12-Revised part

3.1K 129 37
                                    

Revised part

Win's POV

Ramdam ko ang sakit habang kinakaladkad ako ng mga tauhan ni Bright papunta sa bodega na dati ring lugar kung saan binubog ako ng husto.

Halos mamanhid ang katawan ko nang ihagis ako sa sahig. Pinalibutan nila ako habang may hawak silang kahoy.

"Wala ka na bang natitirang awa sa amin Bright? Pati kapatid mo dinamay mo. Nahihibang ka na."

"Hindi ako nahihibang. Tama lang itong ginagawa ko-ang pahirapan ka dahil hindi mo alam kung sino ang binabangga mo. Wala rin akong pake kung madamay pa iyang Drake na 'yan dahil pakialamero din siya. Ngayon, kung hindi mo susundin ang ipag-uutos ko, katumbas 'non ang bawat paghampas ng kasamahan ko."

"Kahit anong sabihin mo, hindi ko maaatim na sumunod. Ang isang gaya mo ay hindi nararapat sinusunod. Kasi kung ako, matagal na kitang sinunog sa sobrang kasamaan mo."

Tila namula ang kaniyang mukha at nagtitimping tumingin sa akin. Napangisi ako dahil kahit kailan, lagi siyang talunan sa aming bangayan kaya heto, hindi na niya kinayang mag-isa at naghanap pa talaga ng kasama. Napakaduwag talaga.

"Ayaw mo? Pwes, hampasin 'yan!"

Napapikit ako ng mariin nang maramdam ang pagpalo sa akin ng kahoy. Bawat dampi sa akin ay para bang nababali ang mga buto ko sa katawan. Hindi na ako halos makatayo gayong hindi ko na maramdaman ang mga binti ko.

"Isa lang naman ang gusto ko eh, ang sundin mo lahat ng ipag-uutos ko. Slave kumbaga. Kung papayag ka, wala na tayong pag-aawayan. Hindi mo na rin kailangan pang magbenda ng katawan sa tuwing ipapadakip kita para saktan. You need to think twice bago mo sakin sabihin ang sagot mo. Ano, payag ka ba o hindi? SAGOT!"

"A.YO.KO. AYOKO! Kahit anong pamimilit mo, hinding-hindi ako papayag. Hindi pa 'ko nasisiraan ng bait at higit sa lahat, iyang mga pananakot mo, walang panama sakin. Saktan mo man ako, hindi ko isasakripisyo ang pride at dangal ko. Wala kang kuwenta, duwag ka!"

Muli kong naramdaman ang pagpalo na siyang ikinabagsak ko. Pikit na ang aking mga mata at halos parang ayoko nang huminga.

Sobra na. Sobra na ang pagpapahirap nila sa akin.

"Boss, mukhang patay na yata, hindi na nagalaw o? Boss, ayokong madawit sa pagpapakulong pag nagkataon." Sabi ng isa sa kasamahan niya.

"Tss, drama lang 'yan. Sige, tumigil na kayo. Buoas ko na ibibigay yung pera at umalis na kayo. Ako nang bahala dito."

Rinig ko ang papalayong tunog ng sapatos at katahimikan ang namayani sa buong paligid.

Napadaing ako nang sabunutan ako ni Bright para pumaling ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi parin ba ang sagot mo?"

"H-hindi. Itong mga pinaggagagawa mo, sisiguraduhin kong mapapaabot 'to sa mga pulis. Kakasuhan kita. Tandaan mo 'yan."

"Iyon ay kung aabutan ka pa ng umaga. At kahit ipapulis mo 'ko, hindi ako makukulong. Mayaman ako. Kaya ko silang pikutin sa isang pitik lang. Sa ayaw at sa gusto, magiging alipin kita the next morning. Pasalamat ka pa nga hindi kita tinuluyan. May kaunting awa pa akong natitira"

"Awa? Naawa ka pa talaga sa lagay na 'yan? Bakit hindi mo ako tuluyan? Di ba abot langit ang galit mo sakin kaya nagagawa mo ang ganito?"

"Well, magagamit pa kita kaya binigyan kita ng pangalawang pagkakataon. Subukan mong magsumbong, hindi ka na makakatuntong pa sa eskwelahang ito."

Umalis na siya pagkasabi noon.

Umiyak ako at pinilit tumayo sa kinalalagyan ko.

Gusto ko mang ipaglaban ng karapatan ko, sa tingin ko wala na ring patutunguhan pa. Para akong bumalik sa simula, talunan at laging inaapakan.

Siguro kailangan ko munang tanggapin ang kapalaran ko. Alangan namang sabihin ko kay nanay na ayoko nang pumasok dito, paniguradong malulungkot 'yon. Ginawa niya ang lahat para lang makapasok ako dito. Ayokong sayangin iyon. Titiisin ko muna itong paghihirap at kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon na lumaban, pangakong babawian ko siya.

*****************End of Chapter 12*****************

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon