14

3.1K 120 15
                                    

Bright's POV

FUCCKK! FUCCCKK! FUCCKK!

Napasabunot ako sa aking sarili at tinungga ang pangwalong beer na iniinom ko.

"Brad, ano bang nangyayari sayo? Napapansin ko this past few days parang lagi kang problemado. Spill it bro. Matagal tagal narin bago mo kami yayain magbar. Alam naman naming tinatawag mo lang kami kapag may problema ka." Sabi ni Mike na nasa kabilang side ko.

Nandito kami ngayon sa bar dahil niyaya ko silang mag-inuman. Kasama ko ngayon ang dalawa kong kaibigan at kanina pa nila ako tinatanong kung ano ang problema ko.

Teka, ano nga ba problema ko? I don't know kung ano ang nararamdaman ko but it keeps me wondering dahil parang ang bigat-bigat ng dibdib ko.

"Bro, what if makaramdam ako na parang naiinis kapag may kasama siyang iba? Kapag naiinis ako kapag may katawanan siyang iba? Alam mo ba yung feeling na gusto kong manuntok kapag nakikita silang ganon?" Frustate kong tanong sa kanila.

"Teka, sino ba yang tinutukoy mo? Bagong girlfriend mo na naman ba?" Sabi ni Matthew sabay tawa nilang dalawa

"Gago! Sagutin niyo na lang yung tanong ko!"

"Cheel lang! Well, kung sino man yang babaeng yan, jackpot siya! Ang isang Bright Angelo Fernandes pala ay marunong na ding umibig!" sabay tawa ulit nila.

"What did you say?"

"Inlove ka bro don sa taong yon! Yung mga sinabi mo samin, sign na yun na gusto mo nga siya kasi naiinis ka na hindi ikaw ang nakakagawa non. Aminin mo man sa hindi, totoo ang sinasabi namen."

Halos mapatulala ako sa sinabi nila. No. This can't be true! Wala akong gusto sa baklang yun! I swear!

Tumayo ako sa upuan at nagbaba ng 5 libong piso.

"Uuwi nako." sabi ko at lumabas na sa bar.

"Tingnan mo tong si Bright, siya na tong nagyaya saten tas siya pa unang nagwalk-out?"

"Baka tinamaan sa sinabi mo Matthew!"

Rinig ko pa ang tawanan nila pero pinagsawalang bahala ko na lang.

Arrrggghhhh! I hate this feeling! Imbes na makatulong sila sa pinoproblema ko, mas dumagdag lang yata sila sa alalahanin ko!

—————————————————————————————

Nahihilo akong pumasok sa bahay at nadatnan kong nakaupo si Lolo habang nanonood.

"Bright, buti naman at nakauwi ka na. Saan ka ba nagpupupunta at ginabi ka na?"

"Sa bar lang lolo. Bukas na po ako magkekwento. Im just tired now. Akyat po muna ko." sabi ko at umakyat na

Naglalakad na ako at saktong lumabas si Drake sa kanyang kwarto. Sinamaan ko na lang ito ng tingin at dire-diretsong pumasok sa aking silid.

Pabagsak akong humiga at pilit inaalis ang kanina pang nagpapakabagabag sa aking isipan.

"Yan ka na naman! Lagi mo na lang dinadaan sa galit ang lahat! Kulang pa ba yung pagpapahirap sakin para patawarin mo ako? Please Bright palayain mo nako!"

"Pleasee, stop bugging on my mind Win! Please What the fuckk!"

"Kung ayaw mo, edi kahit huwag na lang ako ang pagbuntunan mo ng galit. Promise, hindi na kita pakikialaman sa buhay mo. Mangbully kaman sa iba ay asahan mong hindi mo ko makikita. But please, tama na. Ayoko na. Ang dami ko pang problema sa buhay, huwag ka na namang dumagdag."

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon