18

2.9K 111 5
                                    

Win's POV

"Oh Mr. Velasquez, mabuti naman at pumasok ka pa. It's 8:30 na in the morning. Ang aga natin pumasok ah?" bungad sakin ni Ma'am pagpasok ko sa room

"Ah Ma'am. S-sorry po. May important matters lang po akong ginawa kahapon kaya po nalate ako. Hindi na po mauulit"

"Ok. Palalampasin ko ito but don't be late again. You may now take your seat."

"Salamat po."

Dumiretso na ako sa aking upuan at kumuha nako ng papel para magtake note.

"Win, nanood ka ba ng Kung Fu Panda kahapon? Laki ng eyebags mo ah? Kala ko nga nakaeyeliner ka eh"

"Di kasi ako nakatulog kahapon."

"Bakit naman?"

"Ah basta mahabang kwento."

Napataas balaikat na lang siya at nakinig na kay Maam habang nagtuturo.

Antok na antok talaga ako habang nagkaklase pero bigla akong nabuhayan nang nagpaquiz si Maam. Shhett! Dedbols ako nito!

Kaya ayun, ako yata ang nakakuha ng lowest score na 8 over 20. Pahamak talaga yang Bright na yan! Kung hindi niya lang sinabi yun kahapon hindi sana ako magkakaganito! Arrrgghhh!

Lumipas ang dalawa pa naming subjects ay nagring narin sa wakas. Kanya kanya kaming dampot ng aming gamit para pumunta sa canteen at kumain.

"Win, sabi nga pala ni Mang Gabo sa akin kahapon na pumunta ka sa bahay namin kahapon. Hinatid mo raw si Bright dahil lasing. Bat hindi mo ko ginising? Ako na sana ang naghatid sayo papauwi" nakabisangot niyang sabi sa akin habang naglalakad.

"Mr. Bright, gabi na po non. Alangan namang gimbalain ko ang pagtulog mo para lang magpahatid. Napakaechos ko naman kung ganon" sabi ko na natatawa.

"Eh ano naman? Mangliligaw mo di ba ako? It's my responsibility to take care of you."

"Ayysst huwag nang makulit. Heto ako buhay na buhay kaya manahimik ka na. Halika na nga't nagugutom na si ako! Hoi Khryst, tara na!" sabi ko kay Khryst na kasalukayang nagseselfie.

Sumunod na lang si Drake at wala nang nagawa. Napangiti na lang ako dahil sa inaasal niya

Gosh! Feeling special lang ako noh HAHAHAHA

—————————————————————————————

"Sa saturday na pala yung ball Win. May nahanap ka na bang kapartner mo?" tanong ni Drake habang kumakain ng inorder niyang burger

"Yun nga eh. Wala pa. Namomroblema ako kung sino yung magiging kapartner ko. Friday na bukas at isang araw na lang para maghanap. Kakastressed!"

"Edi ako na lang. Wla pa naman akong nakakapartner eh."

"Ang kulit mo talaga Drake. Bawal nga as in BAWAL! Hindi mo ba narinig yung sabi ng magiging emcee sa ball? Bawal daw ang magkaparehas na gender ang maglakad sa red carpet. Hindi ko nga alam kung anong pakulo ng mga yun!

"Tss, ang sabihin mo ayaw mo lang talaga ako maging kapartner." may pagtatampo niyang sabi

Haayyy, isa pa toh. Nagiging pababy na at masyadong pabebe!

"Kung alam mo lang Drake, ikaw na sana ang pinili ko IF pwede ang same sex"

"So gusto mo nga akong maging kapartner?" Nakangiti na niyang sabi sa akin

"O-oo naman. Bakit hindi?"

"Sabi ko na nga ba may gusto ka rin sa akin eh!"

"Ano namang connect non?" taka kong tanong sa kanya

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon