23

2.7K 113 13
                                    

Win's POV

Naging maayos ang daloy ng bakasyon ko. Dalawang linggo na ang nakakaraan nung bumisita dito si Bright na ikinasaya naming pamilya. May communication parin naman kami at heto nga lagi akong tinetext at chinachat.

Tinext ko rin si Khryst na namimiss ko na siya at sinabing gumala kami minsan. Umoo naman si bakla at pupuntahan niya na kang daw ako kapag nakatakas siya sa tatay niya. HAHAHAHA

Si Drake naman... ayun di na nagparamdam. Ewan ko ba sa lalaking yun kung may tampo ba sakin o wala. Masyado niya yatang dinamdam ang mga sinabi ko noon na hanggang kaibigan na lang muna kami. Pero sa pagkakatanda ko naging maayos naman kami nung umalis ako. Hindi ko alam kung totoo bang masaya siya o hindi. Nakuu, kargo konsensiya ko pa tuloy siya.

Krriiiinngggggggggggg

Tinignan ko kung sino ang natawag. Pinindot ko ang answer button nang mapag-alamang si Lolo Alfredo pala ang tumatawag sakin.

"Hello po Lolo Alfredo. Miss ko na po kayo. Bakit po kayo napatawag?" Masaya kong sabi sa kanya sa telepono.

"I miss you too Win. By the way, I call you kasi I wanted to invited you in my birthday this week. Friday nayun and dapat makita kita sa party ko. Don't worry sa pagpunta here because Mang Gabo is coming to fetch you. You can also bring your family here if you want."

"Talaga po? Nakuu, belated Happy Birthday po sa inyo! Sige po, pupunta po kami jan. Nakapangformal po ba ang suot namin? Baka po kasi mamaya kami po yung naiiba sa mga guest niyo."

"No need na apo. It's just a simple party lang naman at kayo-kayo lang ang bisita ko."

"Sige po Lolo. Salamat po ulit" huling sabi ko sabay patay ng tawag.

Mukhang kailangan ko na palang bumili ng regalo ngayon dahil sa susunod na araw na yung birthday ni Lolo.

Tumayo na ako sa kama ko at inayos ito. Lumabas nako ng kwarto para magpaalam na aalis ako ngayon

"Nay, aalis ako ngayon. Bibili po kasi ako ng regalo para kay Lolo Alfredo, yung lolo nina Bright. Sinabi rin niya sakin na pwede kayong sumama sakin papuntang Maynila. Friday na po yun nay."

"Eh naku anak, bawal ako sa friday pati narin yang kapatid mo. I-eenroll ko na kasi yan at magge-grade 1 na. May aasikasuhin din akong mga records para sa enrollment ng ibang mga bata. Kahit ikaw na lang. Happy Birthday na lang kamo."

Napatango na lang ako at tinulungan siya sa paggawa ng umagahan. Kumain narin kami pagkatapos non at gumayak na ako para maligo.

Matapos lahat ng ritwal sa aking katawan, nagpaalam nako kay nanay na aalis na. Buti abala si bunsoy sa paglalaro kaya hindi na siya sumama pa sa akin.

Sumakay nako ng jeep at pumunta sa malapit na mall.

Lumipas ang ilang minuto ay nakababa na ako sa pupuntahan ko. Pumasok na ako sa loob at naghanap na ng mareregalo.

Inabot ako ng ilang oras sa paghahanap ng regalo pero hanggang ngayon, wala parin akong mapili.

Ano bang bagay kay Lolo Alfredo?

Naisipan ko kasing ibili na lang siya ng damit pero nagdadalawang isip ako.

Kaya naman, pumasok na lang ako sa isang shop na puro jacket. Pinili ko yunh plain na kulay green na jacket since favorite ito ng Lolo ko. Charot! Favorite color yun ni Lolo Alfredo.

Binili ko na ito at pumunta naman sa isang printing shop para ipaprint doon yung picture namin sa likod non. Pinalagay ko pa na 'Best Lolo in the World' at doon na ako nakuntento. Wala kasing kadating-dating kung simpleng jacket lang ang ibigay ko. Kailangan ko ng creativity para mas bongga diba?

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon