7

3.6K 142 3
                                    

Win's POV

Minulat ko ang aking mata at kulay puting kisame ang nakita ko. Nang igala ko pa ang aking paningin, napagtanto kong nasa Clinic na ako dahil sa mga kagamitang medikal dito.

Teka, sino nagdala sakin dito? Ang pagkakatanda ko ay iniwan akong bugbog sarado ng damuhong iyon sa abandonadong building kahapon. Wala na kong naalala pagkatapos non.

Tatayo na sana ako nang maramdaman ko ang biglang pananakit ng katawan ko. Para akong lantutay na napahiga dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Aaahhhhh!" napadaing kong sambit.

"Win! Buti naman at gising ka na. Wag ka munang gumalaw." sabi ni Drake na kararating lang ngayon

"Sino nagdala sakin dito?"

"Siyempre ako! Mabuti nga't nakita kita kanina habang naggagagala ang tropa. Teka, bakit ka ba nandon? Kinidnap ka ba kahapon at puro bugbog yang katawan mo? Pasalamat ka't may awa ako kaya dinala kita dito sa Clinic."

"Oo na, SALAMAT hah? NAPAKA bait mong bata" sarkastiko kong sabi

"Oh eh ano na nga? Sino may gawa niyan sayo? Gusto mo resbakan naten yan? Ano, sabihan mo lang ako."

"Hindi na. Kaya ko nang mag-isa. Atsaka, bakit nandito ka pa? Di ba may klase tayo ngayon? Hindi ka na sanang nag-abalang samahan pako dito."

"Ok lang yan. Sinabi narin naman ni Maam Consuelo na samahan kita. Sandali lang at hahanapin ko lang yung school nurse para matingnan ang lagay mo." sabi niya sabay tayo sa upuan malapit sa tabihan ko.

"Sige, salamat uli."

—————————————————————————————

"Ok ka na ba talaga? Gusto mo balik ulit tayo ng clinic? Ang putla mo pa eh. Wag ka na kaya pumasok ngayo--"

"Huii! Ano ba? Sabi ngang kaya ko na eh. Atsaka bakit ba ang dami mong tanong? Akala mo naman may malubhang sakit ako ngayon. Atsaka, matanong nga kita.. nagdududa narin kasi ako sa mga inaasal mo sakin ngayon eh. Bakit ka ba naging mabait sakin? May plano ka noh?"

"Sabi ngang wala, wala, wala! Ang kulit den ng lahi mo noh! Siyempre good boy nako para magpaimpress sayo.."

Bigla akong natigil pati rin siya ay lumaki ang mga mata.

"A-anong sabi mo?"

"A-ahhh ang sabi ko, g-good boy nako kasi I-i realized na malaki na ko para mangbully. Ayun, ayun yung gusto kong sabihin sayo" kanda utal utal niyang sabi sa akin.

Napataas ang kaliwa kong kilay dahil sa ka-kiyeme-hang ginagawa ng isang ito.

"Siguraduhin mo lang na wala kang balak na masama sakin kundi, lagot ulit sakin yang manoy mo. Halika na nga!"

"Wag naman si junior! Madami pa kong paggagamitan nito hui wait sandali! Hintayin mo naman ako!" sabi niya sabay habol sakin.

—————————————————————————————

Araw na ng sabado at naggayak nako ng sarili ko para maghanap ng trabaho. Tinawagan ko narin sina nanay para sabihin na ngayon nako magsisimulang maghanap at ok lang naman daw sa kanya.

Pumara nako sa jeep at nag-abot ng bayad. Makailan ang ilang saglit ay bumaba nako sa terminal.

"Hayyss, saan naman ako mag-aaply nito?"

Naglakad-lakad ako at pumasok sa mga restaurant na nakikita ko. Sinabi ko na kung may vacant pa pero sad to say, halos lahat ng iyon ay punuan na. Hindi lang kasi ako ang naghahanap ng trabaho, halos karamihan ay estudyante din ang nandoon at nagtatrabaho. Napagtanto ko na mahitap talaga ang buhay dito sa maynila. Kakastress!

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon