Threat
Nikka's Point of View
Matagal tagal na din akong naandito sa mansion nila Luke, nahihiya na nga ako kasi sila pa yung tumulong sa akin. bawal rin naman muna ako pumunta sa bahay at sa company ko dahil baka may mga tauhan pala yung tatlo doon.
Bakit kaya nila nagawa yon sakin? unfortunately, napakalaki nga ng ambag ko sa buhay nila eh. ako ang tumulong sa business nila na maganda yung kinalabasan, nakapag pundar nga sila sa Japan ng business and also company.
Ano bang atraso ko sa mga 'yon, mga may sapak eh. natatandaan ko yung kay kiefer, siya raw ang pumatay sa magulang ni aliah pero paano? ano ang dahilan? yung mga magulang ko rin, ano ba problema nila sa amin?
"Luke, pumunta tayo sa bahay ni Keira" wika ko kay Luke, na ikinagulat naman niya. alam ko kung bakit ganito siya makareact
"Tuleg. anong pupunta? makikita ka nikka" aniya
"Tuleg ka din. babantaan ko luke, kumuha ka ng papel" agad siyang kumuha ng papel at ballpen para makasulat ako
"ano ba plano mo?" sambit ni luke na may halong pagtataka
"anong ako? tutulungan niyo ko? kailan ba uuwi si carl at aliah?"
"andito sila sa party bukas, kaya you must be ready lalo't pinapunta namin ni papa ang tatlong nanakit sayo"
"good, tara na. umalis na tayo para makabalik agad"
akma na akong tatayo nang bigla niyang higitin ang kamay ko at tinitigan ako mata sa mata. ewan ko kung bakit ganito siya umasta ngayon, nakakapagtaka na ewan. 'luke kinakabahan ka lang kasi baka maulit na naman ito'
"Nikka, hindi naman sa hinahadlangan kita pero Are you sure about this?" wika ni luke, halata sa mata niya na nagaalala siya.
"Yes Luke, hindi naman ako mawawala sa'yo kasama kita at kasama ko kayo nila aliah. Nothing to worry about" agad ko siyang nginitian pagkatapos ko iyon sabihin, at agad na kaming bumaba para pumunta sa bahay nung keira na 'yon
"Oh Luke and Nikka, saan kayo pupunta?" biglaang tanong ng papa ni luke.
"May pupuntahan lang pa, babalik rin kami agad." nginitian ni Luke si Papa Horacio
"By the way, Magpapa party ako bukas ng 7pm. Masquerade Theme, ipapakilala natin si Nikka as Red Devil."
"Red Devil?" takang tanong ni Luke
"Yes, inimbita ko ang nanakit sakaniya. Ipapakilala ko ang muntik na nilang patayin. You may go now, Ingat kayo" sambit ni Papa at umalis na kami
umalis na kami ni Luke sa bahay, at pumunta na sa kaniyang kotse. nung nakalayo na kami sa kanilang mansion ay bigla siyang umimik.
"Red Devil huh? Angas mo naman Hahaha!"
"Psh. Inggit ka lang, Hahaha. Maganda naman eh, Maarte ka lang kasi sa pangalan Luke"
"Hindi ako maarte sa'yo"
"puro ka banat, babanatan kita eh"
sa sobrang bilis ng biyahe ay agad kaming nakarating sa tapat ng bahay ni keira, mansion din kung titignan kaso mas maganda ang bahay ko diyan. agad akong lumabas dala ang papel, pumunta ako sa tapat ng pinto nila at insinuksok sa ilalim ang papel sa ilalim. agad din akong umalis at sumakay sa kotse.
"Nalagay mo na?"
"Yes, Red Devil is Back"
------
Keira's Point of View
Focus ako sa panonood ng movie, yung mga tauhan ko ay may day off kasi holiday. nakatanggap na rin ako ng invitation galing kay Mr. Horacio De Castro, may masquerade party daw kasi na gaganapin bukas.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng chocolate, pabalik na sana ako sa sala nang bigla akong napalingon sa pinto at may papel doon. agad akong pumunta roon, para kunin iyon at binuksan ko ang pinto para tignan kung may tao o may kotse na pumunta dito sa amin ngunit wala akong nakita.
sinarado ko ang pinto at bumalik sa sala, agad kong binuksan ang papel na iyon at nagulat sa nakalagay. dahil sa kaba at takot nabitawan ko ang chocolate na hawak ko.
Dear Keira,
Be ready & Wait for me to comeback, Magtutuos pa tayo.
- Red Devil
Damn! sino tong red devil na 'to! at paano niya nalaman ang pangalan ko!!!!
"This Can't Be.."
----
THANK YOU FOR SUPPORTING MY STORY, DON'T FORGET TO COMMENT & VOTE!!!
I LOVE YOU ALL!
YOU ARE READING
The Agents (COMPLETED)
ActionHindi gaanong madali ang buhay kay Nikka Dela Fuerte, bilang isang babaeng anak ay hindi niya nagawa ang mga gawain noong bata pa lamang siya. Kinamumuhian ang kaniyang magulang, ngunit mahal niya ito sa kaniyang kaloob - looban. Tao ngunit ibang bu...