Comatose
Someone's Point of View
Dinala na si Nikka sa Emergency Room para maagapan agad, nung kinuha ko siya sa kotse niya nakaramdam ako ng awa kasi yung ulo niya yung mas may natamo.
nakita ko talaga kung paano siya pahirapan, kung paano siya umiyak, hindi siya nag akmang lumaban nung binubugbog siya ng mga tauhan nila Keira.Isang oras na ako nag iintay sa labas, tapos yung kaba ko pa sobra sobra na.
nakayuko ako habang naghihintay sa doctor, nang bigla siyang lumabas."Doc? How is she? Okay lang ba siya?" natataranta kong tanong sa doctor kasi naman yung itsura niya tila nalulungkot o ano.
"napaka lala ng kalagayan niya ngayon. may mga galos at pasa ang kanyang katawan, yung paa niya ay injured so kinakailangan niyang magsaklay muna para maging better ulit yun. and sad to say, comatose siya hindi natin alam kung kailan siya magigising at siya ang may alam nun kung gigising pa siya o hindi na. pumunta ka nalang sa office if may mga katanungan ka pa, andon na siya sa room niya kung saan siya naka assign puntahan mo nalang siya sa room 16 private room. i have to go and you have to pray para sa
fast recovery niya"umalis na yung doctor at pumunta sa office niya, pagkatapos kong marinig yun para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil naging malala yung kalagayan niya at na comatose pa siya. hindi naman niya deserve yung lagay niya ngayon, busilak naman ang puso niya kahit ganoon ang mga ginagawa niya sa mga masasamang umaaligid at aaligid sakanya.
bigla nalang may tumulong luha galing sa mata ko, napaupo nalang ako sa upuan at napayuko dahil sa sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari sakanya ngayon. alam ko kakayanin niya yung kalagayan niya ngayon, may tiwala ako sakanya kasi nagtiwala rin siya sa akin ng sobrang matagal na panahon. nag stay siya sa tabi ko kahit may kamalian akong nagawa, napaka bait niya sa akin at mapagmahal yung babae na yun kahit ganon siya ka amazona.
pumunta ako sa room 16 kung saan siya naka assign sabi ng doctor, pag pasok ko sa room niya. mas pinagsakluban talaga ako ng langit at lupa. may bendang nakabalot sa ulo, paa at braso niya. may sugat sa gilid ng labi niya, ang pinaka malala may nakakabit sakanyang mga kung ano ano. mas lalong gumuho yung mundo ko kasi kinawawa nila si nikka at ganito ang kinalabasan.
umupo ako sa gilid ng kama niya at tinignan ko lang yung napaka ganda niyang mukha, bigla akong tumingin sa kamay niya at hinawakan ko iyon at nilagay sa pisngi ko. nakakabakla pero tumulo yung luha ko agad kase hindi ko alam kung kailan siya gigising. pero Lord kahit ganito kami kasama at alam namin na masama kaming tao sana gisingin mo yung bunso nila Carl sana makagawa ka ng milagro para mabuhay siya.
napaka amo ng mukha niya. mahabang pilikmata, pinkish lips, makapal onti yung kilay at medyo maputi siya.
"Nikka, gumising ka na jan oh andito na ako. alam mo ba pupunta dito yung papa ko na kinakapatid ng papa mo. tutulungan ka naming bumangon at bumawi dahil sa ginawa nila sa'yo. alam mo matagal ka ng gustong makita ni papa, pero eto na yung panahon na makikita ka na niya kaso ganyan pa ang kalagayan mo." sambit ko sakanya at hinawi ang buhok niya.
"napaka amo pala ng mukha mo sa malapitan sorry kung ngayon ko lang na appreciate ha? napaka amazona mo kasi at ayaw mong tinitignan ka sa malapitan dahil naiilang ka."
"gising kana jan, ipapasyal pa kita. kung ako yung nasa kalagayan mo nikka, gigising agad ako nasa emergency room palang haha! biro lang syempre baka kasi naririnig mo ko kaya pinapatawa kita"
"me and my papa were here to help you again, be strong nikka. lakasan mo ang loob mo at labanan mo yang comatose na yan para magising ka. you need to rest para pag gising mo malakas na ang nag iisang nikka."
bigla akong yumuko at humikbi, at biglang may nagbukas ng pinto buti nalang si doc lang pala yun. inaya niya ako lumabas muna saglit para kausapin sa mga results ni nikka about sa kalagayan niya ngayon.
"Sorry if i interrupt you, pero ito yung results niya. napaka lakas ng impact ng pag bangga ng kotse kaya may kaunting head fracture siya jan. wala namang possibility na mag ka amnesia siya kasi hindi naman totally malala ang lagay niya. i know she will wake up in the right time, just be strong."
tinapik niya ang balikat ko at nginitian ako. umalis na siya at dumeretso na siya sa office niya,
bumalik ulit ako sa room niya at nakita ko siyang ganon parin ang lagay niya, parang mahimbing lang siyang natutulog."Nikka, andito lang ako na babantayan ka araw araw magising ka lang. Sleep Very Well Nikka"
at hinalikan ko siya sa noo.
To be Continue..
-------
A/N: patikim palang yan haha! abangan ang mga nakakaintense na storya. lovelots!4/23/20
YOU ARE READING
The Agents (COMPLETED)
ActionHindi gaanong madali ang buhay kay Nikka Dela Fuerte, bilang isang babaeng anak ay hindi niya nagawa ang mga gawain noong bata pa lamang siya. Kinamumuhian ang kaniyang magulang, ngunit mahal niya ito sa kaniyang kaloob - looban. Tao ngunit ibang bu...