Charmaine’s POV
‘Yow sup guys!!!??’ Sigaw ni Luke ng sa entrance pa lang siya ng Café Supreme. Naks naman! Sobrang energetic.
Kami lang kasi ni Austin ang sa Café Supreme at tinext namin sila na pumunta na lang dito.
Siguro blessing in disguise yung nangyayari ngayon dahil kung hindi mas hindi ko ma fe-feel na concern talaga sila at mas naging close kami ni Austin.
‘Kayo lang? Labas na lang ako. Sinisira ko date niyo eh’ Tatalikod na sana siya pero hinawakan ko siya sa kamay.
‘Ano ka ba. Treat ni Austin to!’ Sabay tawa ko.
‘Anong treat? Ikaw lang, hindi siya kasama’ Sabi ni Austin pero umupo pa rin si Luke at ng order. I shrugged. Ngumiti lang si Austin at ginulo yung buhok ko.
30 minutes passed. Kami pa rin ang nandito. Nasaan na kaya yung dalawang babae? Si Ash at Tina ewan kung saan.
‘Ano ka Francine! Hindi tama yung ginawa mo!’ Sigaw ni Marielle sa kakapasok pa lang na si Francine. Inirapan lang siya ni Francine. Umupo kaagad si Francine sa amin at kinuha yung juice ni Luke at ininom.
‘Hoy! Bumili ka ng sa’yo!’ Sigaw ni Luke sa kanya at hinila yung juice. Natapunan ng konti si Francine. Sinapak naman siya kaagad nito.
Nagtawanan na lang kami. Tumayo na si Francine para mag order.
‘Anyare?’ Tanong ko ky Marielle na ng mu-murmur.
‘Itanong mo diyan sa maganda mong kaibigan kung ano ginawa niya’
Tanga lang? Ewan ang gulo nila.
‘What’s happening, France?’ –Austin.
‘Nagkasagutan kami ni Isaiah’
Lumaki kaagad yung mata ko. Isaiah? As in Isaiah Nepomuceno?
‘Weh? Di nga?’- Luke. Tiningnan naman siya ni Francine ng masama. ‘Eto naman’ He added.
‘Nakakainis kasi! Hindi ko kayang tingnan na nasasaktan ka tapos nilalayuan mo lang’ Aww na touch naman ako.
Ngumiti lang ako sa kanya. ‘Ngingiti ngiti ka lang diyan?’ Sabay irap naman ni Francine sa akin. Kita mo to, sobrang bipolar.
‘Masaya lang ako, imagine napatawa ako ni Austin kanina tapos pinagtanggol mo pa ako’ Sabay wink ko pa.
‘Eh kami?’ Sabay pa na sabi ni Luke at Marielle.
‘Wala, epal kayo’ At tumawa naman sila sa sinabi ko. Pero siyempre joke lang yan. Hahaha.
Bakit nga ba ako good mood? Dapat diba masaktan ako, dapat wala ako sa mood dapat umiiyak ako.
Siguro napagod muna tapos mamaya balik naman sa iyak.
‘Guys, alis muna ako ha? Kita na lang tayo bukas. Meron akong pupuntahan’ Paalam ni Luke. Bumeso naman siya sa amin at ng man to man hand shake ky Austin.
Nawala yung ngiti sa labi ko ng pumasok si Isaiah sa Café Supreme. Nagkasalubong naman sila ni Luke. Ny uy naman si Luke at ng man to man shake sila. Ng hi naman siya ky Samuelle.
BINABASA MO ANG
Til Death Do Us Part
Teen FictionNa inlove ka sa best friend mo kahit alam mo naman na meron siyang mahal na iba. Kahit sarili mo niloko mo na para manatili lang siya. Mahal mo nga siya pero mas mahalaga yung friendship niyo sa'yo dahil yan lang ang paraan para manatili siya sa'yo...