Hi Good Evening!!! Sorry if hindi ako nakapag UD kahapon, super busy kasi dito sa amin. Pwede kayong magcomment if may mga tanong kayo about dito sa Story ko, you can ask everytime. Read & Enjoy, Lovelots Everyone!
Unexpected Visitor
Luke's POV
"hindi kayo kikilos???!" iritableng sambit ni Nikka.
"e-eto na nga kikilos na." utal na sambit ni Cyd at dumeretso sa may pinto. "hoy saan ka pupunta? ni wala ka ngang sasakyan. magmomotor tayong tatlo ni Luke, pabayaan niyo si Carl at Aliah na magkotse. respect the lovers men" ngising sambit ni Nikka at kaming dalawa ni Cyd naman ay nagkatitigan at bumigay na sa katuwaan dahil kanina pa kami nagpipigil ng tawa dito.
"nasan ang mga motor? eh wala naman sa garahe" takang tanong ni Cyd, hays. halatang bago ka palang talaga.
agad na pinindot ni nikka ang red button sa pader malapit sa pinto at bumukas ang gitna ng sahig, at bumungad sa amin ang hagdanan pababa dito. agad na bumaba si Nikka dala dala ang all black helmet niya at Sumunod na kaming apat sakaniya.
tumigil si Nikka sa gitna at pumitik, agad namang bumukas ang ilaw at bumungad sa amin ang puting garahe at mas naagaw sa aming atensyon ang mga sobrang bago na kotse na halatang hindi pa nagagamit dahil sobrang kintab, 5 rin ang motor na may helmet na rin na nakasabit.
"woahhhhh. cool" hangang sambit ni Cyd at nginitian siya ni Nikka.
"Aba. anak ng---" pinutol niya ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita. "Tsk. natutuwa lang ako sakaniya kaya ko siya nginitian, sumakay ka na nga sa motor mo." agad akong pumunta sa red and black na motor na kawasaki na kagaya kila Cyd. nakita ko si Carl at Aliah na pupunta dapat sa dalawang Ferrari ng biglang nagsalita si Nikka.
"Oh. I forgot, use that Mercedes Benz not that Ferrari." sabi ni Nikka at napangisi sa harap ng kapatid habang nakaupo sa kaniyang motorsiklo at pinupunasan ang kaniyang helmet. sumakay na ang dalawa sa mga kotse at agad naman naming pinaharurot ang aming sariling motor. wala pang halos 20 minutes ay dumating na kami sa kompaniya ni Nikka.
"That was a freaking damn great ride." sambit ni Nikka at hinintay kami mag asikaso para sabay na kami lahat pumasok sa kompaniya.
"tsk. grabe talaga gumegewang gewang pa ako" Cyd.
"si Nikka nga kung makapag motor ay kala mo wala ng iba pang sasakyan sa kalsada." Aliah.
nakikinig lang sa amin si Carl nang bigla siyang napahinto habang titig na titig ng deretso. agad naman kaming nagtaka dahil sa inasal niya, nakakunot ang noo niya at bahagyang nakatabingi ang kaniyang ulo para maaninag ng mabuti kung sino ang kausap ng kaniyang kapatid. lalaki ito, naka all black formal suit, sinuyod ko ang buong lugar at mabuting walang tauhan na kasama 'tong ugok na 'to.
lumapit kaming apat at pumunta sa likod ni Nikka. hindi kami napansin ng lalaki dahil nakatingin siya ng deretso sakaniya.
"What's you're name?" saad ni Nikka nang walang kaemosyon emosyon.
"I forgot to introduce myself. By the way, I'm Joaquin Moran. you can call me Quin or Joaquin, it's better." saad nung Joaquin at tumango naman si Nikka sakaniya, naglakad na sila pareho at sumunod na kami.
"Darn! sino kaya yun, wala namang appointment na nasabi si Nikka neither meeting, wala rin." saad ni Cyd na may halong pagtataka.
"Tara, puntahan muna natin yung Secretary niya. maybe she can tell us something" inaya kami ni Aliah at dumeretso sa 2nd Desk na katapat ng pinto ng opisina ni Nikka.
"Excuse me? Ms. Sierra. may nasabi bang appointment or meeting with the stockholders si Nikka?" tanong ni Carl na sobrang seryoso.
"Wala po Mr.Dela Fuerte, hindi po nagpapatawag ng meeting with the stockholders si Ms. Dela Fuerte ilang araw na po, Bakit po?" tanong pabalik ni Ms. Sierra kay Carl. "Mga anong oras dumating yung Joaquin?" tanong ulit ni Carl. "lagpas na pong 30 minutes bago po kayo dumating." sagot ulit ng secretary ni Nikka.
"May nakwento ba si Mr. Moran? can you tell us what is it." tanong naman ni Cyd sakaniya.
"nakwento niya po na big time business man po siya." aniya ni Sierra. "Tsk. halata nga" aniya ni Carl.
"Iba pa niyang nakwento? meron pa ba?" sabat ni Aliah, agad kaming napalingon sa secretary ni Nikka na ngayon ay hindi maipinta ang itsura.
"Ahm... Mr. D-Dela Fuerte, s-sabi niya po may pi-pinamumunuan siyang malaking g-grupo ng sindikato." utal utal na sambit ng secretary ni Niks. "natatakot po ako, papatayin niya po ako at ang pamilya ko kapag sinabi ko kahit kanino lalo na sa mga Dela Fuerte, Morales, De Castro at sa isa pang kasama ninyo." saad niya sa amin, at nagkatitigan kaming apat.
"don't worry. hindi niya alam na kami ang itinutukoy niya, kahit isearch niya pa ang mga pangalan namin sa internet with our businesses and properties ay walang bakas ng mukha namin ang makikita sa links." saad ni Carl at Cyd. "iba rin ang pangalan na ginagamit ng kapatid ko, kapag may nakikihalubilo sakaniyang tao na bigla bigla nalang sumusulpot. now, you're life is safe and also you're family, take a vacation for the meantime. we will handle this, you may go." patuloy ni Carl sa paliwanag niya, agad namang napalitan ng ngiti ang sekretarya.
agad kaming pumasok sa opisina ni Nikka, at ganoon parin ang kaniyang itsura. walang katiting na emosyon, lahat blangko iyon.
"Ms. Kimeniah, i was suprised that you have a company." tuwang aniya ni Joaquin, hindi niya kami napansin at padabog ang pagsasara ni Carl sa pinto. "Who are they?" tanong ni Joaquin sa kapatid ni Carl.
"Hmm. I'm quite suprised too, i didn't expect that you can ask that kind of question" blangko pa rin ang mukha ni Nikka. agad nag ring ang telepono ni Joaquin, "I'll take the call first, Ms. Kimeniah" tumango si Nikka at lumabas sa opisina si Joaquin. Napatingin kami kay Nikka, or should i say Kimeniah na ipinagpalit ang folder na galing sakaniya, at folder ni Joaquin. parehong pareho ang kulay ng folder na iyon, agad niyang inilagay sa drawer ang folder. pumasok si Joaquin sa opisina "Ms. Kimeniah, i have an emergency meeting. i have to go, nice meeting you guys." tumango nalang si Nikka sakaniya at lumabas na si Joaquin ng tuluyan.
"Who's Kimeniah?" takang tanong ni Cyd na kanina pa nakakunot ang noo.
"I'am Nikka Dela Fuerte a.k.a Kimeniah, Papa Horacio gave me that name after the accident. i accept it para malito ang mga kalaban natin. I'm using it for a long time now, and it's the best"
aniya ni Nikka."At makikita niyo mamaya kung anong laman ng folder na kanina niya pa hawak hawak." patuloy niya sa kaniyang sinasabi
YOU ARE READING
The Agents (COMPLETED)
ActionHindi gaanong madali ang buhay kay Nikka Dela Fuerte, bilang isang babaeng anak ay hindi niya nagawa ang mga gawain noong bata pa lamang siya. Kinamumuhian ang kaniyang magulang, ngunit mahal niya ito sa kaniyang kaloob - looban. Tao ngunit ibang bu...