5

3.7K 156 6
                                    

Win's POV

Maaga akong gumayak at dali-daling umalis sa dorm na tinutuluyan ko. Kada lakad ay sinisigurado kong walang ingay na maririnig at palinga-linga sa paligid.

Alam niyo naman kung sino ang pinagtataguan ko noh?

But FYI, hindi po ako takot. It's just ayaw ko lang mapaayaw dito at ayokong masira ang image ko. Baguhan pa man din ako.

Malapit na ako sa building namin at sa awa ng diyos ay hindi ko nakita ang damuhong yon.

Nagmadali nako sa pagtaas nang may nabunggo akong isang lalaki.

"Ayy naku! Sorry sorry! Di ko sinasadya, tulungan na kita" sabi ko dahil nalaglag yung mga gamit niyang dala.

"Sa susunod kasi, tumingin ka sa dinadaanan mo. Nakakaperwisyo ka ng ibang tao."

"Ah s-sorry, nagmamadali lang kasi talaga ak--"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay umakyat na siya sa hagdanan.

Hmmppp! Tong khryst na toh, akala mo gwapo, humingi na nga ng sorry ayaw pa. Pasalamat nga siya at siya yung pangalawang tao na nasabihan ko non. Bahala nga siya jan.

Umakyat narin ako at pumasok sa room namin. Nakita ko na siyang nakaupo sa upuan niya at nakasalpak ang earphones sa tenga niya.

Hindi ko na lang ito pinansin at tumungo na lang sa upuan. Pero bago ako makatahak don, may paa na namang nakaharang sa daraanan ko.

"Hindi ka na ba magtatanda Francia? Gusto mo yung isang paa mo naman ang apakan ko?"

Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko at yinakap ang mga binti ko. Dahil doon, sa amin nabaling ang kaninang maingay na kaklase namin.

"Ah, ahm.. W-win, I just want to say sorry for what i've done to you yesterday. Please, forgive me. Di ko na ulit gagawin yun sayo."

Sa mga sinabi niya ay halos hindi ako nakaimik at napatigalgal habang nakatingin sa kanya.

Totoo ba? Ang Franciang mayabang at bully kahapon ay humihingi ng sorry sa akin at ngayo'y nakaluhod pa?

"Gosh! Anong ginagawa ni Drake? Totoong humihingi siya ng sorry? Unbelievable!"

"Oo nga Cindy, ngayon ko lang nakitang humingi ng sorry yang si Drake. Mukang si Win na ang magiging katapat niya."

Rinig kong bulungan ng dalawa kong kaklase sa harapan.

"Please, please. Im so soryy"

"Yah oo na oo na! Tumayo ka nga jan Francia! Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagagawa mo? Alis na't baka dumating na si Maam Consuelo." sabi ko sa kanya at tinulungang makatayo.

At hindi nga ako nagkamali. Dumating na si maam. Agad na akong dumiretso sa upuan ko at kinuha ko ang assignment na pinagawa niya samin kahapon. Tiningnan ko ang gawi ni Francia na Drake pala ang pangalan at gulat ko nang ngumiti siya sa akin.

Gugunaw na ba ang mundo? Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Kahapon ang siga siga at mayabang, ngayon naman pakikitaan ka na parang mabait. Hayyssttt ang gulo!

Naputol ang pagtitig ko kay Drake nang ihampas ng katabi ko ang book na hawak niya. Tiningnan ko siya at gulat kong masama ang titig niya sa akin. Problema nito?

"Mr. Villanueva, may problema ba jan?" tanong ni Ma'am dahil rinig sa buong room ang paghampas niya.

"Wala Ma'am" sabi niya habang nakatitig parin sa akin ng masama.

Ano na naman bang ginawa ko sa kanya? Kung makatitig kasi ang isang toh ay parang kinakatay nako sa isipan niya. Kung ang ikinagagalit niya ay yung nabunggo ko siya kanina, pwes malinis na ang konsensiya ko dahil humingi na naman ako ng sorry sa kanya. Bahala na siya kung ayaw niya yung tanggapin.

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon