20

3K 114 15
                                    

Win's POV

Tulala parin ako at hinahayaang tumulo ang masagana kong mga luha sa aking mukha. Pilit ko mang alisin sa aking isipan, pilit din itong nananariwa at ayaw matanggal na para bang nagpeplay ng paulit-ulit ang mga kaganapan.

Hindi ko inexpect ang mga pangyayaring ito.

Ang dapat sanang masaya ay nauwi sa masalimuot na para bang bangungot na papatay sa akin gabi-gabi.

Wala eh, konting kibot lang sa akin bibigay kaagad ako. Kaya heto, nagdudusa nako na sana hindi na lang ito nangyari sa akin.

Masisisi niyo bako? Eh kung kayo kaya ligawan ng isang gwapo, mayaman at may kaputian na para bang nasa kanya na ang lahat, aangal ka pa ba?

Oo mataray at matapang ako sa university pero may puso din naman akong nasasaktan. Hindi sa lahat ng pagkakataon nagagamit ko iyon para labanan lang yung sakit ng nararamdaman ko.

Tao lang din naman ako. Marunong masaktan. Marunong ding magmahal pero ewan ko ba kung bakit lagi akong bokya sa pag-ibig.

Hindi ko alam kung tama bang mag-eemote ako dito eh hindi pa naman kami. Yun na nga yung kanina ko pang iniisip... hindi PA kami.

Pero naisip ko rin na may karapatan akong masaktan. Eh paano nga kung sinagot ko na siya noon pa?

Edi mas dobleng sakit ang mararamdaman ko. Ikaw ba naman makakita na ang sarili mong boyfriend na nagpapaahas sa iba, hindi ka ba magagalit at masasaktan man lang?

Tinigil ko na ang pag-iyak ko at sininghot ang dapat isinghot.

Hindi ko namalayan na nakatigil na pala ang sinasakyan namin at nakatingin lang sa akin ng seryoso ang katabi ko.

"A-ah kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko habang pinupunasan ang aking luha

"Y-yeah. Almost 30 minutes na tayo dito pero hinayaan na muna kita. Tumila na yung ulan kaya pwede tayong lumabas."

"A-ah sorry, hindi ko kasi napansin." sabi ko sabay tanggal ng seatbelt at lumabas na para magpahangin.

Hindi ko alam ang lugar na ito pero nasa mataas kaming lugar na makikita mo ang buong syudad sa ibaba. Mahangin din dito kaya kinuha ko ang baon kong jacket na nasa bag.

Umupo kami sa nakausling bato at kasya naman kaming dalawa.

Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin. Sa puntong iyon ay nakalimutan ko sandali ang mga bumabagabag sa isipan ko.

Namayani sa amin ang katahimikan. Tanging hangin lamg talaga ang maririnig mo at ang mga halamang nagsisigalawan.

"Now, speak."

Tumingin ako sa kanya na kasalukuyang nakatingin din pala sa akin.

Bumuntong hininga muna ako bago magsalita.

"A-ah salamat nga pala sa pagdala sakin dito."
.
.
.
.
.
.
"Yun lang ang sasabihin mo?"

Tumango ako at binaling ang tingin sa kalawakan.

Naramdaman ko ang pag-ipod niya sa akin at idinantay ang ulo ko sa kanyang matipunong dibdib. Yinakap niya ang aking braso kaya naman amoy ko ang hininga niyang mainit pero mabango. Medyo nailang ako sa posisyon namin pero keri lang, wala nakong time para mag-inarte.

"I know you have lots to talk to. Spill it. Handa akong makinig sayo."

At doon ay hindi ka na muling napigilan ang emosyon ko. Muling lumandas ang aking luha at humagulgol sa kanya ng pagkalakas-lakas.

"Bakit ba laging nangyayari sakin toh? Sawa na ko. Sawang-sawa na! Ano bang mali sakin? Sabihin mo nga Bright, anong mali sa kin hah?" sabi ko nung pagkaalis sa pagkakayakap niya. Hindi naman siya umimik.

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon