Welcome Home
Nikka's Point of View
Hindi ko expect na 1 buwan na pala akong comatose, ganon pala talaga yun, nung habang na comatose ako may nakita akong liwanag eh tapos may dalawang tao hindi ko nakwento kay Luke yung nasa panaginip ko pero panaginip nga ba iyon? psh, buti nalang talaga buhay ako ngayon dahil babawian ko pa yung tatlong sumira ng buhay ko at alam kong may mga susunod pa sakanila na may balak sa akin, kaya ako pinahabilin ni Kuya dahil siguro para mahasa ako lalo alam ko namang hindi pa ako gaano kalakas eh kasi babae ako, siguro dito ako lalakas kila Luke.
Simula nung magising ako, nag pa extend pa si Luke ng 1 week para maagapan ako ng mabuti, kinuhaan ako ng test para sure at ang kinalabasan nun ay Good News naman kaso may kaunting fracture raw sa ulo ko kaya kinakailangan kong mag ingat ng mabuti, Kilala rin ako dito sa De Castro Hospital dahil Ama ko si Manuel Alcantara. nakakagaan rin ng loob dahil tinulungan ako ni Luke, kung hindi dahil sakaniya wala na talaga akong buhay at wala ako rito. Miss ko na rin si Kuya at Aliah, ano na kayang ganap sakanila? haha.
"Nikka, nakaayos na ang mga gamit mo. are you ready to go home?"
"yes i am, nga pala asan sila kuya? hindi man lang nila ako binista."
lungkot kong sambit kay Luke, napatingin siya sa akin at pilit siyang ngumiti. "joke lang Luke, hindi ako nagtatampo hehe. mas okay nga yun walang asungot hehe" at napakamot ako sa batok ko."Si Carl ay nasa States para magtago kila Kiefer kasi buhay pa ang kuya mo, Si Aliah naman ay nasa Japan staying for good at babalik siya dito if kaya mo na ang sarili mo."
"oh i see..porket alam nila Kiefer na buhay sila, kailangan pa nila mag stay sa Abroad? may pag aari ba si Kuya doon sa States?"
"psh. Nikka kapatid mo si Carl, hindi mo alam na may pag mamay ari kayo? may naiwan na company at mansion doon ang mama mo kaya siya ang magpapa angat doon, now you know. mamaya ka na magtanong pag nasa mansion na tayo, Arasseo?" wika niya at kininditan ako.
"Ne, atsaka wag mo nga ako sungitan hindi ako sanay at wag mo ko kindatan baka tanggalin ko yang mata mo. ok?" sambit ko at tinanguan niya nalang ako, inalalayan niya akong bumaba sa kama hanggang sa hallway ng hospital habang dala dala niya ang mga gamit ko, palabas na kami sa exit nang bigla siyang ngumiti. magtatanong sana
ako kaso sabi niya ay sa mansion nalang hehe.sumakay na kami sa kotse niya at pinaharurot niya iyon, bwiset naman 'to parang walang kasamang naaksidente. wala pang 10 minutes ay nasa mansion na ako nila Luke, napaka laki at may farm sa tabi, may hacienda rin ito. ngayon ko lang nalaman kung gaano siya kayaman.
pumasok na kami sa kanilang mansion at binati naman kami ng kanilang mga maids, at drivers, farmers at iba pang tumutulong rito.
nakita namin ang papa ni Luke na umiinom ng kape at binabantayan ang kanilang maliit na aso, napalingon siya sa aming gawi at nginitian niya kami. lumapit siya samin at niyakap kaming dalawa."Welcome Home Nikka, Anak"
"Salamat po, tito?" parang tanga kong sagot, nakakahiya naman kasi napatawa tuloy ang mag ama sa akin.
"Call me Papa Horacio nalang, iha. pag tito ay feeling ko ang tanda tanda ko na, Papa nalang ha? tutal kinakapatid ko naman ang Daddy mo, Ako muna ang magtatayong ama sa iyo"
"Opo Papa"
"Osige Maupo muna kayo"
Kagaya nga ng sabi ni Papa Horacio ay umupo kami sa sofa dito sa salas nila, malaki ang salas nila at malayo layo pa onti ang kusina ganoon kalaki ang mansion nila, malaki ang espasyo.
"kaming dalawa ni Luke ang nagpapalit sa loob ng isang buwan para bantayan ka, hindi ko alam kung bakit ka gaganunin ni Keira, Kiefer at Francis." takang tanong ni Papa Horacio at biglang tumayo ang balahibo ko
"Hindi ko rin po talaga maintindihan ang mga dahilan nila, Hindi ko po alam kung makakabawi pa po ako dahil sa ginawa nila sa akin." napayuko ako dahil sa lungkot na nararamdaman ko, gusto ko talagang bumawi pero paano?
tinapik ni Papa Horacio at ni Luke ang aking balikat, hudyat para makatingin ako sakanila. bigla akong nginitian ng Mag Ama na ikinagulat ko naman.
"Tutulungan ka namin Nikka, Isasalang ka namin sa Training araw araw para mahasa at mapabuti ka lalo. Gusto ng Daddy mo na malakas ka kaya kasama mo kami sa pagbangon" wika ni Papa Horacio, at niyakap ako.
"Oh sige anak, umakyat na kayo at magpahinga. Bukas ay Magsisimula na tayo, Pareho ko kayong isasalang sa pag eensayo. Mamamahala muna ako sa Hacienda" wika ni Papa Horacio at umalis na sa harap namin, hinawakan ni Luke ang aking kamay at dinala sa taas. pumasok kami sa isang malaking kwarto, na ipinagtaka ko naman na puro panlalaki ang nandirito
"Diba dapat sa Guest Room ako?" wika ko kay Luke at tinaasan siya ng kilay.
"Easy okay, Guest ka ba ha? atsaka hindi uso ang guest room dito sa amin, wag kang umangal amazona hahahaha! Girlfriend kita at alam ni Papa yun, kaya magtatabi tayo araw araw" sambit niya sa akin at kininditan ako.
"Magkatabi? wait what?? are you out of your freaking mind?"
"yes i am, ayaw mo ba katabi ang Luke De Castro?"
inirapan ko nalang siya at umupo sa may sofa sa kwarto."Nung Comatose ako, May liwanag akong nakita tapos may dalawang tao sobrang may edad na. sila Mama at Papa naman medyo bata bata pa eh"
"Are you serious about that?"
"yes, malay mo buhay pa pala ang magulang namin diba? at natakasan nila ang bomba na naroon."
"pwede ring mangyari yun, pero bakit hindi sila nagpapakita diba?"
takang tanong ni Luke at pumunta sa kama para mahiga, hindi ko rin alam na gabi na rin pala hehe."Get some rest, isasalang pa tayo sa training bukas" kagaya ng sabi niya ay humiga na ako sa kaniyang tabi.
"Good Night" sambit niya at natulog na ng deretso ang tukmol.
'What if buhay pa si Mama at Papa?'
To Be Continue....
-----
A/N: SANA ICRUSH BACK KAYO NG CRUSH NIYO HAHAHAHAHAHA4/25/20
YOU ARE READING
The Agents (COMPLETED)
ActionHindi gaanong madali ang buhay kay Nikka Dela Fuerte, bilang isang babaeng anak ay hindi niya nagawa ang mga gawain noong bata pa lamang siya. Kinamumuhian ang kaniyang magulang, ngunit mahal niya ito sa kaniyang kaloob - looban. Tao ngunit ibang bu...