Pagpapahirap
3rd Person Point of View
Nakakatawa ang reaction ni nikka, akala ko ba wala siyang kinakatakutan? bakit siya nakatulala ngayon?
'Ang Hina Hina mo Nikka'
--
Nikka's Point of View
ako dapat ang huhuli sakanya eh! pero bakit ako ang nakagapos dito, yung black aura na pumapalibot sakanya talaga kakabahan nalang ako bigla.
hindi ako makapaniwala kung sino, napaka hirap nang maniwala. kababata ko siya dati eh pero bakit niya ito nagawa sakin, inutusan ba siya ni ace? o may iba pa akong kalaban kesa kay ace.
"Kiefer? h-how?" nauutal kong sambit dahil hindi pa rin ako mapakaniwala.
"Hello My Baby Nikka" ngisi niyang sambit
"Don't call me in that kind of way, it totally sucks" sambit ko sakanya, sabay sinampal niya ko. kung tutuusin naka apat akong sampal ngayong araw. kanina naka tatlo ako kay francis tapos isa naman kay kiefer. ayos diba?
"Ang tapang mo pa rin, nakakainis ka na. palaging ikaw nalang napapansin ng mga tao"
"Kasalanan ko ba kung ako ang napapansin? magpapansin ka rin kasi. tanga ka pala, alam ng may utak ka hindi mo naman ginagamit"
tinutukan niya ko ng baril at ngumisi sa akin nakakainis.
"Simula palang ito, kaya hindi muna kita tutuluyan."
"Edi tapusin niyo agad, wala tayo sa palabas para mag bagal sa mga bagay. kaya pwede ba? alam kong kasama ka sa pagplano na mawala ang magulang ko" bigla niyang hinawakan ang mukha ko para matitigan niya ako ng maayos
"Sa totoo lang, hindi. hindi mo magulang ang pinatay ko eh, magulang ni aliah. kami ni marcus ang pumatay sa magulang ni aliah, okay ka na? kaya wag ka ng magtanong ng kung ano ano."
naitikom ko ang bibig ko ng kusa nang biglang may mga dumating na tauhan nila kiefer, mga 6 sila. siguro para pahirapan ako.
"Alam niyo na gagawin niyo"
umalis na si kiefer sa harap ko at pumunta sa gilid para panoorin lang ako kung paano ako pahirapan.
bigla nilang hinila buhok ko, badtrip lang masakit pero hindi ako makapalag.
sinuntok ako at biglang dumugo ang gilid ng labi ko, sinampal nila ako sa pareho kong pisngi.
tinali nila ang kamay ko at sinikmuraan ako, ansakit sakit na! pero titiisin ko para makapag higanti ako sa Pagpapahirap nila sa akin ngayon.
Kung may mangyari man sa akin sa kagagawan nilang ito, maghihiganti ako hanggang mamatay sila. kinawawa nila ako kahit hindi ko pa alam kung bakit nila ginagawa ito sa akin. kababata at kaibigan ko pa ang magtulungan, ANG SAYA NILA BARILIN NG SABAY!!!!
habang binubugbog nila ako at pinapahirapan, tanging pag iyak lang ang nagawa ko.
Alam ko matapang akong babae at kayang pumatay ng kung sino, pero hindi ko alam na may mangyayaring ganito sa akin, yung ginagawa ko sa masasamang tao biglang bumalik agad sa akin, ganito ba kabilis yung karma? masakit, oo dahil yung mga importanteng tao pa ang mga gumawa sa akin nito. alam kong inutusan sila ng kung sinong MASTERMIND ang nagpagawa ng ganito.
habang pinahihirapan nila ako, pinapanood lang ako ni kiefer sa hindi kalayuan. tinignan ko ang mata niya, dati puno ng pagmamahal yun pero ngayon puno na ng galit.
---
Carl's Point of View
Wala talagang pinagbago si Francis! pinapahamak niya na naman si nikka, wala na siyang nagawang matino.
problemado kaming dalawa lalo na si aliah. si aliah hinahanda niya na yung mga dadalhin namin para hindi kami mapahamak, ganito siya ka alisto. simula nung napatay niya si marcus, palagi na siyang nasa hacienda para mag training.paalis na kami dito sa kompanya ni nikka
"Kailangan nating maging alerto, lalo na sa mga tauhan alam kong nakapalibot sila doon sa warehouse kaya kailangan nating ubusin muna ang nasa labas bago sa loob. sana naman walang nangyaring masama kay nikka" sambit ni aliah, napangiti nalang ako sa pag aalala niya sa kabaitan niya. kaya nahulog ako sakanya eh hehe.
back to reality, binilisan ko na magpatakbo ng sasakyan dahil atat na kong mabawi yung kapatid ko sa walang hiyang yun. galit na galit ako doon, kaso wala akong magagawa kasi pinagtatanggol ni nikka yun sakin dati.
Flashback
magkasama si nikka at francis sa guns association, 15 palang si nikka at hindi pa niya alam kung paano humawak ng baril o kahit anong delikadong bagay.
kaso nakakainis tong si francis mapahamak na tao talaga, may kutob na ko na traydor siya."nikka" sambit ko sa dalawa
"kuya, ang ganda ito" sambit ng kapatid ko habang nakangiti, puro baril? masaya ba yun? hibang na siya
"nilibot ko lang siya dito carl, masama ba na dalhin ko siya dito?" sabi ni francis habang naka ngisi, kulang nalang sapakin ko ito.
"Oo masama, 15 palang si nikka kaya wag mo agad ipahamak. delikadong tao ka, masasapak kita ng wala sa oras kahit kila daddy tong kompanya at negosyo. so you better shut your mouth francis, baka kung ano pang gawin ko sa'yo na ikakalungkot mo"
"kuya ano ba, sabing nilibot niya lang ako dito walang masama doon."
sambit ni nikka, tss pinagtatanggol na naman niya si francis.wala akong pake kung salitaan ko siya ng ganon, pinapahamak kapatid ko eh. hindi ako papayag ng ganon, pagkatapos kong sabihin sakanya iyon lumapit siya sakin at binulungan ako.
"may gagawin ako kay nikka na hindi mo magugustuhan kapag natuto na siyang humawak ng baril, naiintindihan mo" ngisi niyang pagsabi.
nang gigil ako bigla nung sinabi niya iyon at umalis na. hinila ko si nikka at niyakap ko siya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag dumating ang araw na mapahamak siya kapag kaya niya na humawak ng baril.
End of Flashback
"Ibabalik kita bunso, Ibabalik ka ni kuya."
huling sambit ko sasarili at pinaharurot na ang sasakyanTo Be Continue.
-------
A/N: abangan niyo yung mga susunod na magagandang mangyayari.4/21/20
YOU ARE READING
The Agents (COMPLETED)
ActionHindi gaanong madali ang buhay kay Nikka Dela Fuerte, bilang isang babaeng anak ay hindi niya nagawa ang mga gawain noong bata pa lamang siya. Kinamumuhian ang kaniyang magulang, ngunit mahal niya ito sa kaniyang kaloob - looban. Tao ngunit ibang bu...