15

3.2K 131 13
                                    

Win's POV

"Wow Kuya! Ang ganda ganda po talaga dito!" manghang sabi ni Bunsoy habang pinapasyal ko siya sa isang amusement park.

Guess what kung sino ang kasama namin ngayon..

"Buboy gusto mo ba ng hotdog? Ayun oh, tara bili tayo!"

"Sige kuya pogi! Tara kuya, ililibre tayo ng hotdog!" maligalig na sabi ni bunsoy at nagtatalon pa habang hinihila ang kamay ko

Yes, si Drake ang kasama namin ngayon. Linggo ngayon at nung sabado ay tinanong niya ako kung saan ako pupunta kinabukasan. At dahil makulit siya, sinabi ko na uuwi ako sa bahay at ipapasyal ko si buboy.

"Ate, tatlo nga pong order" sabi ni Drake sabay labas ng 500 piso.

"Nakuu, ako na Drake." sabi ko at maglalabas na sana ako ng pera pero hinawakan niya ang kamay ko at umiling.

"Ok lang Win. Itago mo na lang yan para sa gastusin niyo. Ang cute kasi ng kapatid mo kaya oks nako" nakangiti niyang sabi.

"S-salamat." napatungo ako dahil biglang namula ang mga tainga ko.

Rinig ko naman ang pagtawa niya kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Pinunasan ko ang sauce na nagkalat sa labi ni bunsoy na kasalukuyang kumakain ng pangatlo na niyang hotdog

"Wala ka pring pinagbago bunsoy, malakas parin kumain ang alaga mo" sabi ko habang kinukurot ang matambok ma pisnge nito.

Bumungisngis ito at nagturo na sa gusto niyang sakyan.

"Kuya, don po tayo sa mga kabayo. Gusto ko pong sumakay don!"

Napailing na lang ako at sumabay na sa kanilang dalawa.

Bumili si Drake ng ticket at pumasok na kaming tatlo doon. Kita ko ang saya sa mukha ng aking kapatid na ikinangiti ko.

Cllliiiccckkk

Nagitla ako at kita ko na kinukuhanan pala kami ni Drake.

"Drake! Burahin mo nga yan. Ang pangit ko jan oh. Para akong sira!" sabi ko habang inaagaw sa kanya ang kanyang cellphone

"Hindi kaya, actually ang cute niyo ngang dalawa dito eh."

"Heh! Burahin mo na nga. Nakakainis ka!"

Tumawa na lang siya at nilagay na sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.

Pprrrrrrrtttt

Halos humalakhak kami ni Drake sa sobrang katatawa nang umutot si Bunsoy ng pagkalakas-lakas

"HAHAHAHA hanep ka bunsoy! Tirgas yang nilabas mo HAHAHAHA" sabi ko habang natawa

"Oo nga buboy, akala ko may shotgun kanina, tuloy-tuloy kasi yung pagratrat mo HAHAHA" sabi naman ni Drake na natawa parin hawak-hawak ang kanyang tiyan

"Eh mga kuya, kayo kaya kumain ng 5 hotdog at uminom ng buko juice, tingnan ko lang kung hindi kayo mautot. Buti nga utot lang sakin hindi po tae" sabi ni bunsoy habang hinihimas ang kanyang tiyan

Tumawa ulit kami dahil sa kacutan na hatid ng kapatid ko.

Patuloy ang pag-ikot ng Carousel at walang tigil kakayugyog si bunsoy sa kabayo.

Napatigil ako sa pagtawa nang may naaninag akong pamilyar na nakatayo malapit sa amin. May masasama at nag-aapoy nitong mga mata at ang nakakuyom na kamao na siyang makakakitaan mo ng galit.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"B-bright?" Bulong ko sa aking isipan.

Napatindig naman ako nang gulatin ako nina Drake. Pinunasan ko ang aking mga mata sabay tingin sa kanila.

"Hui Win! Anong nagyayari sayo? Halika na't tapos nang umandar." Kalabit sakin ni Drake habang buhat si Bunsoy na nakatingin sa akin.

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon