Chapter 35

165 2 0
                                    

3 days passed.

Hindi ako lumabas ng kwarto, hindi ako nagsasalita habang kinakausap ako nina Mommy at Daddy, hindi ako nag open ng phone ko kahit ang dami ng tawag, hindi ako tumatayo. Na sa kama lang ako, nakahiga, umiiyak at kapag napagod na natutulog na lang.

Palaging nag fla-flashback sa akin yung nangyari 3 days ago. Kahit ilang araw na rin ang nangyari, iniiyak ko lang. I didn’t realize na aabot ako sa ganito.

*knocks*

‘Sweetie, get our of your room please,. Me and your Dad are so worried. Please sweetie’ –Mom.

‘Hayaan mo na lang muna Mom, Lalabas ka rin diba diyan honey?’ –Daddy.

Narinig kona umiyak si Mommy. ‘I can’t stand seeing my Princess hurt, Dad’ Napapikit ako at napaiyak sa sinabi ni Mommy.

Me too Mom, I can’t stand seeing myself like this, I pity myself Mom, I really do.

**After 2 Days**

Nagising ako dahil sa ingay sa baba, binuksan ko lang yung mga mata ko at binalewala lang yung ingay, pinikit ko na lang ulit iyon.

Hindi na ako makatulog ng dahil sa tawanan na naman nila sa lapas. I sigh.

‘Epic ka talaga Luke!! Hahahahaha’ –Francine. Ang bunganga ni Francine, bunganga talaga.

‘Hahahaha! Supot!!’ –Ashton.

‘Hiyang hiya naman ako sa’yo!! Nagka anak ka lang!’ –Luke.

‘Hahahahaha! Supot!!!’ Sabay sabay nilang sigaw ky Luke. Hindi ko na nakayanan at dumungaw ako sa bintana ko,

‘Natutulog ako dito!’ Sigaw ko, sabay sabay naman silang napatingin sa akin at O.O lang yung reaction nila. Ngumiti ako at sinira ulit yung bintana.

I found my smile again? Napakawalan ko na ba ulit yung ngiti after 5 days? Oo I still admit that I love him, that I’m still hurt.

That was a day of regret. Yun yung araw na pagsisisihan ko dahil pinakawalan ko lang yung opportunity.

Nabigo lang yung mga kaibigan ko, dahil hindi rin naman ako lumabas. Hindi ko pa kaya. Gusto ko lalabas lang ako kapag hindi na ako iiyak, hindi na ako masasaktan at tanggap ko na yung katotohanan.

Binuksan ko yung pintuan ko at meron na namang pagkain sa labas ng pinto ko. 5 days, consecutive yan. Breakfast to dinner merong pagkain sa harap ng pinto ko.

Tina’s POV

(Ika 3rd day nito na hindi lumabas si Charmain sa kwarto niya ha?)

Nalaman namin sa Mommy ni Charmaine ang nangyari ng pumunta siya sa school at inexcuse muna si Charmaine sa exam. Nung una, akala namin wala lang yun. Paulit ulit naman kasi nasasaktan si Charmaine eh. Kaya nakakaya niya rin.

Pero nung kwinento naming mga girls ky Ashton, Luke at Austin yung nangyari. Nagalit kaagad si Austin at Luke. Hindi ko nga alam kung bakit si Ashton hindi nagilit he just sigh.

‘Nakakapuro na yang gagaong yan’ –Luke.

‘Hayaan niyo na nga lang muna’ –Marielle.

‘Really? Makakaya niyo siyang tingnan na nasasaktan lang ng paulit ulit? Hindi na yan tama!’ –Luke.

Na shock ako dahil bakit si Luke ngayon ang ng overreact? Hindi namin alam yung full details, basta yung alam lang namin ay yung nagpalitan sila ng mga masasakit na salita at ayun umiyak na at nagkulong si Charmaine sa kwarto niya.

Til Death Do Us PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon