Kabanata 44

63 10 0
                                    


After 3 months...

Nikka's POV

Masaya yung pagsasama namin simula nung nalaman namin ang rason ng Magulang namin, ang pakikitungo naman sakin ni Mommy ay mas lalong umayos at inaasikaso niya ako palagi dahil sa pagbubuntis ko, sa loob ng tatlong buwan ay tahimik ang buhay namin at walang nanggugulo kahit banta ay wala pero hindi pa ako ganon ka kapante..

Tanghali ngayon at sabay kaming kumakain ngayon sa long table, tahimik at walang nagsasalita. ang tunog lang ng kutsara't tinidor ang umaangat na ingay sa buong hapag kainan nang biglang may tumawag sa telepono, agad akong tumayo upang sagutin iyon.

"Hello? Who's this?" tanong ko sa tumatawag, habang nakatingin ako ng deretso sa pamilya at mga kasama ko at ganon rin sila sa akin, seryosong nakatingin.

"Hello, gusto ko ng magkaharap tayo Nikka." sambit sa kabilang telepono, hindi rin ako pamilyar sa boses niya.

"Sino ka ba ha?" iritableng tanong ko.

"Salazar." aniya ng nasa kabilang linya.

fuck... sebastian is still alive

"Sino ang kasama mo?" sambit ko kay sebastian na nasa kabilang linya pa rin.

"Only Ace. wala na akong tauhan dahil bumitiw na lahat sila sa pwesto, lalo na't pinatay mo ang dalawang nasa Major 4. magbabayad ka sa ginawa mo, kung gusto mo isama mo pa yang Under sa 857. yung mga mahihina mong mga alagad hahaha" sarkastikong sabi niya sa akin na agad kinakunot ng noo ko.

"Saan magkikita kung ganon, Salazar?" sarkastikong tanong ko rin sakaniya.

"Sa Dating Warehouse kung saan ka naghirap." huling salita niya at ibinaba ang tawag.

bumalik ako sa kinauupuan ko habang sinusundan lang nila ako ng tingin nilang tila nagtatanong kung bakit tumawag ang hayop na iyon.

"Anak sino iyon?" tanong ni daddy habang ang kaniyang parehong siko ay nakapatong sa lamesa.

"Si Sebastian po, magkita raw po kami ngayon." sagot ko kay daddy ng bahagyang nakangiti bilang pagbibigay respeto.

tumango nalang si daddy, at tinapos na namin ang tanghalian. dumeretso na kami sa kwarto upang maghanda at mag asikaso. kusang nag paiwan ni Keira, Francis at Kiefer upang bantayan ang bahay at ang mga magulang namin, si Aliah naman ay pinaiwan ko dahil isang buwan na pala siyang nagdadalang tao. Ang inakto lang pala nilang dalawa noon sa eroplano ay planado, nabulgar na ni Carl ngunit dineny lang iyon ni Aliah upang hindi namin malaman.  medyo malaki na rin ang tyan ko pero kinakailangan kong tapusin ang sinimulan nilang gulo.

bumaba kaming apat ni Carl, Cyd Luke at Ako patungo sa living room upang magpaalam na aalis kami, nadatnan namin silang nag uusap ngunit napalingon agad nung naramdaman nila ang presensya namin apat. 

"Uuwi kayo ng buhay ha? pangako niyo yang apat, uuwi kayo sa amin, lalo ka na Nikka yang apo ko.. buhay kayong babalik dito" aniya ni Mommy.

"Luke, iho.. wag mong hahayaang masaktan ang anak ko ha? lalo ka na Carl dahil kuya ka" seryosong bilin ni daddy sa dalawa.

"Cyd, gawin mong mabuti ang trabaho mo.. ang anak ko ang sangkot dito sa gulo ingatan mo rin siya, wag mong hahayaang mapano ang inaanak mo." aniya ni daddy kay Cyd.

"Yes tito.." sabay na sambit ni Luke at Cyd, binigyan naman sila ni daddy ng matamis na ngiti at bahagyang umiling dahil sa inakto ng dalawa.

"Papa nalang ang tawag mo sakin, dahil ikaw Luke magiging asawa ka na ng bunso ko at ikaw naman Cyd ay kababata ka ng anak ko. osige na lumarga na kayo." aniya ulit ni Daddy, at nginitian namin sila bago umalis, matagal tagal ang byahe ngunit nakarating rin naman kami agad sa warehouse kung saan nagsimula ang matinding paghihirap ko. 

Bumaba kami sa sasakyan na gamit namin, pumasok kami sa warehouse na iyon na mas naging abandonado na ang itsura, naglakad kami habang nililibot ang paningin sa buong loob ng warehouse nang bigla naming naaninag ang dalawang lalaki na nakaharap sa amin.

"Hello there..." aniya ni Ace na may sobrang napakalaki ng pagbabago, mas lalong naging brusko ang katawan, may kaunting balbas na rin na pagkakamalan mo na talagang mayroon nang pamilya.

"What do you want?" sambit ni Carl ngunit may diin.

"We want to settle this down by giving your life" aniya ni Sebastian nang mahinahon.

settle you're face..

nasa bulsa ng leather jacket ko ang baril ko na may silencer habang ang kamay ko rin ay nakapaloob don, palihim kong tinutukan ang tuhod ni Sebastian habang ang baril ay nasa bulsa ko pa rin, pinaputukan ko iyong ng walang alinlangan. hiyaw niya lang ang tunog na maririnig sa warehouse dahil sa sakit.

"FUCK! WHO DID THAT?" inis niyang sigaw saming apat habang hawak niya pa rin ang kaniyang tuhod na may tama ng bala, dahil sa pagbunot ng baril ni Ace sa kaniyang likod ay naunahan na pala siya ni Cyd nang hindi namin napansin ang mabilis na galaw niya. 

mahigit 2 metro lang ang pagitan namin, kaya't ganon na lang kabilis ang pangyayari. huhugot sana ng baril si Sebastian nang biglang sinipa ni Luke ang kaniyang mukha.

"You Freaking deserve that!" sigaw ni Luke at tuluyan nang binaril si Sebastian, at naligo na sa sariling dugo.

Si Cyd at Carl ay binubugbog si Ace ngunit nagpapalitan rin ng bala. lumapit ako sakanila at kinuha ang baril ko sa leather jacket at pinaputukan si Ace sa likod. bumagsak siya dahil sa panghihina at umubo na ng dugo, hindi ko inaasahan na matatapos lang iyon ng ganoong kabilis. dahil nga rin sa dalawa nalang sila ay agad nang natapos iyon ng ganon ganon lang.

natapos iyon ng napaka bilis lang....

agad kaming umuwi sa bahay at nadatnan namin sila na tahimik at nakatungo, mabilis na umangat ang tingin nila sa amin at agad na lumapit upang yakapin kami.


After 6 months.. 

Kabuwanan ko na ngagyon, at nasa hospital ako dahil nakaramdam ako ng matinding sakit kaninang umaga idinala ako sa emergency room kasama si Luke dahil manganganak na ako. maraming doctor at nurses ang naandito.

Pinairi ako ng doctor hanggang sa lumabas ang sanggol, nanghina ako dahil sa pagod at agad nakatulog. nagising ako sa puting liwanag, napatingin ako sa pinto kung saan pumasok sila Aliah at ang iba pa naming kasama kasabay ang magulang ko. 

abot tenga ang kanilang ngiti dahil dumating na sa mundo ang kanilang inaanak, pamangkin at apo. pumasok rin naman ang nurse na dala ang lalaki kong anak, nag usap usap kami at nag tuloy tuloy ang kasiyahan sa buhay namin.

The Agents (COMPLETED)Where stories live. Discover now