22

3.1K 109 1
                                    

Win's POV

Natapos namin ni Drake ang session ng masaya at mapayapa. Umuwi ako ng nakangiti dahil nasolved na ang kaisa-isang pinoproblema ko.

Kakatapos lang ng sem namin at malaya na kami sa aming buhay! Ngayon ay plano ko nang umuwi para makasama sina nanay pati narin si buboy. Miss ko na yung tabachoy nayun!

Kasalukuyan kong inaayos ang nga damit ko na isinisilid sa malaki kong bag. Bakasyon na naman na kaya hindi ko na poproblemahin ang mga bagay-bagay dito. Im going to relaxed at freshen-up.

And speaking of relaxation and being freshen-up, napagdesisyunan ko rin na magswimming man lang kami buong magpamilya dahil summer in the air na at para makapagbonding sa isa't-isa. Tiyak na matutuwa ang kapatid ko kapag sinabi ko sa kanya iyon. Malaki na ang naipon ko kaya hindi na problema sa akin ang pagbabayad kung saan mang resort makapagpareserved. Feeling mayaman diba?

Nakangiti kong nilisan ang dorm ko. Nakapagpaalam narin ako kina Khryst, Lolo Alfredo, Sassy, Drake at pati narin kay Bright na uuwi muna ako sa amin. At ayun, mamimiss daw nila akong lahat pwera na nga lang sa damuhong Bright. Ni wala ngang sinabi sakin eh. Hmmpp, bala nga siya!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sumakay na ako ng jeep papuntang terminal. Pagkatapos non ay sumakay muli ako ng bus na ang ruta ay papunta na sa aming sinilangang bayan. Charot!

Traffic parin at sobrang init pero hindi ko iyon ininda dahil malapit ko na muling makapiling ang aking pamilya. Excited na kasi si ako!

Halos apat na oras ang itinagal ng biyahe bago ako makarating sa aming terminal. Lumamig ang paligid kaya naman masasabi kong nandito na ako sa aming siyudad!

Dali-dali akong sumakay ng tricycle para mapabilis ang aking biyahe.

Lumipas ang ilang minuto ay nandito na ako sa tapat ng aming bahay. Gosh! I missed this home!

Nagbayad na ako sa mama at kinuha ko na ang lahat ng gamit sa loob non pati narin ang dalawang box ng siopao na paborito ng kapatid ko.

Pumasok na ako sa tarangkahan at dahan-dahang binuksan ang pintuan para sorpresahin sila.

Inilapit ko ang aking tainga sa pinto at may naririnig akong tawanan. Hmm, sino naman yung kausap ni nanay?

Binuksan ko na ang pinto at hindi na nagpatumpik-tumpik pa

"Im Hommmeeee---
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bright?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

Halos lumuwa ang aking mata sa aking nakikita. Sheettt, iz thiz real? Real na real?

Si Bright? Nasa bahay namin? How come?!

Bakit siya nandito? Pano niya nalaman kung saan ako nakatira?

"Why? Masama bang bisitahin si Tita?" sabi niya ng nakangiti habang buhat-buhat si Buboy.

"Tita? At kailan mo naman naging tita yung nanay ko? Sa pagkakaalam ko, hindi kita kamag-anak!" sabi ko na may halo paring gulat.

Kaya pala hindi siya sumagot sa akin noon nung nagpaalam ako sa kanya, kasi balak niya rin palang pumunta dito!

Pero siya ang nauna, paano nga niya nalaman kung saan kami nakatira?
.
.
.
.
.
.
.

Lintek ka talaga Drake!!!!

"Anak! Bisita natin siya. Ilagay mo na nga yang mga gamit mo sa kwarto mo. Nakapaghanda nako ng tanghalian at tayo'y kakain na." sabi ni nanay habang nag-aayos na ng mga plato sa lamesa.

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon