1

7.1K 218 11
                                    

Win's POV

"Nay, sabi na ngang ayoko eh! Bat ba ang kulit kulit niyo?" padabog kong sabi habang nakikipag-usap sa nanay ko.

"Nak, para din naman sayo 'to eh..."

"Bat pa kasi kailangan kong lumipat ng school nay? Ok naman ako sa pinapasukan ko ngayon ah? At ang mas matindi, sa private pa. Nay PRIVATE yun! Alam mo namang mahirap ang buhay tas may balak pa kayong magwaldas ng malaking pera para lang makapag-aral ako. Isipin niyo yung babayaran natin kapag pumasok na nga ako don. Una, kailangan kong magbayad sa dorm na titirhan ko don, pangalawa, kailangan kong mamasahe pauwi dito kapag walang pasok. Oh kaya mo ba yun nay?" inis ko paring banggit sa kaniya.

"Eh nak, gusto ko lang naman na maging maayos ang pag-aaral mo. Tsaka, nakaluwag luwag na tayo ngayon at natanggap pa ko sa trabaho ko. Huwag mo nang isipin ang mga gastusin, ako naman ang bahala don eh."

"Yun na nga nay eh, kayo na ang bahala. Inshort, kayo ang mahihirapan. Dalawa kaming anak mong nag-aaral baka nakakalimutan mo. Si Buboy, gusto ko pa yung makasama. Gusto mo ba talagang mapalayo ako sa inyo?"

Eh pano ba naman, yung university na tinutukoy ni nanay ay sa Maynila pa which kilala at tanyag pagdating sa university ranking. Alam niyo ba kung ano ang papasukan ko?

Ang Archx University Perpetua o AUP!

Mayayaman at kilalang tao lang ang napasok don base sa nakita ko through internet. Ano? Makikipagsabayan ako sa kanila at magiging classy sa lahat ng bagay? No way! Salaula ako girl!

Alam naman niyang hindi ko alam ang pasikot sikot don tas papupuntahin niya pa ko don? Oo galain akong bakla, pero sa lugar lang namin noh.

"Hindi naman sa ganon nak, ang sabi ko nga sayo kanina, gusto ko lang makapag-aral ka ng mabuti. Yung matuturuan ka talaga ng dekalidad na edukasyon. Bilang ina mo at bilang guro naren, yun lang ang hinahangad ko sayo anak. Pagbigyan mo na 'ko"

Hayysst! Matatanggihan ko ba tong nanay ko? Eh katulad ko tong mapilit at hindi ka titigilan haggat hindi nakukuha ang gusto.

"Hmmmppp! Sige na nga! Pero sa isang kondisyon.."

"Sige ano yun anak?"

"Kailangan ko kayong tulungan sa babayaran tulad na lang sa dorm. Mag-aaply po ako don ng trabaho."

"Pero nak--"

"Hepp! Umoo nako nay sa gusto niyo. Ako naman ang pagbigyan niyo. Sige na at tayo na pong kumain. Tawagin ko lang po si Buboy sa taas"

Wala nang nagawa si nanay kundi ang pumayag sa desisyon ko. Siyempre kahit papano naaawa din ako sa kanya kaya feeling banal muna ako.
—————————————————————————————

"Kuya Win, aalis daw po kayo papunta sa malayo. Iiwan mo ba kami kuya?" tanong ni Buboy habang nakakandong sakin at hawak-hawak ang sasakyang iniregalo ko sa kanya.

"Oo bunsoy eh. Mag-aaral don si kuya sa malayo." Nakangiti kong banggit sa kanya sabay pisil sa matataba niyang pisnge.

"Pano nako kuya? Wala nang magsusundo sa akin sa ishkul. Di mo narin ako matatanggol don kay Marcus na naaaway ako." paiyak niyang sabi sa akin.

"Nandiyan naman ang nanay eh para sunduin ka. Tsaka wag kang mag-alala, kakausapin ko yung Marcus na yun bago ako umalis."

Binitawan niya ang laruan niya at yinakap niya ako ng pagkahigpit-higpit.

"Asuusss, si bunsoy naglalambing" ngiti kong sabi habang inaamoy ang mga buhok niya.

"Kuya, mamimiss po kita. Balik ikaw kaagad hah?"

"Oo naman! Gusto mo kadabalik ko ay uuwian kita ng siopao? Di ba gusto mo 'yon?"

"Opo! Yeheeyyy! Uuwian ako ni kuya ng Siopao! Sige kuya alis ka na!" sabi niya sabay alis sa pagkakandong ko at nagtatalon papunta sa kwarto niya.

Tingnan mo ang isang yon? Kanina lang ayaw akong paalisin pero nung nabanggit ko lang yung gusto niya, gusto nang umalis agad ako. May pagkakolokoy din tong batang ito eh.

Sa makalawa na daw ako aalis sabi ni nanay. Saktong sabado iyon. Hindi na niya ako masasamahan dahil kailangan din siya ng school na pagtatrabahuhin niya. Kasabay ko naman daw si Melissa, yung baklang bungal na kapitbahay namin papuntang Maynila.

Nagsimula nakong mag-empake ng mga damit ko at isinilid sa malaking bag na kabibili lang ni nanay kahapon. Diba ang advance lang niya mag-isip? Alam na alam niya talaga kung papaano ako mapapa-oo.

Lumabas nako ng kwarto ko at tiningnan ang kapatid kong masaya habang naglalaro kasama si Brent, pinsan namin na kaedad niya.

"Alam mo Brent, aalis yung kuya ko papuntang malayo. Sabi niya sakin, uuwian daw niya ko parati ng siopao!"

Napangiti na lang ako habang tinatanaw sila sa sala. Mamimiss ko tong tsikiting kong kapatid. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ang mga mata ko kaya naman agad ko itong pinunasan.

Gaga ka Win! Akala ko ba kaya mo? Huwag ka ngang umiyak diyan. Kabakla-bakla mong tao dapat hindi ka umiiyak.

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na lang ulit sa kwarto ko.

Kaya mo toh Win! Maynila lang naman pupuntahan mo eh. Yakang yaka ko toh!

*****************End of Chapter 1******************

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon