17

3.3K 121 4
                                    

Win's POV

"Girl! Trending topic ka ngayon sa fb pati tweeter! Sikat na ang Badass Gay, kaloka!" sabi ni Khryst habang nagso-scroll sa kanyang cellphone

"Patingin nga" sabi ko sa kanya sabay lapit sa kinaroroonan niya.

"Eh ano pa nga ba? Ikaw ba naman ang ligawan ng isang sikat na Drake Francia hindi ka ba sisikat? Tara na nga!" dagdag ko pa habang naglalakad.

Nandito kami ngayon sa mall para maggala. Wala kaming pasok ngayon dahil may meeting daw ang buong teachers para sa gaganaping event.

Guess what kung anong event yon?

It's a BALL! Hindi literal na bola ang tinutukoy ko hah or yung dalawang eggbols ng mga lalaki, yung Ball na magsusuot ka ng magarang damit at kailangan mong magpaganda, yun yon! Actually, ngayon lang ako makakaranas non and im so so excited!

Kaya heto, nandito kami ni Khryst para bumili ng susuotin. Next saturday na kasi yun at isasabay na daw para sa founding anniversary ng university.

Buti't hindi ako namomoroblema sa pera dahil marami-rami narin akong naipon dahil sa pangtututor ko kay Drake. Sobra pa nga yung sweldo ko kaya nakakapagwaldas pako ngayon. Thanks kay Lolo Alfredo. Miss ko narin yung matandang yun kahit papano HAHAHA Chareng!

Pumasok kami sa isang store na punong puno ng mga gown at iba't ibang attires.

"Corazon Cloathing line? Parang kilala ko kung sino may-ari nito eh"

"Sino naman?" Intrigang tanong ni Khryst sa akin.

Nag-isip ako ng ilang minuto at natumbok ko rin kung sino.

"Ah oo! Kina Drake iyang store na yan. Oo tama! Napag-usapan namin yan nung nasa bahay ako nila. Kaya pala pamilyar sakin yung pangalan."

"Bakit ka naman nasa pamamahay ng isang Drake Francia hah? Ano? Sinagot mo na ba siya kaagad? Isinuko mo na yung perlas ng silanganan? Gosh Win! Ang rupok mo!"

"Gaga yang malikot mong isip ang sumosobra! Diba nga tutor niya ko at wala nakong balak pang ikwento sayo kung pano nangyari yun. Halika na nga!"

—————————————————————————————

"Win, maghanap ka na muna jan at doon ako maghahanap." sabi ni Khryst.

Tumango na lang ako at tumingin na sa mga tuxedo.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi parin ako makapili. Ang hirap pala nito!

Pumunta ako sa pinakadulo ng store at doon napagdesisyunang naghanap.

Palinga-linga ako sa mga damit na nakasabit at viola! Nakita ko na ang babagay at fifit sa katawan ko. Kaagad ko itong kinuha at pumunta sa may malaking salamin sa gilid.

Isa itong tuxedo na pinaghalong blue at silver pero ang mas ikinaangat ng ganda nito ay purong glitters ang design nito na siyang nagpakinang sa kulay.

Alam niyo yung lava gown ni Catriona Gray? Yun! Parang ganon yung design pero sa kulay lang nagkaiba.

Tiningnan ko ang price tag nito at halos lumuwa ang mata ko sa aking nakita.

"25,000 toh?!" sigaw ko na siyang nakakuha ng atensyon ng marami.

Nagsorry ako at pumunta sa gawi ni Khryst. May hawak narin siyang kulay maroon na tuxedo at mukhang maganda rin sa kanya.

"Wow Win! Saan mo nakita yan?" mangha niya sabi habang nakatingin sa tuxedong napili ko.

"Doon sa pinakadulo. Ang mahal nga nito eh. Nag-aalangan ako kung kukunin ko ba o hindi"

Badass Gay ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon