9

3.4K 155 5
                                    

Win's POV

Dumaan ang mga araw at naging maayos ang buong week ko sa AUP. Laking pasasalamat ko kay Lord dahil naging tahimik at wala nang nanggugulo pa sa akin matapos ang kaganapang iyon.

Natatawa parin ako kapag naiisip kung pano na nila ako ngayon tratuhin. Well, pabor narin sakin toh atlis hindi nako kinukutya pa.

Flashback

Habang naglalakad ako, napapansin ko na umiiwas sa akin ang mga estudyante sa dinaraanan ko. Yung mga nasa unahan ko ay nagsisitabihan na tila binibigyan ako ng daan.

"Shett! Andiyan na si Velasquez! Tara na girl! Baka matandaan niya pa yung mga mukha naten at ipasalvage tayo!"

"Gosh! Bilsan mo na yung paglalakad. Ayoko pang mamatay!"

Napataas ang kilay ko at tinuloy ko ang pakikinig.

"Bakit ka ba natatakot hah?" rinig kong sabi ng babaing katabi niya

"Di mo ba alam ang latest ngayon? Si Bright nabaliaan ng kaliwang braso dahil jan kay Velasquez! Well, dapat siya yung paglalamayan ngayon but sad to say, mukang ninja yata tong si bakla at nagpakita ng ninja moves kaya ayun, tumba at knockdown si Papa Bright kaya't nasa Hospital. Pati nga yung kasamahan niyang dalawa halos hindi na pumasok at natrauma daw. Halos magkandamayaw na nga kami katatakbo dahil nung tumingin siya sa min, shett para ka talagang sinisilaban sa takot!"

Napatawa na lang ako dahil sa nakalap ko. Hmm, mukhang masama nga ang napinsala ko sa kanila. But, hindi ako nakokonsensiya dahil sila naman ang nanguna. Mabuti na nga't nangyari sa kanila iyon para magtanda.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad na parang reyna at rinig ko parin ang bulungan. Napatigil lang ako nang may marinig akong kaaya-aya at lubos na nagpangiti sa aking labi. Iyan, tama lang yan at nakikita niyo na kung ano ang kaya ko.

"Shett brad! Crush ko na yang si Velasquez kahit pa bakla yan. Di niyo ba alam? Halos magheart-shaped ang mga mata ko nung tintingnan siya habang binubugbog sina Bright. Grabe, para siyang action star don!"

"I love you BADASS GAY!" dagdag na pasigaw nung mga kalakihan.

At don, doon na nagsimulang tawagin ako sa pangalang iyon. Badass Gay. Sounds good in my ear.

《 ♡ (• ¤ •) ♡ 》

Pero,matapos ang mga kaganapang iyon ay pinatawag ako sa Head's Office. Well, inaasahan ko na yun dahil madali talagang kumalat ang balita kaya't pinaghandaan ko na.

Nang makapunta ako, humingi ako ng paumanhin at sinabing huwag akong tanggalin dahil mahal ang ibinayad ni nanay dito.

Napahinga naman ako dahil warning lang pala ang nakuha ko at huwag na daw ulitin pa. Pagkatapos non, bumalik nako sa room ng may ngiti sa labi.

End of Flashback

Beeep beeep

Napatigil ako sa pagkatulala nang may nagtext sakin.

From: Lolo Alfredo

Hey Win, good morning! Don't forget to come here at exactly 11:30 in the morning. We'll wait here together with my apo. May session pa kayo ngayon and you will be the tutor right? Bago ko na sayo ipakilala siya kapag nakapunta ka na dito ok? By the way, may susundo narin pala sayo jan para hindi ka na magcommute.

Nagtext nako kay Lolo Alfredo na ok at magsisimula nakong maggayak. Ngayon ko lang napansin ang oras na 10:30 na pala at may isang oras pako para maghanda.

Sabado na ngayon at gaya ng napag-usapan ay kailangan kong pumunta sa bahay nila. Mabuti nga't may sundo pa ko ngayon at hindi nako mamomroblema pang hanapin kung saang lupalop nakatayo ang kanilang bahay.

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon