13

3.2K 127 14
                                    

Win's POV

"Anoo?! Ayaw mo na nito? Eh sabi mo ito yung oorderin ko tas sasabihin mong ayaw mo na?!" buong gigil kong sabi habang hawak ang milktea na pinaorder niya sakin sa labas ng university.

"I lost my appetite. Kahit tubig na lang"

"Walang hiya ka talaga Bright--"

"Master. Diba sinabi ko na sayo na master ang itatawag mo saken?"

"Hoy! Hindi porket nagpapaalila ako sayo ay wala ka paring karapatan para sambahin ko!"

"Ayaw mo? Sige sisiguraduhin kong ikakalat--"

"Oo na! M-master."

Kahit gusto ko na siyang lumpuhin ay hindi ko parin nagawa. Kapag lang talaga nawala ang alas niya sakin ay sisiguraduhin kong lintik lang ang walang ganti.

Kita ko ang pagngisi niya at tumalikod na sa akin.

"Good. Now, ikuha mo na ko ng tubig at nauuhaw nako."

"Eh anong gagawin ko dito sa milktea mo?"

"Tanga ka ba? Edi sayo na lang! Kung ayaw mo ipamigay mo na lang sa mga hampas lupang estudyante rito."

Napairap na lang ako at lumabas na sa room niya.

Halos mag-iisang buwan na noong nagsimula akong magpaka-alila sa kaniya. Halos mahilo nako sa sobrang dami niyang pinapagawa sakin. Nariyan yung ipagbubuhat ako ng kung ano-ano na hindi naman kailangan, ikukuha ng order tuwing lunch at kung ano-ano pa. Kapag lalabas naman ako ng room ay magugulat na lang ako na nasa tabihan siya ng pinto at nakaabang sa akin para lang utusan.

Nagtataka na nga rin ang ibang estudyante dahil nahahalata nilang lagi akong nakabuntot sa damuhong yun na gustong-gusto niya. Demonyo talaga!

Tiniis ko ang pagiging mainitin ng ulo niya, yung sasabihan ka ng masama o lalaitin kapag nagkamali at pagiging gago. Sa loob ng isang buwan, laspag na laspag na talaga ang utak ko kakaintindi sa kanya.

Dumiretso na lang ako sa classroom ko at hindi na ako umorder ng tubig. Bahala siya mauhaw!

Nakita ko si Drake na nakaupo na sa kanyang upuan at napadungaw sa akin nung lumapit ako. Lumapit ako kaagad sa kanya at umupo sa tabihan niya.

"Drake, ayos ka na ba? Sorry ulit sa nangyari dati hah? Nadamay ka pa sa pambubugbog."

"It's ok lang naman Win. Ako nga dapat ang magsorry sayo kasi hindi kita naipagtanggol."

"Nakuu! Hindi totoo yang sinasabi mo. Actually, nagpapasalamat nga ako sayo kasi kahit mag-isa ka lang hinarap mo parin yung mga armadong lalaki para sa kin"

Ngumiti na lang siya at ginulo ang aking buhok. Nasanay nako don kaya pinabayaan ko na lang.

Makikita mo pa rin yung bakas ng suntok sa kanyang katawan at mukha dahil sa mga pasa nito. Pero infairness, lutang parin yung kagwapuhan niya hah? Chareng!

Nasa ganoon kaming lagay nang biglang bumukas ang pinto na may pagkarahas at nakatayo doon si Bright na makakakitaan mo ng galit sa kanyang mga mata.

Dali-dali siyang pumunta sa gawi namin ni Drake at marahas niya akong hinawakan papalabas ng room

"Bright! San mo dadalhin si Win?" sabi ni Drake na hawak-hawak narin ang kabila kong kamay.

"Wala ka na dong pakialam! WHAT'S MINE IS MINE! SO BACK OFF DUDE! BACK OFF!" sabi niya na may panggigil dahil naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin.

Aalis na sana kami pero hindi parin binibitawan ni Drake ang pagkakahawak sakin.

Doon na simulang maging Dragon Ball si Bright. Agad niyang kinuwelyuhan si Drake at tinulak papunta sa dingding.

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon