24

2.7K 104 7
                                    

Win's POV

Dito na ako pinatuloy nina Lolo Alfredo sa kanilang mansion. Sa kwarto mismo ni Drake ako natulog tutal daw ay malayo pa bago bumalik ang ulupong dito.

Pansin nga rin nila na umiyak ako dahil mugto talaga ang mga mata ko. Hindi naman nila ako masisisi kasi naging malapit din sa akin si Drake kahit kaibigan na lang ang turingan namin.

Sinisi ko nga ang sarili ko kasi alam ko naman na ako ang dahilan ng pag-alis niya kahit pa alam kong nakita na niya ang nanay niya don. Kaya ayun, nag-usap kami ng masinsinan nina lolo pati narin si Bright sa baba at sinabi nilang wala akong kasalanan.

Naging maayos na pakiramdam ko sa usapang mala'worship' namin kanina. Salamat na lang sa kanilang dalawa at pinaliwanagan nila ako to the highest level.

Nakatulog ako ng matiwasay at wala nang inaalala pa.

—————————————————————————————

Nagising ako mumunting halik sa aking mukha pati narin sa leeg. Tss, si bunsoy talaga nagpapalambing na naman.

"Bunsoy, mamaya mo na ko lambingin... natutulog pa si kuya." sabi sabay yakap dito.

Naamoy ko ang buhok nito at hindi ko mapigilang singhutin.

"Aba ang baby ko nakaligo na. Ambango-bango naman ng buhok" nakangiti kong sabi pero nakapikit parin

Pero pansin ko lang, bakit mas lalong bumigat itong baby ko? Nakuu ang dami naman yatang nakain kahapon.

Hinawakan ko ang buo niyang katawan at malamuscle ang nahawakan ko.

Aba, batak na batak pala ang braso ni bunsoy? Ngayon ko lang toh napansin ah?

"Aaaaahhhh" rinig ko ang garalgal niyang ungol--

T-teka may umungol?

Binuksan ko na ang mga mata ko at bigla akong napasigaw sa nakapatong na lalaki sa akin ngayon

"Wwwwaaaaaaaahhhhhhhhh!" sigaw ko sabay tulak sa kaniya na nagsanhi ng pagkabagsak niya.

Napatayo ako mula sa kama at gulat parin sa kahudasang ginawa ko. Shheettt! Naalala ko nga pala na hindi nako nakauwi samin dahil gabi na non.

Napatampal na lang ako sa ulo sabay kamot ng maigi sa aking buhok.

Nakakahiya ka Win!

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay natawa habang hawak ang kanyang puwetan.

"Siyete ka Bright! Anong ginagawa mo dito?!" sigaw kong muli sa kaniya

Tumayo siya sa pagkakatumba sabay ngumuso sa bandang lamesa. Sinundan ko naman iyon at kita ko ang isang tray na puno ng pagkain.

Bigla akong naguton ng makita ang mga iyon.

Pero ang hindi ko lang matanggap ay yung nangyari sa amin kanina.

"I just want to deliver your food here. Kanina pa kita ginigising pero para ka namang mantika kung matulog. Kaya pinugpog kita ng halik ng magising ka. Hindi ko naman akalain na ikaw pala ang magpapagising sa junior ko dahil sa ginawa mo" ngisi niyang sabi sabay liyad kaya naman bumakat ang torta niyang malaking talong.

Biglang nanlaki ang aking mata kaya napatili ako sabay takip ng mata.

Goosshhh! My Virgin eyes!

"Walanghiya ka talaga Bright! Pervert! Bastos! Manyakis! Rapist!" sabi ko sabay lapit sa kanya at pinagsusuntok ang dibdib niya.

Tawa lang siya nang tawa at sabay hinablot ang aking kamay.

"Your so funny babe. I like to tease you like this. But eat first your breakfast before me ok? I can wait.."

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon