na best friend! Bye girls! Salamat dito Sam ha?’ Sabay akbay ni Isaiah sakin. Nagbigay naman ng daan sina Samuelle. Ngumiti na lang ako sa kanila. Pwe!

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon