CHAPTER 19

127 9 1
                                    

"Hindi ka ba nagugutom?"

Hindi ko siya sinagot at siniksik ko ang mukha ko sa kanyang leeg, nakasakay kami ng bangka upang maglibot at mamasyal sa mga isla na malapit doon.

Hindi kami nagtagal maligo ng dagat dahil may natanaw kaming bangka na dadaung sa kinaruruunan namin.

Agad niya akong binuhat at dinala sa bahay upang magbihis.

Binuhat niya ako pababa ng bangka.

Napatakbo ako ng binababa niya ako.

Namamangha ako sa nakikita ko para akong nasa paraiso.

Napakaganda ng tanawin.

May mga starfish akong nakikita , napasunod ako sa klasi klasing maliliit na isda malapit sa mababaw ng dagat.

Napatuwa ako ng muntik na akong may nahuli.

Napalingon ako kay Dave na nakamaywang habang nakatingin sa akin.

Masaya ko siyang nilapitan.

"Kailan ka nakapunta dito??

"Matagal na rin , siguro limang taon ng nakakalipas."

"Napakaganda dito!"

Hinila niya ako upang makaupo kami sa malapad na bato.

At binigyan niya ako ng bingka at puto nabili namin ito sa batang naglalako , suki na rin kasi iyon ni Dave kaya palagi yon pumupunta doon kapag nalaman naroon siya dahil alam nitong pagbibilhan siya ni Dave.

"Natutuwa ako dahil na gustuhan mo dito, gustong kitang isama dito noon kaya lang nagkahiwalay tayo."

Naramdaman ko ang lungkot ng sinabi niya iton.

Binigyan ko siya ng ngiti, ngiting walang halong sakit sa nakaraan.

"Ang mahalaga magkasama na tayo dito."

"Patawarin mo ko"

HInawakan ko ang kamay niya.

"Patawarin mo rin ako dahil sumuko ako, naniwala ako sa mga sinabi mo na taliwas naman sa pinapakita mo sa akin, noong panahon maayos pa tayo."

"Di ko mapagilang magselos , hindi ko kayang makita kang tumitingin sa iba kahit lang makausap mo sila , hindi ko mapigilan masaktan, magalit at matakot na baka maagaw ka sa akin." Nakita ko sa mga mata niya ang takot habang sinasabi niya ito.

Nakaramdam ako nang saya nang aminin niya ito sa akin.

"Pero naisip kong napakamasarili ko! Dahil nararamdaman ko ito habang di ko masabi sayong----

Hinawakan niya ako sa kamay habang pinipisil ito, para bang natatakot siya kong ano man ang magiging reaksyion ko kapag sinabi niya ang hindi niya masabi.

Ano ba ang di niya masabi sa akin.

Ito ba yon.

Ang aminin niyang may mahal siyang iba.

"Hindi ko alam kong paano ko sasabihin sayo na na---

"Totoong may iba kang mahal ?"

Nakita ko ang gulat sa kanyang mata ng sabihin ko ito, nakita kong nanginginig ang labi niya.

Hinaplos ko ang daliri niyang may singsing.

Bigla niyang hinawakan ang makabila kong mukha habang ramdam ko ang lamig sa kanyang kamay.

"Inaamin ko na nagmahal ako sa iba, pero bata pa ako noon Jelly, akala ko siya na pero nagbago ang lahat ng makilala kita , sinubukan kong iwasan ka dahil akala ko matutugunan itong nararamdaman ko sa kanya pero napakahirap niyang abutin."

MAGIGING AKIN KA RINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon