25-THE END OF BEING BADASS

3.4K 119 12
                                    

Win's POV

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Nakasakay na ako sa bus pero taena, sobrang traffic! Aabutin pa ng dalawampung minuto bago pa makausad tong sinasakyan ko

Halos maiyak nako dahil feeling ko ay nakalipad na siya.

"Bright .. chill ka lang. Wag mo kong iwan please.." sabi ko sa sarili ko habang nayugyog sa sobrang kaba

At dahil sa naiinip nako, tiningnan ko ang labas at kita ko na ang labas ng NAIA.

Bumaba na ako at mas piniling tumakbo.

Biglang nakisabay ang kalangitan na siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko ito ininda at patuloy lang sa pagtakbo.

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa tapat ng Airport. Kaagad akong pumasok at hinanap ang lane kung saan nakaschedule ang flight papuntang New York.

"Attention to all passengers, you may now go to your respective lane as the airplane will arrived soon. Next flight is in New York. Thank You." rinig kong sabi ng flight attendant na naka-attouch sa malaking speaker.

Kaagad kong pinuntahan ang gawing iyon at naabutan ko ang mga nakapilang tao roon.

Nagpalinga-linga ako at pilit tinitingnan kung saan ko siya makita.

At sa wakas, nakita ko narin siya! Nasa pinakadulo siyang linya pero nakatalikod siya.

Alam na alam ko ang hubog ng hitsura ng katawan niya kaya hindi ako pwedeng magkamali.

Sumigaw ako para marinig niya

"Brriiigghhttt! Bbrriigghhttt!" sigaw ko pero hindi siya tumitingin sa akin.

May lumapit sa aking mga gwardiya at sinitahan ako na huwag sumigaw.

Lumapit ako sa gawi niya pero may sliding glass pala na hindi ko napansin.

Dali-dali akong tumakbo sa kabilang side at kita ko na ang pagpasok ng ilang pasahero sa eroplano..

Noo! Hindi pwede toh!

"Brigghhtt! Nandito na ko!" Sigaw ko muli sa kaniya pero tila bingi ito at nagpatuliy sa paglalakad.

Doon na ako napaluha.

"Sir, huwag po kayong mag-eskandalo rito. Kapag hindi pa po kayo tumigil ay palalabasin po namin kayo dito." sabi ng guard na kararating lang.

"Hindi po pwede Sir. Kailangan niya po akong makita. Hindi siya dapat umalis" humahagulgol ko nang sabi sa kaniya.

"Eh nakuu Sir, paalis na po kasi yan kaya hindi niyo na po yan mapipigilan. Im sorry pero kailangan ko na po kayong paalisin dito."

Nagpumiglas pa ako pero hindi na ako nakakilos pa. Dumami na ang mga gwardiya na humihila sa akin papaalis.

Binuhos ko ang aking lakas para makawala sa kanila. Nagtagumpay ako at agad tumakbo papunta sa kinaroroonan ng eroplano.

Sumigaw pa sila pero hindi ko na ito alintana. Ang mahalaga sa akin sa oras na iyon ay si Bright na malapit nang mawala sa piling ko.
.
.
.
.
.
.
.

Pero huli na ang lahat.

Nadatnan ko ang papalipad nang eroplano kung saan tangan-tangan ang dapat sanang mamahalin ko habang buhay. Ang dapat sanang kukumpleto sa nawawala kong pagkatao.

Napaupo ako sa sahig habang humahagulgol ng malakas.

Ramdam ko ang lamig na dumadampi sa aking katawan kasabay ng pagbagsak ng ulan.






"Ang daya daya mo Bright! Nandito na ko oh?! Bat hindi mo man lang ako hinintay? Alam ko na yung sagot eh. Alam ko na! Na mahal na mahal din kita! Pero ano? Pinili mong umalis at iwan ako! Walang hiya ka! Sinaktan mo ko! Hindi mo man lang naisip na kailangan kong pag-isipang mabuti kung tatanggapin ko yung pagmamahal mo sa akin o hindi. Wala ka talagang bayag! Ngayong nandito nako at handa nang sumugal pero ikaw naman tong kaagad nang bumitaw! Ang daya mo talaga. Ang daya daya mong damuho ka!" sigaw ko habang naiyak.

Wala na.

Talo ulit ako.

Lagi na kang ba kapag magmamahal ako ay siyang laging magiging katapusan ng lahat? Na sa tuwing kung kailan handa na ako ay siya na namang pagtatapos ng laban?

"Paano nako niyan lalaban satin Bright kung suko ka na? Paano ako iibig kung ayaw mo na pala? Heto na ko oh. Nakikita mo ba ko? Ito si Win na mahal na mahal ka!"

Muli akong napa-upo habang sapo ang aking mukha.

Magmukha man akong tanga na naiyak sa kalagutnaan ng malakas na ulan ay wala na akong pakialam pa.

At oo, tanga nga ako. Ngayon ko lang kasi narealized na mahal ko pala ang damuhong yun. Kaya ito, pinagsisisihan ko na ang kagagahang pinaggagagawa ko sa buhay ko.

Reyna nga talaga ako ng kamalasan!

Ang malas malas ko!
.
.
.
.
.
.
.
.

"Buti naman alam mo na ang sagot mo."

Napatigil ako sa paghagulgol ko. Tumingin ako sa aking gilid at agad nanlaki ang aking mga mata.

Dahan-dahan akong tumayo at hindi hinahayaang maalis ang tingin mula sa kaniya.

"B-bright? I-ikaw ba yan?"

"Ako nga. Ampangit mo palang mag-emote. Mukha kang tanga!" sabi niya sabay tawa

Kaagad akong tumakbo papalapit sa kaniya at hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para halikan ang kaniyang mga labi.

Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin kaya mas diniinan kk ang aming halikan.

Napaghiwalay lang kami ng kapusin kami ng hininga.

Parehas kaming hinihingal habang magkadikit ang aming noo sa isa't-isa. Ngumiti siya sa akin sabay halik pa ng mabilis sa aking labi.

"Akala ko iniwan mo na talaga ako! Ano bang naisipan mo't aalis ka ng bansa? Ayaw mo na ba kong makasama?" naiiyak ko na namang sabi sa kaniya.

"Actually I planned to leave this country noon pa. Pero mas pinili kong magstay dito because of you. Because I love you. Ikaw lang naman kasi ang dahilan kaya nanatili ako dito. Pero nung sinabi mo sakin na hindi mo masasagot ang tanong ko na sayo na mahal kita, doon na ko nawalan ng pag-asa. Kaya heto, aalis na sana ako but when i heard you dealing with some guards at the back, sumaya ako dahil sinundan mo pa pala ako dito. I know na magcoconfess karin sakin dahil hindi mo ko kayang matiis. I love you Win. I'm so fucking damn inlove with you Win Velasquez. Hindi kita kayang iwan."

Muli niya akong hinalikan sa ilalim ng ulan. Sinuklian ko ito ng buong pagmamahal at hindi inaksaya ang pagkakataong ito.

Rinig ko ang palakpakan mula sa aming paligid at maraming naghihiyawan.

Napatingin na lang kami doon at punong-puno ng tao ang nakikinuod sa aming eksena na para bang nasa isang drama.

Napatawa na lang kaming dalawa at magkasabay na tinahak ang ikasisiya ng aming buhay.

Ngayon, masaya na ako dahil nakamit ko na ang kaligayahan ko. At nagpapasalamat ako sa maykapal dahil binigay niya sa akin ang isang lalaki sa buhay ko.

At dito nagtatapos ang malatemple-run kong istorya sa paghahanap ng pag-ibig. At heto, ang nag-iisang Bright Fernandes lang pala ang makakabihag ng precious heart ko. Akala ko nga hindi ko na siya mahahabol pa, praise the lord at pinaringgan niya ang dasal ko na maabutan siya.

At siya na yun. Siya na ang my only number one sa puso ko.

Sa puso ng isang 'Badass Gay'

Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa dahil pagmamay-ari ko na siya at walang magbabalak na may umangkin pa sa kanyang iba. Subukan lang nila at matitikman nila ang hagupit ng paghihiganti ko! Ako, si Win Velasquez, ay totoong inlababo na sa nag-iisang damuho ng buhay ko. At si Bright iyon. Wala nang iba pa...

•••••••••••••••••••••••●The End●•••••••••••••••••••••••••

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon