"Kilala kita!!! "
Habang nagkasalubong ang kanyang makakapal na kilay habang sinusuri niya ang kabuohan ko.
Napalunok ako pero hindi ko pinakita na kinakabahan ako at may halong tuwa dahil tinitigan niya ako at nakahawak na ang kamay niya sa kanang kamay ko kahit na may pagkariin niya tong pagkahawak.
Agad niya binitiwan ang pagkakahawak sa akin ng makita niyang nakangiti ako habang tinitingnan siya , napaatras siya nang humakbang ako papalapit sa kanya pero tinulak niya ako at muntik na akong matumba.
"Tssh! Pati ba naman dito sinusundan mo ako!!"
"Sinabi ko naman sayo kahit saan ka mang pumunta , susundan kita" sabi ko habang ngumingiti at inayos ang pagkakatayo.at nilapitan na naman siya.
"kahit pagtulakan mo ko ng pauli-ulit hindi parin ako titigil hanggang hindi ka magiging akin."
"Dream on!!" Diin niyang bigkas at agad akong tinalikuran.
Nakatitig ako sa pintuang linabasan niya at pasalampak na umupo!! Tsk! Paano ko ba siya maikukulong na hindi niya ako matatakasan!!! Napapikit ako ng mariin sa inis.
"Tumahimik nga kayo!!!" Sigaw ko sa mga kaklase ko dahil hindi ako makapag-iisip nang maayos dahil sa subrang ingay nila.
Napatahimik sila habang gulat na nakatingin sa akin dahil ngayon lang itong nangyari pero mayamaya ay bumalik na sila sa kanilang inaabalahan.
Napasabunot ako ng aking buhok at napasimangot, pero agad ding itong nawala at napalitan ng ngiti dahil nakita ko ang the one of my life na kasama ang kanyang mga kabarkada, nakaakbay si brent kay carl habang si red naman ay makahawak sa bola sa kamay at napakunot ang aking noo ng makitang nakahawak sa cellphone si dave at meron atang katext!! Nakabili na pala siya ng bagong Cellphone.
Napatayo ako bigla at tinungo ang labasan.
"Hoy Jelly saan ka na naman pupunta malapit na ang klase natin.!" Wika ni James at hinarangan, tiningnan ko lang siya ng masama at napakamot siya sa noo at tumabi.
Binilisan kong bumaba sa hagdan dahil nasa ikalawang palabag ang aming silid-aralan , napahingal ako nang makarating ako sa basketball court at napahawak sa aking mga tuhod, nang masiguradong maayos na ang aking paghinga ay hinahanap ko si dave at nakita ko ang kanyang mga kaibigan pero wala siya.
Lumapit ako sa mga kaibigan niya upang tanungin pero naudlot ito dahil nakita ko siya sa labas ng court , linakihan ko ang aking mga hakbang at naging mahina ito nang malapit nakung makarating sa kanyang kinatatayuan, napataas ang aking mga kilay ng nakita ang ilang kababaihan na kinukuhaan ng litrato ito , agad na hinaplot ko ang cellphone nila.
"Hey!!! Thats mine!" Maarting sigaw nito! Tinaasan ko siya ng kilay at agad na tinapon ang cellphone nito!
"O my God!!!" Sigaw nito.
Agad siyang napasugod sa akin pero nahawakan ko agad ang buhok niya at pinaharap sa mga iba pang malalanting kumukuha ng larawan ng aking sinta, napadaing ito, sumigaw ako "ITO AY MANGYAYARI SA INYO KAPAG HINDI NINYO TINIGILAN SA PAGKUHA NG LITRATO ANG BOYFRIEND KO!"
Napatanga silang lahat at nilakihan ko ang aking mata at agad silang napatakbo, nakita ko Dave na nakatiimbagang nakatingin sa akin.
"ARAAAAY!!!" Nakalimutan kung may linta pa pala akong hinawakan, agad ko tong tinulak. "Hindi lang yan ang matitikman mo!!!TABIII!" sigaw ko at agad itong kumaripas nang takbo, narinig ko pa tong binantaan ako pero wala akong pakialam! Akin ay akin lamang.
![](https://img.wattpad.com/cover/221871259-288-k963272.jpg)
BINABASA MO ANG
MAGIGING AKIN KA RIN
DiversosNililigawan ! Ginayuma! pero walang epekto parin sa kanya! I'm Jelly Cortez Gagawin ang lahat para magiging akin siya! This is my Mission. To make him fallin" love with me.