8

3.4K 154 10
                                    

Win's POV

Lunes na ulit ngayon at masaya akong bumangon sa higaan ko. Nakangiti akong nagtitimpla ng Milo habang nagluluto ng umagahan ko. Minsan nga ay nagtatatalon ako habang naglalakad sa buong sulok ng dorm ko na parang inasinan ang pwet ko. Bakit ba? Sino bang hindi sasaya ang umaga kung nakatanggap ka ng trabaho at ang mas malala, 15k ang sahod mo!

Naligo nako at inayos ang bagong plantsa kong uniform. Habang nasa banyo ay may pakanta-kanta pa kong nalalaman kahit alam ko sa sarili ko na asiwang-asiwa at nakakarindi ang boses ko. Alam niyo yung tunog na naipit na uwak? Ayun! Parang ganon nga! Wala eh, ganon talaga ako kapag masaya, masyadong nag-aadik.

Natapos ko na ang lahat ng gagawin ko at ready na kong pumasok. Tiningnan ko ang relo ko at saktong 7 na ng umaga. Nagsimula nakong maggayak at umalis na sa dorm para magsimulang maglakad.

—————————————————————————————

Kasalukuyan akong naglalakad nang mapansin ko ang kakaibang titig sa akin ng mga estudyante. Hindi ko mawari kung may gagawin ba sila saking masama kasi yung paraan ng pagtitig nila ay mababanaagan mo kaagad na may hindi sila magandang gagawin. Ipinagsawalang bahala ko na lang at nagtuloy tuloy sa paglalakad.

Hindi pa ako nakakalayo ng may marinig akong sumigaw.

"Now, FIRE him!"

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pagbato sakin ng kung anong bagay. Hinawakan ko ang likod ko at ramdam ko ang lagkit nito. Pagharap ko sa kanila ay kita ko na may hawak-hawak silang tig-iisang itlog at sa akin nakatutok.

At hindi nga ako nagkamali. Nagsimula na silang pagbabatuhin ako at ramdam ko ang sakit na tumatama sakin.

"Wait guys, do you want to see the highlight of this show?" Muling sigaw ng lalaking kinaiinisan at sinusumpa ko, wala nang iba kundi ang damuhong Bright nayon! Kay Drake ko lang nalaman ang pangalan niya nung nakita ko siyang nakangisi sa akin habang naglalakad kaming magkasabay.

"Yesss!" sabay-sabay na banggit ng mga estudyante habang nakatawang nakatitig sa akin.

Hindi ako nainform na puro kampon ni Satanas ang namamahay sa Unversity na toh! Sana hindi na lang ako pumayag kay nanay kung ganto lang pala ang dadanasin ko. So shettt ang decision ko!

"As you wish guys, now boys, let the highlight comes!"

Kita ko ang paparating na dalawang lalaki sa gawi ko na may dalang balde ng harina.

Agad akong naalarma kaya't tatakbo na sana ako nang may humawak sa balikat ko.

"Bitawan niyo nga ako!" pagpupumiglas ko sa dalawang kulugong toh babang sila naman ay nakangisi at hiyaw ng hiyaw.

Naramdaman ko na lang na ibinubos na sa akin ang harina na sobrang dumikit sa katawan ko dahil sa itlog na ibinato sakin kanina.

Rinig ko ang tawanan nila sabay labas ng kanilang cellphone at vinideohan ako.

"HAHAHAHAHA serves him right. Mukha siyang pulubi. Tama lang sa kaniya yan, maruming bakla!"

"Whhoooo! Ang saya nito brad! Sige pa picturan mo't gandahan mo ang anggulo. Sisikat tayo niyan kapag naapload na yan sa fb! Million views toh panigurado!"

Napaupo ako sa aking kinatatayuan at ramdam ko ang badyang pagtulo ng luha ko.

"Oh ano bakla? Maganda ba ang sorpresa ko sayo? Pinaghandaan ko talaga toh para mapahiya ka. Masarap ba sa feeling ang mga itlog at harina sa katawan mo? Magsabi ka lang at dadagdagan ko pa yan." Nakatungong sabi niya suot ang mapaglarong ngisi.

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon