2

4.6K 205 33
                                    

Win's POV

Ngayon na ang araw sa pag-alis ko papuntang Maynila. Kanina pang iyak nang iyak ang kapatid ko at sinasabing gusto niyang sumama. Loko din talaga tong kapatid ko eh. Napatahan ko naman siya daahil pinangakuan kong uuwian siya ng alam niyo na, yung siopao.

"Oh bakla, halika na. Baka maiwan pa tayo ng bus papuntang Maynila. Omygosh! I can't wait nang pumunta there! Sigurado akong marami dong hotties!" Tiling sabi ni Melissa sa akin.

"Sige. Tara na"

Kumaway ako kina nanay nang magsimulang umandar ang bus. Ngumiti ako sa kanila at sumigaw sa huli.

"Uuwi din ang kuya bunsoy! Mahal ko kayo! Babyee!"

Umupo nako ng maayos at pumikit ng matagal.

"Ayos ka lang baks?"

"Oo naman bakit?"

"Mukha ka kasing natatae sa ginagawa mong yan." sabay tawa niya

"Eh ikaw? Mukha ka nang tae sa paningin ko. Huwag ka na ngang maingay! Nagmemeditate ako!"

—————————————————————————————
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami ng Maynila. Ibang iba talaga ang lugar nato kumpara sa lugar namin. Kung samin, napakaraming puno at malamig ang simoy ng hangin, dito naman, puro nagtataasang building at init ang mararamdaman mo. Pawis na nga mga kilikili ko eh. Isabay mo pa ang amoy pawis na hanging nalalanghap mo, nakakasuffocate talaga here.

Bumaba na kami ng terminal at nagsimulang maglakad lakad.

"Pano ba yan baks, hanggang dito na lang kita mahahatid, iba kasi yung way naten eh. Sakay ka na lang ng tren don papuntang university mo. Bye! Text text na lang" sabay hawi ng mahaba niyang buhok na sarat sa pagkakulot.

"Sige, salamat"

Sinunod ko yung sinabi ni bakla at naglalakad nako papunta don.

Nang makapunta, lalo akong nainis dahil siksikan ang mga tao at madaming nakapila.

"Letse naman oh!"

Naghintay ako ng ilang minuto at sa wakas, nakapasok narin ako sa tren pero wala ring pinagbago, halos siksikan kami dito na parang sardinas.

Makaraan ang ilang saglit, nakababa narin ako sa pupuntahan ko. Sumakay naman ako sa tricycle para tuluyang mapuntahan ang papasukan kong bagong university.

"Kuya, bayad po" sabay abot ko ng trenta pesos.

Dumungaw na ko sa malaking gate ng pagpapasukan ko. Shettness, ang ganda! Kung titignan, gate pa lang, pangmayaman na talaga. Tila tunay na ginto ang ginamit sa tarangkahan na pwede nang nakawin sa sobrang kinang. HAHAHAHA bad ko talaga

Lumakad nako papasok don pero hinarang ako ng guard. Like duh? Expected ko na toh noh! Ipinakita ko yung Registration form ko at sinabing bagong salta ako dito.

Pinakiusapan ko na rin si manong guard na samahan ako sa registration office para hindi ako maligaw. Mabuti naman at hindi masungit ang guard kaya pumayag na siya.

—————————————————————————————
Matapos kong makuha ang schedule, uniforms, at bagong gawang id, dumiretso na ko sa sinabi ng babaeng tutuluyan kong dorm. Infairness, nasa loob na mismo ng school ang dorm kaya hindi nako mahihirapang mamasahe.

"Teka, san nga ba ulit yon, turn left daw tas mag teturn right ka, tas diretso tas magteturn left ka ulit. Takte, nasan na ba ko?! Ang bilis bilis ba naman magsalita ng babaeng madrastang iyon! Parang may hahabulin o ano. Yan tuloy, naliligaw nako!" Asik ko habang nagpapapadyak.

Nakabusangot akong naglalakad habang nakatingin sa schedule na hawak hawak ko. Hindi ko namalayan na may naglalakad din sa harapan ko kaya naman nagkabungguan kami. Sa lakas ng impact, ako yung natumba at nagsiliparan ang mga papel na hawak ko.

"Shheeettt! Yung schedule ko!" sigaw ko sabay pulot ng mga ito.

Aabutin ko na sana ang isa pang lumipad na papel nang mapunta ito sa gawi ng lalaking nakabungguan ko. Nakuha niya ito sabay ngisi sa akin ng nakakaloko. Kukuhanin ko na sana sa kanya pero biglang nanlaki ang aking mata nang punitin niya ito sa gitna.

"Tatanga-tanga ka kasi. Sa susunod nga tumingin ka sa linalakaran mo, bakla!" Napanganga na lang aki sa tinuring niya sabay tapon ang nagkapira-pirasong papel.

Biglang umusok ang ilong ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong maging si Ms. Minchin.

"Edi tanga ka ren! Nakita mo na ngang naglalakad ako tas binunggo mo pako, sino ngayon sa tin ang mas bobo?" Taas kilay kong sabi sa kanya dahil nag activate ang kamalditahan ko. Aburido na nga ako sa babae kanina tas dadagdag pa siya.

"Anong sinabi mo?! Nakikilala mo ba ko hah bakla?" Kita ko ang pag-iba ng awra niya at mas dumilim ang tingin niya sakin.

"Hindi. At wala akong balak kilalanin ka! Antipatiko!"

Sabay alis sa harap niya. Sinadya kong bungguin ang gilid niya para malaman niyang hindi ko siya uurungan.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng maramdaman ko ang paghablot ng siko ko.

Pinaharap niya ako sa kanya at binulyawan ng pagkalakas lakas

"Ikaw bakla, ayus-ayusin mo yang pagsasalita mo! Pasalamat ka't baguhan ka lang dito kaya pagbibigyan kita. Pero sa oras na makita ko ulit yang pagmumukha mo, hindi ako magdadalawang isip ng bangasan ka! Tandaan mo yan!" sabay tulak sa akin ng malakas. Umalis na siya at naglakad papalayo

"Aray kupoo! Ang pweettt ko! Takte kang damuho ka! Akala mo ba natatakot ako sayo?! Neknek mo! Sa susunod na makita kita, matitikman mo ang hagupit ng isang api! Gago!" Sigaw ko habang hawak hawak ang sumasakit na pwetan.

May araw ka rin sakin kung sino kaman. Akala mo magpapatalo ako? Tingnan lang naten. Kuko lang niya ang walang latay! Bwiset tong araw na toh! Aarrrggghhhh!

******************End of Chapter 2*****************

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon