17.2

3K 120 4
                                    

●|♡#Continuation of Chapter 17#♡|●

Win's POV

"Bright! Umayos ka nga! Nahihirapan nako sa pinaggagagawa mo!" sabi ko sa kanya at pilit inaalis ang pagkakayakap sa akin.

Nandito na kami sa bahay nila at sabi nung guard ay tulog na daw sina Lolo Alfredo dahil pasado alas diyes na ng gabi. Buti na lang ay tinulungan nila akong akayin toh para madala sa kwarto niya.

"Ah manang, ikuha niyo na lang po ako ng maligamgam na tubig pati bimpo naren. Ako na po ang maglilinis sa kanya."

Tumango na lang si manang at isinarado na ang pinto.

Kasalukuyan kong tinatanggal ang sapatos niya at inayos ang pagkakahiga niya.

"Nakakainis ka talaga! Pati ba naman ngayon pahihirapan mo pa ko? Pasalamat ka ako na maglilinis sayong damuho ka!"

Wala naman akong natanggap na sagot dito dahil panay ungol lang ang ginagawa nito.

Makaraan ang ilang saglit ay dumating na si manang dala-dala ang mga sinabi ko. Nagpasalamat ako at sinabing matulog na siya.

Inayos ko na ang mga gagamitin at umupo ako sa tabihan niya. Tinanggal ko ang polo niya at buti na lang, nakasando siya. Hindi ko na tinggal ang pantalon niya baka makakita pako ng hindi ko dapat makita.

Sinimulan ko nang punasan ang mukha niya. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasang titigan ang buong parte nito.

Hmm, mukhang maganda ren ang pagkakahulma sa lalaking ito. Ngayon ko lang kasi napansin na makapal yung mga kilay niya na parang higad. Mahahabang pilik mata na talo pa ang mga babae at matangos na ilong. Pero ang mas pumukaw sa atensyon ko ay ang labi niyang mapupula. Sa sobrang pula ay parang nag-aanyaya itong halikan at namnamin ang mga ito--

WAAAAIIITTT! Shitt Win ano bang iniisip mo? Punasan lang hindi pagnasaan!

Umiling ako at inayos ko ang pagkakaupo. Pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa kanya at sa wakas ay natapos narin ako.

Inayos kong muli ang mga gamit at nagsimula nang maggayak para umuwi.

Tumayo na ako ngunit ihahakbang ko lang ang aking mga paa ay siya namang paghawak ng damuho sa aking kamay. Lumingon ako dito pero nanatili itong nakapikit.

"Where are you going?" mahina niyang sabi pero rinig ko pa naman

"Uuwi na malamang kaya Mr. Fernandes, pakibitawan na po ang aking kamay."

Napatili naman ako nang bigla niya akong higitin na nagsanhi ng pagkabagsak ko sa kanya. Ngayon ay idinilat na niya ang kanyang mga mata at nakangisi na ang kinaiinisan kong labi.

"B-bright! Bitiwan mo na nga ako! Aalis nako ano ka ba?!"

Imbes na makinig ay dumag-an pa siya sa akin at nakakulong ako sa dalawa niyang malalaking braso.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mata niya na oara siyang malungkot na ewan. Ako na ang unang bumitaw sa aming tinginan.

"Bright umalis ka nga! Alam mo konti na lang talaga iisipin kong baliw ka na talaga!"

"And so? Anong gagawin mo kung baliw nga ako?"

"Bright wala akong panahon makipagdebatehan sayo. Umalis ka na sa harap ko at uuwi na ko. May pasok pa tayo bukas."

Hindi siya sumagot at patuloy lang ang pagtitig sa akin. Napasinghap ako nang bumaba siya sa katawan ko at siniksik muli ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Nakita ko kayo.." sabi niya sabay yakap sa aking bewang

"A-ano bang pinagsasabi mo?"

"At the park. I saw you with my bastard brother."

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon