4

3.8K 162 1
                                    

Win's POV

Nakatulala parin ako hanggang ngayon at iniisip kung bakit niya yun ginawa. Sige kayo nga, pano kayo makakaimik kapag may isang taong hindi mo kakilala ay pahiramin ka ng gamit niya. Hindi naman sa ayaw ko, pero nailang lang talaga ako sobra kasi hindi naman niya ko kaano ano or what, but may part sa isip ko na kaya niya yun ginawa kasi magkaklase kami or ayaw niya talaga sa nagpaparumi ng kanyang paligid. Ang OA non hah.

Flashback

"Oh, magpalit ka, mukha ka nang gusgusin sa lagay mong yan." seryosong banggit niya sabay lahad ng uniform sa harapan ko.

Napatulala na lang ako dahil sa inaakto niya. As in, nakanganga lang talaga ako sa kanya na parang sinasabing "Eh? Ako? Bat mo ko niyan pinapahiram" look.

Kung malamig nga siya pagdating sa room sa pakikisalimuha pa kaya? Lalo na sa mga baklang katulad ko.

"Ano, nganganga ka na lang ba jan?kunin mo at nangangalay nako. Pasalamat ka't may extra akong dala sa bag ko."

Nataranta naman ako sa sinabi niya kaya kinuha ko na lang.

"Ah, s-salamat pala dito. Nag-abala ka pa. Wag kang mag-alala, isasauli ko rin ito sa susunod na araw." nakatungo kong sabi dahil sa pamumula ko.

Shhheeettt! Why I am so like this? Nahihiya na ba talaga ako for real?

"Wag na, sayo na lang yan. Nabahiran na kasi ng katawan mo, baka hawaan mo lang ako" sabi niya sabay alis sa harapan.

Abat? Ayooonn. Ang galeng! Yun na sana eh. May crush na sana ako sa Khryst na yun eh. Ang yabang din pala katulad nung francia kanina. Hayysst! Pasalamat siya't kailangan ko ngayon ng uniform kungdi isinungalngal ko na lang to sa bunganga niya. Hmmmpp, nakakaturn off talaga ang mga lalaking masama ang ugali.

End of flashback

Tumayo nako sa bench at pumuntang C.R na malapit.

Matapos kong makapagpalit ay lumabas nako sa cubicle at humarap sa salamin. Binuksan ko ang gripo sa ibaba nito at naghilamos ako ng mukha.

Habang naghihilamos, rinig ko na may nagbukas ng pinto hudyat na may pumasok sa loob.

Hindi ko ito pinansin at tinapunan ng tingin dahil tinutiyo ko ang mukha ko. Nagulat na lang ako ng magsalita ito.

Teka? Kilala ko ang boses nito ah?

"Hoi bakla! Long time no see..."

Tama! Siya nga! Yung lalaking antipatiko noong unang pagpasok ko dito!

"Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa'yo non? Na pag nakita ulit kita, bangas yung mukha mo saken. Ano, handa ka na bang manghiram ng mukha sa aso?" nakangisi niyang sabi sakin sabay lapit sa kinaroroonan ko.

"Hah? Eh ikaw? Natatandaan mo rin ba ang sinabi ko sayo noon? Na kapag nakita ulit kita, matitikman mo ang hagupit ng isang api. Handa ka na rin bang humiram ng mukha sa lelang mong panot?" ganti ko sa kanya sabay ngisi

Tila kinabahan ako ng kaunti dahil nag-iba ang ekspresyon niya. Ang kaninang nakangisi ay biglang nandilim at ramdam ko ang nanlilisik niyang mga mata na para bang pinapatay na ako sa isipan niya.

Nagulat ako ng bigla niya kong kabigin at tinrap sa dingding gamit ang dalawa niyang malalaki at malulusog na braso.

"Hmm, mukhang hindi nga ako nagkamali. Matapang ka ngang bakla ka. Alam mo ba, dahil sa ginagawa ko, mas lalo akong nagkakaroon ng dahilan para ikaw naman ang isunod kong biktima."

"As if matatakot ako sayo. Pero hindi eh. Wala akong nararamdamang takot. Alam mo kung ano ang nararamdaman ko sayo ngayon? Yamot at suklam. Umalis ka nga!" Sabi ko sabay tulak sa kanya.

Bubuksan ko na sana ang pintuan nang hablutin niya ang braso ko. Ramdam ko ang higpit non na halos bumaon ang mga kuko nito pero hindi ko ipinakita na nasasaktan ako.

"Tandaan mo to, humanda ka sa mga gagawin ko sayo. Sisiguraduhin kong hindi ka makakapag-aral dito ng masaya, gagawin kong impyerno ang buhay mo!" sabay tanggal ng pagkakahawak niya at naunang umalis.

Napahawak na lang ako sa mga braso ko at napadaing ng mahina dahil sa ginawa niya kanina.

"Takte ka talagang damuho ka."

—————————————————————————————
Nandito ako ngayon sa dorm at iniisip ang mga nangyari ngayong araw. Siguro tama lang ang ipinalayaw sakin na "Olatz", kasi lagi akong malas sa maraming bagay. Hindi ko alam kung bakit buntot sakin ng buntot ang kamalasan.

Naputol lang ang pagmumuni ko nang tumunog ang cellphone mo. Si Nanay ang natawag.

"Oh nay, kamusta kayo jan?"

"Naku, ayos lang anak. Ikaw ba jan? Hindi ka ba nahihirapan? Ayos ba ang tinutuluyan mo ngayon?"

"Opo, maganda nga po dito nay. Atsaka, oo nga pala nay, parang hindi ako makakauwi ngayong sabado. Maghahanap kasi ako ng trabaho para tulong tayo sa gastusin ko dito."

"O sige anak. Pero umuwi ka na sa susunod na sabado hah? Miss ka na nitong kapatid mo-- o sandali lang anak, eto na ibibigay ko na sayo.." rinig kong inaagaw ni bunsoy ang cellphone kay nanay kaya't napangiti ako.

"Kuya! Namimiss na po kita! Kelan ka po uuwi dito?" magiliw na banggit ni bunsoy sa kabilang telepono.

"Nakuuu, miss na miss narin kita bunsoy! Pero sa susunpd na sabado makakauwi eh. Nag-iipon kasi ang kuya para marami akong mabili na siopao para sayo."

"Talaga kuya? Sige hah? Aabangan kita sa labas ng bahay natin pag-uwi mo. Dapat po may dala kayong siopao pag wala po di ko kayo bati."

Napangiti na lamang ako dahil sa kakulitan ng kapatid. Sa totoo lang, gusto ko nang umuwi at pugpugin ng halik ang maliit kong kapatid.

"Oh pano na bunsoy, ibigay mo kay nanay ang cellphone at magpapaalam nako. Tulog ka naren.."

"Sige po kuya, I love you po"

"Lab lab ka den ni kuya."

"Oh nak, sige na't magpahinga kana. Tumawag lang naman ako para kamustahin ang lagay mo. Sige na't ibababa ko na toh."

"Sige po nay, ingat kayo jan parati." At don ko na binaba ang tawag.

—————————————————————————————

Matutulog na sana ako nang may biglang umeksena sa isipan ko.

"Tandaan mo to, humanda ka sa mga gagawin ko sayo. Sisiguraduhin kong hindi ka makakapag-aral dito ng masaya, gagawin kong impyerno ang buhay mo!"

"Aaahhhhhhh!" napabangon ako dahil sa bangungot na iyon.

"Damuho ka talagang lalaki ka! Pati sa panaginip ko sumisiksik pa! Epal ka talaga sa buhay ko!"

Lumukod ng pangamba ang dibdib ko dahil iniisip ko kung ano ang posibleng mangyari sakin bukas. Kahit papano din naman may kaunting kaba sa akin lalo na't may nagbanta pa sakin na hindi magiging maayos ang pag-aaral ko dito.

Haayyyssstt! Bahala na. Keribels mo toh bakla! Tarayan mo lang at malalagpasan mo rin yan.

******************End of Chapter 4*****************

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon