19

3K 124 16
                                    

Win's POV

This is it pansit! Todo kuskos ako ng katawan at nagshampoo ng napakahabang oras.

Almost 2 hours akong nagtagal sa C.R because this is my most awaited night in my life!

Ball na namin ngayon! WAAAAAHHH

Hindi ako mapakali dahil limang oras na lang ay magsisimula na ang event.

Nandito ako ngayon sa harap ng aking salamin at abala sa pagmemake-up. Ngayon lang ako naglagay nito kasi ayokong magmukhang maputla kapag naglakad ako sa red carpet.

Para akong uod na inasinan dahil parang kinikilig ako na ewan.

Kinuha ko ang make-up kit na hiniram ko kanina kay Sassy dahil nabanggit niya na magpapaganda daw siya kanina. Hiniram ko na tutal marami naman siya nito. Inuna ko ang aking kilay na sabog kaya naman in-eyebrow pencil ko ito para magmukhang makapal. Pagtapos non ay yung mata naman ang linagyan ko ng make-up. Color blue at silver ang linagay ko dito para magkatulad ang kulay nito sa tuxedo kong mala-lava-gown ang design. Initiman ko naman ang ibaba ng mata ko at linagpasan ko ito para magmukha akong singkit.

Linagyan ko ng liptint ang labi ko para hindi magdry mamaya. And then, nagfoundation na ako at naglagay ng powder para hindi oily. Kinuha ko ang lipstick na binili ko kanina lara ilagay sa pisnge ko. Gusto ko kaseng ma-red ang chicks ko kaya yun ang ginawa ko.

After doing all that, nakuntento na ako sa aking mukha. Perfect! Ang ganda ko talaga kapag may make-up. Mukhang ako pa yata ang mas magmumukhang babae samin mamaya ni Sassy eh HAHAHAHA Chareng!

Sinuot ko na ang pinakamamahal kong tuxedo. Pumunta ako sa salamin at napatulala na lang ako sa aking itsura.

Gosh Ako ba talaga toh?!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sheetttt ang ganda ko!

Tumalikod ako at ngayon ko lang napansin na may mahabang tela pala ang pantalon nito. Kaya ang kinalabasan, para akong nakatuxedo na nakagown dahil sa haba ng tela na nasa likod nito na nagmukhang palda. Ganoon din ang design pero may ibon sa gitna nito.

Napangiti na lang ako at kinuha ko ang cellphone ko para magselfie. Sheett di ko palalampasin toh noh!

Tumingin ako sa orasan at malapit na palang magsimula. Lumabas na ako sa dorm at tinext na si Sassy na papunta na ako sa tagpuan namen.

Nagtextback naman siya at sinabi niyang nandoon na siya.

Kaya naman, gumayak na ako at pumunta na.

—————————————————————————————

Nakita ko si Sassy na nakatayo na sa gilid ng gate ng university. Infairness, nagmukha siyang mapayat sa suot niyang red gown na may pasided ribon na pangkapit sa kanyang katawan. Natali rin ang buhok niyang mahaba na sa tingin ko ay pinakulot. Nagmukha tuloy siyang Tinkerbell na Medusa HAHAHAH Chareng!

"Sassy!" tawag ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at biglang nanlaki ang kanyang bilugang mata

"O-M-G Win! Iz that you? Gosh! Bat ang ganda mo? Nasan ang hustisya?!" sabi niya habang tinitignan ang buo kong katawan. Pinaikot pa niya ako at wala siyang tigil kakatili.

"Well, inborn na yan Sassy. Halika na at maguumpisa na yung ball." anyaya ko sa kanya.

Napatango na lang siya habang nakaawang parin ang bibig. Napatawa na lang ako sa reaksyon niya. Tama nga ang hinala ko kanina HAHAHA

Saktong nakita ko sina Khryst na naglalakad kasama si Isha na kaklase namin.

"Wow Win! Bagay na bagay nga sayo yang binili naten! Lodi ka talaga sa kagandahan!"

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon