11

3.2K 142 5
                                    

Win's POV

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING HERE SON OF A BITCH!"

Halos mapatigalgal ako sa sobrang lakas ng sigaw niya na akala mo'y nakalunok ng microphone

Susugod na sana siya sa gawi ko at aambahan na sana ako ng suntok ngunit agad siyang napigilan ng mga gwardiya.

"FUCCKK! BITAWAN NIYO KO! I WILL KILL YOU! FUCCKK YOUU BITCH!" nagpupumiglas niyang sabi

"Bright! Calm down! Ano ba ang nagyayari sayo apo?!"

"Lo! What's the meaning of this?! Bakit nandito sa pamamahay naten yang baklang yan?! Alam niyo ba na siya ang may gawa saken nito?!" buong diin niyang sabi at tinuro ang nakabendang braso nito.

"Apo, calm down. Siya ang tutor ng kapatid mo kaya every saturday siyang pupunta dito."

Sasagot pa sana si Bright nang umeksena ako sa kanila.

"K-kapatid? T-tama ba ang narinig ko? KAPATID MO ITONG DAMUHONG TOH?!" halos hindi makapaniwala kong sabi kay Drake

"A-ah oo. Kapatid ko siya--"

"STOP THAT NONSENSE TALK! IKAW BAKLA, UMALIS KA NA DITO BAGO PA KO HINDI MAKAPAGTIMPI. NOW LEAVE!!"

"Drake, sige na. Ihatid mo na muna si Win sa dorm niya at bago na lang ulit tayo mag-usap next saturday--"

"WHAATT LOLO? ARE YOU INSANE? NO NO NO NO! WALA NANG NEXT! AYOKO NANG MULING MAKATAPAK YANG BAKLANG YAN SA PAMAMAHAY NATEN!" halos makita kong pumutok ang mga ugat nito sa leeg sa sobrang panggigigil

"Stop Bright Angelo! Ako ang masusunod na bahay na ito! As i said, babalik uli dito si Win para turuan yang kapatid mo. Now, ihatid mo na Drake yang si Win para wala nang gulo. Sa susunod na lang tayong mag-uusap lahat at mainit pa ang sitwasyon ngayon." Batas na sabi ni Lolo Alfredo

"Tssskkk! I can't do this anymore! Bahala nga kayo!" Inis na sabi ni Bright bago binalingan ako ng masasamang titig. Pumasok na siya at padabog na isinara ang pinto.

"Take care na lang hah? Susundan ko muna si Bright. Pagpasensiyahan mo na yun at lagi iyong may problema" sabi ni Lolo Alfredo at dalawang beses tinapik ang braso ko.

Napatango na lang ako at niyaya nang sumakay sa kotse.

—————————————————————————————

Habang nasa biyahe ay wala paring nagkikibuan sa amin. Tulala parin ako at pilit isinisiksik sa isipan na ang damuhong yun ay kapatid pala ng katabi ko ngayon na apo rin ni Lolo Alfredo. Sa dami ng pumapasok sa isipan ko ay bigla kong pinukpok ng dalawang beses ang noo ko.

"H-hey are you ok?" alalang tanong sakin ni Drake na paminsan-minsang tumitingin sa gawi ko.

"Totoo bang kapatid mo yang si Bright?"

"Oo"

"Paano? Hindi ko kasi gets eh. Diba epelyido mo Francia? Tas sa kanya Fernandes? How come na magkapatid kayo eh hindi naman kayo magkaepelyido?

Matagal na hindi siya umimik pero di kalaunan ay nagasalita na siya.

"Kapatid ko siya sa ama. Lorenzo Fernandes ang pangalan ng tatay namin. Nagtataka ka siguro kung bakit Francia ang epelyido ko?" sumilay ang mapait niyang ngiti bago ipagpatuloy ang pagkekwento niya.

"Ipinagbubuntis noon ng tunay na asawa ni dad si Bright. Nagulat na lang sila ng biglang nag-eskandalo ang isang katulong nila dahil napag-alamang buntis din ito at ang tatay nito ay si dad. Ako yun Win. Ako yung ipinagbubuntis nung katulong. Matapos non, pinapili ng mama ni Bright kung sino ang pipiliin niya. Kung siya ba o yung katulong nila. Siyempre, as expected, pinili ni Dad yung Mama ni Bright at iniwan kami ng tunay kong nanay. Simula non, pinalayas yung nanay ko sa bahay nila at nung time na yun ay manganganak na siya sa akin. Alam mo yung masakit Win? Pinabayaan lang kami ni dad na nahihirapan. Halos walang mapakain sakin yung nanay ko nung araw na yun. Kaya, labag man sa kalooban niya, ipinagkatiwala niya ko sa tiyahin ko. Sabi niya babalikan niya ako pero makalipas ang ilang taon ay hindi ko alam kung saan siyang lupalop pumunta. Ni hindi ko nga rin alam kung ano ang pangalan niya eh. Nabalitaan ko na lang den na hinahanap ako ni dad at kusa namang ibinigay ako ng tiyahin sa kanya. That time galit na galit ako sa kanya. Kaya ang ginawa ko, nagbulakbol ako. Gusto ko siyang saktan at pagmumurahin. Hindi niya alam kung gaano kasakit na ipagtabuyan kami at pabayaan habang nakikita kaming nagdudusa."

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon