Rainy dayyyy!!! Typhoon Ambo are here in our country joining the problem of Covid 19 Pandemic.
I hope God will heal as all, Amen.
Back to reality, every chapters ay may mga kagulantang mangyayari at may mga happy parts rin naman pero syempre lamang ang intense haha. abang abang nalang sa mga scenarios every chapters, nagbigay na ako ng hint hehe. Enjoy Reading Everyone!Transaction (2)
Nikka's POV
simula nung dumating kami dito ay kaunti at pili lang ang mga taong inimbatahan, pawang may mga edad na at may mga ka edaran rin namin ang mga naandito. nilibot namin ang aming paningin sa cruise kung saan gaganapin ang kauna unahang transaksyon na masasaksihan mismo ng aming mga mata.
lumingon sa akin ang apat at tinititigan ako na tila nagkakaintindihan kami gamit ang mga mata. "Cyd, ikaw na bahala sa dalawang grupo na magtatransaksyon ngayon, do your job properly. alam kong may maaasahan ako sayo, ingat" aniya ko kay Cyd, at dumeretso na siya sa taas kung saan na roon ang room ng nagpapaandar ne'to.
"Luke at Carl pabagsakin niyo ang mga ibang tauhan ng walang ginagawang ingay. ayusin niyo ang naka assign sainyong dalawa, go now."
nag bow sila ng kaunti sa akin, at dumeretso na sa mga paligid kung saan nakabantay ang mga tauhan, inilibot ko ang mga paligid ngunit walang CCTV na mga nakakabit. siguro kaya hindi sila nagpalagay dahil may mga koneksyon ito sa mga mayayaman na mga sindikato.
"Aliah, what time is it?" tanong ko sakaniya habang naglalakad kami 1st floor ng cruise na may maraming nagsasayaw na mga tao. "it's already 8:37 pm niks." aniya ni Aliah. "Let's go upstairs" yaya niya sa akin, at umakyat na kami.
Agad na umagaw sa aming atensyon ang isang may edad na lalaki, pumasok sa private room. naiwan ang dalawang tauhan sa magkabilang gilid ng pinto. agad kaming lumapit doon kung saan pumasok ang ginoo.
"excuse me, kakausapin lang sana namin ang pumasok jan" sambit ko sa dalawang tauhan na nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.
"sorry miss, pero bawal po magpapasok dito." aniya ng nasa kaliwang gilid ng pinto.
"please, inaasahan niya kasi kami na darating." sambit ni Aliah. "bawal po talaga" sambit naman ng nasa kanan. agad kaming nagkatitigan ni Aliah, at sabay naming siniko sa batok ang dalawang tauhan at hinampas ng baril sa leeg para makatulog. "ayan ang napapala ng hindi nagpapapasok. tch" aniya ni Aliah, at sinipa ang pinto para bumukas. agad naming natanaw ang lalaking pumasok kanina.
"oh hi beautiful ladies." aniya ng ginoo sa amin habang malapad ang kaniyang ngiti.
"we are not interested, mister" aniya ni Aliah habang nakakunot ang noo. biglang binitawan ng ginoo ang dalawang brown envelope na hawak niya at sumugod sa amin. naiwasan namin ang mga sapak niya at bigla ko siyang tinuhod at siniko sa leeg.
sinipa ni aliah ang braso ng ginoo upang uminda ito lalo sa sakit. agad siyang napaupo at napayuko. tinutukan ko siya ng baril sa ulo upang makapag salita. "Who Are You?" aniya ng ginoo sa akin.
"i don't want to answer you freaking question, lend me the envelope or else you will meet one of my bullets from my gun." agad niyang binigay ang brown envelope sa akin, at agad kong inabot iyon kay Aliah. "Sino ang dalawang grupo na may transaction ngayon, Rodolfo?" tanong ko sakaniya upang manginig siya lalo. "Answer Me." diin kong sambit upang makasagot siya.
"Motisi Group at Greco Group." aniya ni Rodolfo habang nanginginig.
"Kasama ka sa Hades pero nanginginig ka. You must die" aniya ko at pinapatukan ko siya gamit ang Glock 22 Magnum. mabuti nalang at makapal ang area at hindi maririnig ni isang katiting na ingay.
agad kaming lumabas ni Aliah dala ang envelope, at nakasalubong namin sila Luke at Carl. nakalapit na sila sa amin nang biglang may sumabog sa baba.
"WHAT THE HECK??!!?" inis na sambit ni Luke.
"dalawa lang ang magsasabog nito, Motisi or Greco" aniya ko sakanila at agad naman silang nagtaka. humabol sa amin si Cyd na hingal na hingal, "Nakita ko ang buong transaction sa 4th private room, ikukwento ko nalang mamaya" aniya ni Cyd na hingal na hingal pa rin. agad kaming bumaba at bumungad sa amin ang mga armadong lalaki.
kinuha namin ang sarili naming baril at sabay sabay namin silang pinaputukan. sipa rito, baril doon.
paulit ulit ang nagagawa namin dahil marami rami ang mga armadong lalaki na alam kong mga tauhan ng dalawang grupo. magaling si Cyd kung tutuusin, pawis lang ang meron siya pero ni isang dumi sa kaniyang mukha o sa damit na suot ay malinis pa din.napalingon ako sa likod at may tauhan na may dalang silya, hahampasin niya sana ako nang bigla kong nahagip ang kaniyang braso at inikot patalikod. hinampas ko siya ng baril upang matumba, at agad ko namang kinuha ang kaninang hawak niyang silya at hinampas iyon sa kaniya, agad siyang nahiga at dumugo ang ulo. kinuha ko ang dalawang kahoy galing sa wooden chair na hinampas ko sa tauhan, at agad ko iyong binato kay Aliah at Luke.
"THANK YOU!" sambit nila sa akin at natawa na lang ako, nagtuloy tuloy ang laban sa cruise nang hindi namin nakikita ang mga itsura ng Motisi at Greco.
naubos at napatumba namin lahat at agad kinuha ni Luke ang kaniyang cellphone. "Oh hey, Padala nga yung Yate dito sa cruise. Thanks" agad niya iyon binaba at lumingon sa gawi naming apat.
"Mamaya ko na ikukwento ang buong nasaksihan ko sa transaction ng dalawang grupo."
Agad na kaming lumabas sa cruise at nadatnan namin ang mga taong takot na takot, makalipas ang 15 minutes ay sumakay na kami sa yate.
"nakakapagod hahahahaha" sabay na sambit ni Carl, Cyd, at Luke.
"shut up." iritable kong sambit.
umupo kami sa sofa ng exclusive yacht, at tinignan ang kabuuan ng dagat. gusto ko malaman kung sino ang leader ng Motisi at Greco, curious talaga ako nung marinig ko ang pangalan ng grupong iyon kanina.
"i was so damn shock nung nakita ko ang transaction ng dalawang grupo. damn it" sambit ni Cyd na nakakunot ng bahagya ang noo.
Kung ganiyan siya makapag react, siguro malalakas ang grupong iyon.
YOU ARE READING
The Agents (COMPLETED)
AksiHindi gaanong madali ang buhay kay Nikka Dela Fuerte, bilang isang babaeng anak ay hindi niya nagawa ang mga gawain noong bata pa lamang siya. Kinamumuhian ang kaniyang magulang, ngunit mahal niya ito sa kaniyang kaloob - looban. Tao ngunit ibang bu...